[Statement] Salamat sa DEPED! -TDC

MAG-INGAT AT MANATILI SA BAHAY MGA KAGURO,

TUMULONG TAYO SAIBA SA ABOT NG MAKAKAYA!

Sa ganitong panahon ng krisis, napakahalagang maging handa, ingatan ang sarili at pamilya at maging instrumento ng pagtulong sa kapwa.

Mapalad pa rin tayong mga guro sapagkat may inaasahan tayong suweldo, pati na mga ilan pang benepisyo na maaari nating magamit upang makatawid sa kinakaharap na krisis. Makatutulong rin ito upang magkaroon tayo ng pagkakataong tumulong rin sa iba.

Dahil mapapaaga ang sahod para sa buwan ng Marso at Abril, mayroon tayong salapi habang nasa ECQ ang buong Luzon. Gayunman, kailangan pa ring magtipid sapagkat hindi natin tiyak kung hanggang saan aabot ang krisis na ito.

Bagamat wala pang katiyakang maipagkakaloob, hiniling na rin ng DepEd ang reconsideration para sa performance-based bonus (PBB) ng mga guro at kawani nito. Daragdagan din umano ang budget ng Provident Fund upang makatulong sa mga guro. Maging ang special hardship allowance/hazard pay ay ibibigay na rin sa mga guro na qualified dito.

Maraming salamat sa pamunuan ng ating Kagawaran sa mabilis na pagtugon. Tiyak na malaking tulong ito sa mga guro ngayong panahon na nasa krisis ang ating bayan. Dahil din dito ay maaari rin tayong makatulong sa ibang kamag-anak, kaibigan o kababayan sa abot ng ating makakaya.

Kung darating naman ang ating Clothing Allowance, kailangan itong i-save para sa mga posibleng biglaang pangangailangan. Hihilingin natin sa DepEd na ipagpaliban muna ang pagpapalit ng uniporme ngayong taon upang hindi maobliga na magpatahi ng apat na bagong set ng uniform ang mga guro at magamit ang pera sa mas mahahalagang
bagay, kung sakali. Makapaghihintay naman ang uniporme, pero hindi ang emergency.

Kabilang rin sa mga hinihiling natin sa pamahalaan ang mga sumusunod:

1. Pagkakaroon ng moratorium sa loan deductions sa GSIS at iba pang government loan facilitiespati na ang mga private lending institutions na enrolled sa automatic payroll
deduction system (APDS) ng DepEd;

2. Assistance mula sa GSIS (no interest emergency loan na may easy terms sa payment), kundi kayang mag-grant ng cash assistance;

3. Pagtitiyak na maibigay nang buo ang sahod ng mga private school teachers sa buwan ng Marso. Gayundin sa iba pang mga manggagawang kontraktuwal sa pribado na naapektuhan ng enhanced community quarantine. Hihilingin natin ito sa DOLE at sa pambansang pamahalaan.

Muli, salamat sa pamunuan ng Department of Education (DepEd) partikular kay Kalihim Liling Briones. Gayundin sa ating mga non-teaching personnel na sumuong
sa panganib maisagawa lamang ito para kapakinabangan ng may halos isang milyong kawani ng kagawaran. Sila ang ating mga sariling frontline workers.

Mga Kaguro at Kababayan, hangga’t maaari ay manatili po tayo sa bahay upang hindi na makaragdag sa mga iisipin ng mga health workers at LGUs at mag-ingat
po tayong lahat!

>Laging maging malinis at maghugas ng kamay

> Huwag magpakalat ng Fake News at mag-share lang ng impormasyon mula sa mapagkakatiwalang sources- gaya ng DOH at DepEd websites o FB Pages at credible news sites

> Tulungan po natin ang ating mga kababayan na umaasa lamang sa arawang kita, lalo ngayong hindi pa dumarating ang ayuda sa kanila

Malalampasan din natin ang lahat ng ito!

-Teachers’ Dignity Coalition (TDC)
Marso 21, 2020

 

Reference:
Benjo Basas, National Chairperson
0927-3356375

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.