[Press Release] Mga Guro Umalma sa Planong Two-week School Break ng DEPED -TDC

#HumanRights #Teachers

Mga Guro Umalma sa Planong Two-week School Break ng DEPED

“Hindi naman totoong nabawasan ang trabaho ng mga guro. Sa katunayan ay nadagdagan pa nga dahil sa tumaas ang dependency sa technology at mga clerical tasks. Kung dalawang linggo lamang ang ibibigay na break bago ang susunod na school year, aba’y baka hindi matapos ang mga trabaho and worse, hindi talaga makapagpapahinga ang mga guro natin,” ito ang naging reaksiyon ni Benjo Basas, Pambansang Tagapangulo ng TDC sa plano ng Department of Education (DepEd) na palawigin pa ang kasalukuyang school year at bawasan ang dalawang buwang school break at gawin na lamang itong dalawang linggo.

Sa pahayag ng DepEd sa pamamagitan ni Undersecretary Disodado San Antonio, sinabi ng ahensiya na maaaring pang palawigin ng dalawang linggo ang school year 2020-2021 at iksian ang tradisyunal na dalawang buwang bakasyon bago ang susunod na school year.

“Nagtataka naman po kami sa planong ito ng DepEd, sapagkat kung totoo na 99.37% ng mga mag-aaral ang nakakumpleto ng mga requirements noong first quarter at 80% ang rating ng ahenisya sa implementation ng distance learning system, bakit kailangan pa nilang mag-exted?” Tanong ni Basas. “Kahit pa ilang linggong extension ang ibigay kung mananatili ang kakulangan sa modules, kawalan ng access sa teknolohiya, limitadong oras o kakayahan ng mga magulang tulungan ang mga anak at ang mababang interes ng mga mag-aaral, mawawalan rin ito ng saysay,” dagdag pa niya.

Ayon sa grupo ay maaari namang paiksiin ang school break ngunit hindi naman anila sasapat ang dalawang linggo upang makatugon sa mga hinihinging trabaho ng mga guro sa pagtatapos ng school year. Hindi rin umano ito magiging praktikal dahil “mawawalan ng oras upang makapagpahinga man lang ang mga guro na siyang pumasan sa bigat ng mga gawain dahil sa daming mga pagkukulang ng sistsema bago pa man buksan ang klase noong Oktubre 2020.”

Sa huli, muling hiniling ng TDC sa pamunuan ng DepEd na maging bukas ang ahensiya sa dayalogo upang makita ng mga namumuno ang tunay na kalagayan sa ibaba at upang maipahayag naman ng mga guro ang aktuwal nilang karanasan.

“Itong mga nakaraang pahayag ng DepEd ay nagpapatunay na hindi nakalubog sa reyalidad ng public school system ang mga namumuno sa Central Office. Sa ganitong aspeto namin nais na tumulong at ipakita sa ating mahal na Kalihim at mga matataas na opisyal ng kagawaran ang tunay na kalagayan ng mga guro at mag-aaral sa ilalim nitong distance learning system,” pagtatapos ni Basas.

Ayon sa TDC ay handa umano silang makipagtulungan sa DepEd upang makapagsagawa ng plano ang ahensiya na nakabatay sa mga tunay na sitwasyon at masolusyonan ang mga nakikitang suliranin.

For details:
Benjo Basas, 09273356375

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.