[Press Release] Pahayag ni Cagayan Gov. Manny Mamba, umani ng negatibong reaksiyon mula sa mga guro -TDC

Pahayag ni Cagayan Governor Manny Mamba, umani ng negatibong reaksiyon mula sa mga guro

Hindi nagustuhan ng mga pampublikong guro ang naging pahayag ni Cagayan Governor Manny Mamba sa panayam ng DZRH kahapon, Oktubre 3. Nang tanungin kasi ng anchor si Mamba ukol sa kahandaan ng mga guro sa kanyang lalawigan ay tumawa-tawa pa ito at sinabing, “Well sa tingin ko ay nag-eenjoy sila, nagsu-suweldo sila wala naman silang ginagawa.”

Idinagdag pa ng gobernador na dapat ay huwag nang magreklamo ang mga guro at paigtingin na lamang ang kanilang trabaho upang hindi naman malugi ang gobyerno.

Umani ng negatibong reaksiyon mula sa mga guro ang mga naging pahayag na ito ni Mamba sapagkat ayon sa kanila ay isa umano itong insulto sa mga gurong dumaranas ngayon ng matinding stress at pagod dahilan sa napakaraming trabaho at ang hindi nawawalang pangamba dulot ng pandemya.

Samantala, hinimok naman ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang mga guro na patunayang mali ang sinasabi ni Mamba sa pamamagitan ng pag-post ng mga larawan o video na magpapakita ng kanilang mga ginagawa sa araw-araw.

Ayon kay Emmalyn Policarpio, Secretary-General ng grupo na maging siya ay nasaktan sa sinabi ni Mamba dahil inilaan na niya ang maghapon sa pag-record at pag-edit ng video orientation para sa kanyang mga mag-aaral sa Lunes bukod pa sa napakaraming paperwork na nakapilia.

“Halos naiyak ako sa narinig kong sinabi ni Governor, lalo pa nga at kasalukuyan akong nahihirapan sa mga ginagawa kong trabaho na pawang bago sa akin. Gusto ko pong malaman ni Governor Mamba at ng lahat na hindi po nawalan ng trabaho ang mga guro mula noong Marso at kombinasyon iyon ng work-from-home at on-site reporting,” paliwanag ni Policarpio.

Sa live streaming program ng TDC kagabi ay ipinaalala rin ni Policarpio sa mga guro na gamitin ang hashtag na #itreallyhurtsGovMamba at gawing trending ang usapin. Hihintayin din umano nila ang paliwanag ng gobernador kung bakit nasabi ang mga ganoong pahayag.

Para naman kay Benjo Basas, ang National Chairperson ng TDC, dapat umanong madalaw ni Gov. Mamba sa bahay ang mga guro sa Cagayan upang makita niya mismo na kandakuba na ang mga ito sa napakaraming trabaho .

“Iyang sinasabi niyang suweldo ay kulang na kulang na rin sa daming gastusin sa paghahanda para sa distance learning. Lahat ng ito ay ginagawa ng mga guro para punan ang lahat ng pagkukulang. Bakit sa Araw ng mga Guro, imbes na papuri at pasasalamat ay tila insulto pa ang napili niyang iregalo?”

Sa kasalukuyan ay puspusan ang paghahanda ng mga guro para sa pagbubukas ng klase bukas, Oktubre 5 na siya ring idineklatang pandaigdigang araw ng mga guro o World Teachers’ Day. Batay sa tradisyon ay isang masayang pagdiriwang sana taun-taon ang araw na ito subalit dahil sa krisis na dulot ng pandemya idagdag pa umano ang mga ganitong pahayag ng ilang opisyal ay magiging malungkot ang araw para sa mga guro.

Gayunman, sinabi ng TDC na bukas sila sa usapan sa opisyal at handa silang bigyan ng oras ang gobrnador magng sa kanilang programa sa social media kung nanaisin lamang nito.#

For details:
Benjo Basas, TDC National Chairperson
0927-3356375/ 0923-0819750


Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.