[Right-Up] Tabi-tabi po -ni Andyleen C. Feje

Nausog daw ang mga taga-palasyo. Sabi ng albularyo’y kailangang mag-alay ng hari ng ilan para mapanatili ang katahimikan at kasaganahan sa kaniyang kaharian.

Pinahilera ang mga magsasasaka. Pinayuko sila. Nag-antanda saka sumigaw ng “putang ina” ang mga ‘di nakilalang mga naka-pandong at salakot na kawal, bago ginilitan sa leeg, gamit ang bagong hasang lingkaw, ang mga magsasaka. Pinatulo ang dugo nila sa hekta-hektaryang bukirin. Abono raw. At nang susunod na sakahan, baka sakaling maging mas mataba ang butil ng mga uhay.

Pinahilera ang mga manggagawa. Pinayuko sila. Nag-antanda saka sumigaw “putang ina” ang mga ‘di nakilalang mga naka-hard hat at dust mask na kawal, bago pinukpok nang pinukpok ang mga ulo, gamit ang naglalakihang maso, ng mga manggagawa. Pinatulo ang dugo nila sa mga bagong gawang tulay at kalsada. Pampatibay raw. At nang sa susunod na humarurot ang mga magagarang sasakya’y baka sakaling mag-unahang lumapad nang kusa ang mga daan.

Pinahilera ang mga hinihinalang adik. Pinayuko sila. Nag-antanda saka sumigaw ng putang ina, ang mga nakauniporme’t tsapang kawal, bago pinaulanan ng bala, ang mga hinihinalang adik. Sinahod ang mga bumubulwak nilang dugo sa planggana. Pinahid ito sa dingding ng mga bahay na bato. Gamit ang malaking brótsa ay tinatakan ng krus ang mga pader ng mga bahay na bato, para raw ilayo ang mga nakatira rito sa mga maaaring panganib at delubyo.

Ito ang ilang modernong ritwal na itinuro ng albularyo sa hari. Pinaalalahanan din niyang magtabi-tabi po ang mga nakapanood ng mga ritwal, dumura saka kagatin ang dila. “Mahirap nang mabatì,” paalala ng albularyo sa kanila.

At, dahil kaarawan ng hari ngayon, umaayon daw sa kaniya ang mga bituin, sabi ng albularyo. Kaya naman, gumuhit ng laway na krus ang hari sa pusod at noo ng mga paborito niyang kawal. Pangontra raw ito sa sino mang makakaaway at makakasalubong nila sa daan. Marami-rami pa kasing utos ang mahal na hari.

Si Andyleen C. Feje, mas kilala bilang Andy, ay kasalukuyang kumukuha ng Sertipiko sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Filipino, sa Polytechnic University of the Philippines (PUP). Siya ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Language and Literature sa Central Luzon State University (CLSU). Siya ay fellow ng: Ikalawang Pambansang Palihang Multi-Genre ng PUP at Ateneo National Writers Workshop (ANWW17). Kasalukuyan din siyang bahagi ng Atsara Collective, Silay Mata People’s Theatre Organization, at Bahaghari – Metro Manila.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s