[Press Release] Daan-daang magagarang sasakyan binili ng DEPED, mga guro halos mamamalimos para sa modules-TDC

#HumanRights #Teachers Daan-daang magagarang sasakyan binili ng DEPED, mga guro halos mamamalimos para sa modules

Ikinalungkot ng mga guro ang mga ulat na bumili ng magagarang sasakyan ang Department of Education (DepEd) para umano magamit sa isinasagawang inspection ng mga inhinyero nito sa mga paaralan.

“Alam naman natin na mahalaga ang trabaho ng mga engineers, pero sa panahong ito, marapat lamang na ituon ang pagtustos sa mga prayoridad para sa pag-aaral ng mga bata,” ayon kay Benjo Basas, Pambansang Tagapangulo ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC).

Ayon sa mga ulat, kamakailan ay naibigay na ng Mitsubishi Motors Carworld Pampanga ang may 166 unit ng Mitsubishi Strada sa DepEd. Ang isang unit nito umano ay may halagang mahigit sa 1.4 milyong piso at karagdagan ito sa mga nauna nang binili ng DepEd noong nakaraang taon kaya may kabuuang bilang na 254 unit na ang nabili ng DepEd.

Sinang-ayunan naman ng ilang netizen ang pahayag ng TDC. Ayon sa komento ng gurong si J-Me Mangrobang Dayao, “Next time tiisin na natin kung ano na lang ang meron. Kung wala silang ibibigay na supply, so be it. Nakakasawa na ring mag-abono at mamalimos tapos makikita mo lang na ganito.”

Idinagdag naman ni Basas na hindi umano magandang senyal sa publiko ang ipinapakita ng DepEd lalo pa’t nahihihirapang gumampan ng tungkulin ang mga guro dahil sa limitasyon sa transportasyon at ang iba sa kanila ay humihingi pa nga ng donasyon sa pribadong sektor o umaasa sa ayuda ng lokal na pamahalaan para lamang matustusan ang pangangailangan sa modules.

Umayon dito si Antonio Andaya, Jr., guro sa Malolos City at isa rin sa mga tumulong sa produksiyon ng modules sa kanilang paaralan. “It is a matter of priorities, priority ba yung vehicles for the DepEd engineers? So teachers are not? Especially those that we see who had to go thru so many natural rough terrains just to get to their destinations? Looking at the logistical support provided for teachers, it is the LGUs, who are in the forefront in this. Anyway, let us hope that these vehicles do add to the quality of education in the country,” aniya.

Ayon sa mga guro ay hindi umano makatwiran ang dahilan ng DepEd sa pagbili ng mga sasakyan na ayon sa ahenisya ay upang magamit ng mga engineers nito sa inspeksiyon.

“Anong gusali ba ang iinspeksiyunin ngayon? Gaano ba kahirap puntahan ang mga sinasabi nilang paaralan? At gaano ba kadalas itong dapat inspeksiyunin? Kasi kung mayroon mang mas nangangailangan ng sasakyan sa panahong ito ng distance learning, iyon ay ang mga frontliners ng DepEd- ang mga education supervisors na dapat magbigay ng gabay sa instruksiyon, ang mga principals na mangunguna sa implementasyon at ang mga guro na aktuwal na nagpupunta sa mga paaralan at komunidad araw-araw para abutin ang mga bata at kanilang magulang,” paliwanag ni Basas.

Ayon pa sa grupo ay lubos ang sakrpisyong kailangang ibigay ng mga dahil sa pagbubukas ng klase sa gitna ng pandemya at bagamat sinasabi ng DepEd na work-from-home ang dapat na sistema sa mga guro ay hidi umano ito totoo.

“Pinagre-report sa paaralan araw-araw ang mga guro kahit wala namang esensyal na gawain. Ito ay sa kabila ng limitadong transportasyon at kung mayroon man ay napakamahal ng pamasahe araw-araw para lamang masunod ang kagustuhan ng DepEd. Pero baliktad, ang mga taga-Division Office at hindi ang mga guro binigyan ng sasakyan,” dagdag ni Basas.

Nais din umano ng grupo ang isang malinaw na ulat kung paanong ginugol ang 9 bilyong pisong pondo ng DepEd na laan sa modules para sa first at second quarters gayong mga LGUs, pribadong sektor at mismong mga guro ang gumastos sa malaking bahagi ng produksiyon nito.

“Kahit saang anggulo natin tingnan, hindi po marapat na bumili ng daan-daang magagarang sasakyan ang DepEd samantalang halos mamalimos ang kanyang mga guro magkaroon lamang ng modules ang mga mag-aaral. Ano ba ang prayoridad nila?” Pagtatapos ni Basas.

Muling hiniling ng grupo sa pamunuan ng DepEd ang bukas na talakayan at konsultasyon sa kanilang hanay upang marinig naman ang kanilang tinig at maisaalang-alang sa mga gagawing hakbang ng ahensiya. Ayon sa kanila ay nakahanda naman umano ang mga guro sa isang dayalogo sa pamunuan ng DepEd, pero tila wala itong pakialam sa mga opinyon at sentimyento ng mga guro. #

For details:
Benjo Basas, TDC Chair
0927-3356375
TEACHERS’ DIGNITY COALITION (TDC)
Telephone No: (02) 6920-296/ 0917-1138336
4443 BCL Homes, Independence St., Gen.T. De Leon, Valenzuela City

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.