
PAHAYAG:
Ang Kapatiran sa Dalawang Gulong (KAGULONG) ay isinusulong ang karapatan ng mga riders para magkaroon ng disenteng hanapbuhay. Hindi tayo tutol sa anumang oportunidad na dumating para magkaroon ng kabuhayan ang ating mga kapatid na mananakay ng motorsiklo.
Kaya suportado natin ang ekspansyon ng motorcycle taxi at pagpapaunlak sa mga bagong players na maging bahagi ng pilot test run. Ito ay sa konteksto ng “MAS MADAMING PLAYERS, MAS MADAMING OPORTUNIDAD SA TRABAHO ANG MGA RIDERS, AT MAS MADAMING MOTORCYCLE TAXI ANG MASASAKYAN NG MGA KOMYUTERS BILANG ALTERNATIBONG TRANSPORTASYON”.
Noon pa man ay nanawagan at sumuporta tayo sa labang ito, nang ipanawagan natin ang pagpasok ng CITIMUBER at iba pang players sa pilot test run. Tinindigan natin ito dahil may karapatan ang iba pa nating mga kapatid na makapag hanapbuhay.
Kailangan maging bukas ang TWG on MC Taxi sa ibang players basta ito ay sumusunod sa mga itinakdang patakaran at regulasyon hinggil sa kaligtasan ng mga rider at pasahero. Ngunit mas mainam kung mamadaliin na din ang PAGSASABATAS NG MOTORCYCLE TAXI REGULATION LAW. Upang ganap nang maging lehitimo ang kanilang trabaho at may kaukulang regulasyon na hinggil dito.
Panawagan din natin sa mga kumpanya ng MC TAXI na siguruhing protektado ang mga kapatid na mananakay ng motorsiklo. Protektado sa anyo ng pagbibigay nito ng health and accident insurance, may social protection at may karampatang benepisyo bilang mga manggagawa sa transportasyon. At higit sa lahat, may karapatang ma representa at makonsulta sa anumang mga hinaing at reklamo.
KARAPATAN SA HANAPBUHAY, IPAGLABAN!




![[Press Release] Envi group says PBBM order to inspect Manila Bay dredgers ‘long overdue’ | ATM](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/611266739_857788566880357_613411987971048784_n.jpg?w=1024)
![[Statement] Ninja Van riders’ reinstatement, a boost to platform workers’ rights | CTUHR](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/613613978_1305637741609830_7278802790473352916_n.jpg?w=1024)
![[Press Release] Teachers welcome bigger education budget but decry lack of pay increase | TDC](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2015/06/photo-by-arnel-tuazon.jpg?w=960)
![[Press Release] “Reduce Waste at Home, Make Zero Waste A Daily Habit” | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/zw1.png?w=1024)
Leave a comment