Kamaikalan lamang ay nanawagan ang ilang transport groups ng moratorium sa ekspansyon ng Motorcycle Taxi sa Metro Manila (NCR). Madami ang inilatag nilang dahilan na nais nating mabigyan ng linaw dahil tila ba ay motorsiklo ang ugat ng krisis sa naturang sektor. Narito ang ilan sa kanilang batayan.

  1. “Congestion at Malalang Trapiko ang idinudulot ng pagdami ng MC TAXI sa NCR.”
    TUGON: Bagama’t madami sa volume ang motorsiklo sa kalsada, mas malaki ang kinakaing espasyo ng mga apat na gulong o higit pa na mga sasakyan. Maaring madami ang bilang ng motor pero sa usapin ng congestion ay kita naman gaano karami ang mga pribadong sasakyan dito sa kalunsuran na siyang karaniwang makikitang nakapila sa mahabang trapiko sa mga kakalsadahan. Ayon sa datos ng mga manufacturers, nito lamang pebrero ay tumaas ng 23.2% ang new vehicle sales nila. Ito ang patunay na patuloy paring dumadami ang bilang ng mga pribadong sasakyan sa kalsada na siyang patuloy na magpapasikip dito. Sabihin na nga nating mas madami naman talaga ang bilang ng motorsiklo kesa apat o higit pang gulong, pero ilan lamang ba ang MC Taxi na bumibiyahe sa ilalim ng pilot study program? Kung isusuma ang bilang ng riders sa tatlong platform, nasa humigit-kumulang sa 50,000 ito sa mga key cities kumpara sa milyun milyong mga pribadong sasakyan sa kalsada. Kaya paanong nagiging sanhi ng trapiko at congestion ang MC TAXI?
  2. Dahil sa tumataas na bilang ng aksidente sa MC TAXI ay dapat ireevaluate kung ligtas ba ito bilang moda ng pampublikong transportasyon.
    TUGON: Ang usapin ng kaligtasan sa kalsada ay hindi dapat ituon lang sa MC TAXI. Sapagkat ito ay problema ng buong mundo. Sa datos ng World Health Organization (WHO) 1.5 million na mahigit ang namamatay dahil sa road crash at katumbas na ito o higit pa kung ikukumpara sa death due to epidemic tulad ng HIV-AIDS. Nakaka alarma ngunit bakit naman sa motorsiklo lang isinisi ang ganitong usapin. Samantalang ayon sa Statista na isang survey firm, mas malaki ang porsyento ng share of accidents ng kotse (53%) kesa motorsiklo (22.5%). Malaki man sa bilang ang motorsiklo, pero di hamak na mas malaki ang bilang ng naaksidente na sakay ang kotse. Bukod dito ilan lang ba ang MC TAXI sa total na bilang ng mga motorsiklo sa pilipinas? Bakit idinidiin ang MC TAXI sa usaping ito? Meron kasing ilang grupo na ayaw nang madagdagan ang bilang ng MC TAXI dahil sa kumpetisyon at dito papasok ang ikatlo nilang dahilan.
  3. Lugi na daw ang ibang sektor sa transport dahil sa paparaming bilang ng MC TAXI.
    TUGON: Totoong matindi ang kumpetisyon sa sektor ng transportasyon. Lalu pa at matindi ang krisis sa sektor na ito. Hindi natin itinatanggi yan dahil mismong datos ang nagsasabing kulelat tayo pagdating sa rankings sa usapin ng maayos na pampublikong transportasyon. Pero para ibato ang sisi sa isang partikular at maliit pa na sektor na MC TAXI. Isa itong malaking kabalintunaan! Ang demand for public transportation ang napakalaki, halos 50 million commuters ang naitatala kada taon na bilang ng commuters. 136,000 kada araw o higit pa ang commuter ridership. So ano ang sobra at ano ang kulang? Sobrang dami ng commuters, kulang ang pampublikong transportasyon. Kaya paano nila nasabing nalulugi na sila sa halos wala pang sampung porsyento na bilang ng MC TAXI na nagsasakay ng commuters kada araw.

PAGSUSUSUMA:
Malinaw na baseless ang paratang ng ilang grupo sa kanilang panawagan na moratorium sa MC TAXI expansion. Ang malinaw ay may ibang grupo at advocate na ayaw sa kumpetisyon at mas ninanais na maglaro ng madumi para hilahin pababa ang papausbong na industriya sa MC TAXI. Mismo sa mga kumpanya ng MC TAXI ay lantad na nagaganap ang hilahan pababa na ito dahil may mga nag aastang propeta at tagapagtanggol ng isang kumpanya na nais solohin ang industriya. Kaya nagbabayad ito para siraan ang kanyang mga kakumpetensya.

ANG ATING PANAWAGAN:
Bagama’t tinutugunan ng LTFRB/TWG ang panawagan nilang ito ay sa premise naman ito ng pagtatapos na ng “PILOT STUDY PROGRAM”. Malapit nang maisabatas ang MC FOR HIRE ACT na lalung magpapatibay sa lehitimisasyon ng ating trabaho bilang MC TAXI RIDERS.

Dito natin ituon ang ating enerhiya at MAGKAISA TAYONG MGA MC TAXI RIDERS AT ADVOCATES PARA TULUYAN NANG MAISABATAS ANG MC FOR HIRE ACT.

MAGKAISA TAYO SA NGALAN NG ATING KABUHAYAN AT KARAPATANG MAKAPAGHANAPBUHAY! ANO MAN ANG ATING KULAY AT PLATFORM, IISA TAYO NG INTERES! ANG MABUHAY NG MARANGAL!

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com Include your full name, e-mail address, and contact number. All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit the submission in a way that does not alter or change the original material. Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

One response to “[From the web] Pagsuspinde sa ekspansyon ng MC TAXI sa NCR, solusyon nga ba sa krisis sa transportasyon? | KAGULONG”

  1. […] [FROM THE WEB] PAGSUSPINDE SA EKSPANSYON NG MC TAXI SA NCR, SOLUSYON NGA BA SA KRISIS SA TRANSPORTAS…Posted on April 2, 2024, this insightful piece from Kagulong delves into the suspension of motorcycle taxi expansion in the NCR. It prompts critical discussions on transportation crises and the efficacy of policy interventions. […]

    Like

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading