[Statement] Academic break, suportado ng mga guro -TDC

#HumanRights #Education Academic break, suportado ng mga guro

Nagpahayag ng suporta sa mga panawagan ng deklarasyon ng academic break ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) upang makatulong umano sa pagbangon ng mga pamilyang nasalanta ng magkakasunod na kalamidad nitong buwan. Ayon sa TDC, bago pa man magkaroon ng sunud-sunod na bagyo ay may ilang paaralan na ang nagpatupad ng academic break kagaya ng Philippine Science High School (PCSHS), sa kasalukuyan naman ay ipinatutupad ng University of the Philippines (UP) ang suspensiyon ng lahat ng klase at anumang academic activtites mula Nobyember 16 hanggang 21. Samantala, ang lungsod ng Marikina ay nagdeklara ng suspensiyon ng klase hanggang saa Disyembre 16.

“Yung academic ease na sinasabi ng DepEd ay hindi sapat dahil may mga gawaing pampaaralan pa rin ang mga bata na kailangang gabayan ng kanilang mga magulang. Hindi ito praktikal sa panahong hindi pa lubos na nakakaahon ang mga apektado ng bagyo at baha, uunahin pa ba nila ang pagsagot sa module o pagdalo sa online class sa halip na maghanap ng makakain o maglinis ng bahay na nalubog sa putik?” Pahayag ni Benjo Basas, National Chairperson ng TDC.

Ayon sa DepEd ay hindi na umano nito maaaring mapagbigyan ang ganitong kahilingan sapagkat nauna nang na-adjust ang school calendar at ito ay magtatapos sa Hunyo 2021.

“Kung ang ilang mga institusyon gaya ng UP ay nagpatupad ng academic break, bakit hindi ito magagawa ng DepEd at CHED sa mga lugar na matinding naapektuhan ng kalamidad? Noon ngang bago pa tumama ang bagyo sa tingin ko ay kailangan ng pahinga ng mga bata, magulang at guro, lalo na ngayon na walang internet, kuryente at tubig at maaaring nalubog sa tubig ang modules at gadgets. Hindi naman ito maaaring ibilad lang at plantsahin,” pagtatapos ni Basas.

Inaasahan pa rin ng TDC na maikukunsidera ng DepEd ang pagpapatupad ng academic break hanggang sa Nobyemre 30. #

Reference:
Benjo Basas, TDC National Chairperson
09273356375
Teachers’ Dignity Coalition
STATEMENT
November 18, 2020

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.