
Sa pagpapanday natin sa maalab na kasaysayan ng pakikibaka ng kababaihan sa buong mundo, ginugunita natin ang Marso 8 bilang araw ng pagpupugay at pagpapasikhay ng laban.
Napagtagumpayan man ang paglawak ng partisipasyon ng kababaihan sa ating lipunan, pilit na binabawi ito ng sistemang patriyarkal at nagsasalimbayang krisis sa kabuhayan, karahasan, at kagutuman. Sa mga krisis na ito, tiyak na hindi Charter Change ang kasagutan dahil higit na palulubhain pa nito ang pandarambong ng mga dayuhan sa rekurso at ekonomiya ng bansa, at tahasang palalawigin ang termino ng mga dinastiya sa gobyerno.
Mula sa iba’t-ibang pook, sektor, at organisasyon sa buong Pilipinas, ipinagtitibay ng kababaihan at ating pagkakaisa upang mangalampag sa pamahalaan para sa ating agenda – sahod, kabuhayan, pampublikong serbisyo, karapatan, kasarinlan, klima, lupa, at wakasan ang karahasan!
Hindi alingawngaw ng mga trapo, kundi boses ng kababaihan ang dapat na pakinggan. IINDAK ANG AGENDA NG KABABAIHAN, HINDI ANG CHA-CHA NG IILAN!




![[People] No more safe spaces for journalists in Gaza | by Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/unnamed.jpg?w=800)
![[Statement] TDC Statement on the bill to repeal CPD LAW](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/tdc-on-cpd-law.png?w=1024)
![[From the web] CONSUMER SAFETY ALERT: Food-Like Plastic Toys May Pose Serious Health Risks to Children | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/2.png?w=1024)
![[From the web] EcoWaste Coalition Calls for Stronger Measures to Stop Lead Paint Imports](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/laboratory-tests-confirm-the-presence-of-lead-a-toxic-chemical-banned-in-paints-and-similar-surface-coatings-at-levels-exceeding-the-legal-limit-of-90-ppm.jpg?w=1024)
Leave a comment