Pahayag ng TDC hinggil sa data gathering ng DEPED para sa National Learning Camp sa paparating na bakasyon

Malinaw naman na ang mga guro ay entitled sa dalawang buwang school break (summer break) at iyan ay ginagarantiyahan ng mga panuntunan at kautusan ng CSC at DepEd mula pa noong pahanong hindi pa ipinapanganak ang marami sa atin. Wala kasi tayong paid vacation at sick leave na mayroon ang ibang kawani, pampubliko man o pribado.

Ibig sabihin nito, anumang trabaho na ipagagawa sa atin sa panahon ng bakasyon ay dapat voluntary at dapat ding tumbasan ng additional compensation gaya ng service credits o overtime pay. Napakahalaga kasi ng school break. Ito nag panahon na maaaring makapagpahinga at makapaghanda para sa susunod na school year ang mga bata at ang mga guro matapos ang sampung buwan ng pagpasok sa eskwela. Kakaiba pa ngayon sapagkat nakaranas tayo ng matinding init na lalong nagbigay-pasakit sa lahat.

Kayat kung magsasara ang school year 2022-2023 ngayong kalagitnaan ng Hulyo at magbubukas naman ang school year 2023-2024 sa katapusan ng Agosto, kukulangin na ang araw ng dapat sana ay bakasyon (may hiwalay na panukala ang TDC hinggil sa school calendar). Lalo pa itong mababawasan kung matutuloy ang planong National Learning Camp ng DepEd alinsunod sa kumakalat ngayong memorandum na nilagdaan nina Assistant Secretaries Alma Ruby Torio at Francis Cesar Bringas at inilabas noong Hunyo 2, 2023. Ayon sa nilalaman ng memorandum, magkakaroon umano ng tatlo hanggang limang linggong learning camp sa panahon ng school break upang mabigyan ng enrichment, intervention at remediation ang mga batang mag-aaral.

Bagamat wala pa namang anumang detalye hinggil sa nasabing plano ng DepEd at kasalukuyan pa lamang kumukuha ng datos para dito, nakikipag-ugnayan na rin tayo sa ilang opisyal ng Central Office upang mailinaw ito.

Bagamat batid natin na kailangang magsagawa ng mga hakbang upang matulungan ang ating mga mag-aaral na nahihirapan sa kanilang pag-aaral, dapat itong isagawa nang may pangunahing konsiderasyon sa kapakanan at karapatan ng mga guro. Tayo naman ay rasonable at nais makatulong sa ating learners, subalit dapat din tayong tulungan ng DepEd.

Karapatan natin ang dalawang buwang bakasyon!

For details:
Benjo Basas, National Chairperson
09273356375

FB Post:
https://www.facebook.com/photo?fbid=643407181154940&set=a.464721869023473

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit the submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading