









Photos by KAGULONG
Nagsagawa ng bayanihan ang mga Kagulong, pinangunahan ng Yamaha Elite Aerox Society (YEARS) – Rehiyon 3 at Bulacan Motorcycle Riders Confederation (BMRF) sa Tahanang Mapagpala sa Malolos, Bulacan upang alagaan ang ilang mga lolo at lola. Nagtipon ang mga kapatid na riders mula sa Bulacan, Pampanga, Bataan, ilang bahagi ng NCR, at maging sa Cavite upang magdala at maghatid ng mga tulong na kanilang naisama.
Sa isang maikling talakayan sa programa, nagkasundo ang mga ito na mas palakasin pa ang bayanihan sa pamamagitan ng suporta sa mas malawak na social pension coverage para sa mga matatanda. Sinabi nila na hindi sapat ang 1,000 pesos na buwanang pensyon na ibinibigay ng gobyerno sa mga lolo at lola, at limitado pa ang mga benepisyaryo nito. Ipinaalala nila na malaki ang naging kontribusyon ng mga nakatatanda sa bansa, lalo na sa pagpapalaki ng kanilang pamilya at sa kanilang pagpupursigi sa buhay, kaya’t nararapat na masuklian ito nang higit pa ng pamahalaan.
Pumirma rin ang mga kapatid na lumahok sa mga bayanihan volunteer sign up forms upang ipahayag ang kanilang determinasyon na ipagpatuloy at palakasin ang bayanihan, at ipagtanggol ang karapatan at kapakanan ng mga nakatatanda.




![[Statement] PAHRA condemns U.S. strikes in Venezuela, calls it a blatant abuse of power and violation of human rights](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/611273346_1197453659168467_684525050697177916_n.jpg?w=1024)
![[Statement] End the Aggression Now! Respect the Sovereignty of Venezuela!](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/607484560_1322029336635993_7525347165453649146_n.jpg?w=1024)
![[People] The Supreme Court and a children’s court: More justice for children | By Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/unnamed.png?w=1024)
![[Press Release] EcoWaste Coalition Assembles in Plaza Miranda to Press for Waste-Free Conduct of Traslacion 2026](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/1000076026.jpg?w=1024)
Leave a comment