[Statement] Reaksiyon ng TDC sa pahayag ng Malakanyang ukol sa umento sa sahod ng guro

Benjo Basas, National Chairperson, Teachers Dignity Coalition (TDC). Photo by Arnel Tuazon

Sa binigay na katiyakan ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na hindi bibuguin ni Pangulong Duterte ang mga guro sa kanyang pangako na ibigay ang umento sa sahod, muli kaming maghihintay sa mga kongkretong aksiyon mula sa mga ahensiya ng gobyerno. Sanay namang maghintay at rasonable naman ang ating mga guro, basta titiyakin lamang na tutuparin ng pangulo ang kanyang pangako lalo pa’t tatlong taon na rin naman ang administrasyong ito sa puwesto.

Nais lamang naming linawin na may iba’t ibang paraan upang gawin o ibigay ito sa amin. Kaya pinabubulanan namin ang sinasabi ni Ginoong Panelo na maaring magkaproblema kung isang Executive Order lamang ang ilalabas at wala namang pondong ilalaan. Aba’y natural, kung may kautusan mula sa ehekutibo para sa umento dapat itong paglaanan ng pondo na isang gawain naman ng lehislatura. Ipinaaalala namin kay G. Panelo na ang kasalukuyang sahod ngayon ng mga opisyales at kawani ng gobyerno, kabilang na ang sa kanya at ang sahod ng pangulo mismo ay batay rin sa isang Executive Order ng dating Pangulong Noynoy Aquino, ang EO 201 noong 2016. Isa pang paraan upang tuparin ang pangako ay sa pamamagitan ng Joint Resolution na katulad ng ginawang batayan sa dobladong umento ng military at uniformed personnel noong nakaraang taon. Alinman sa mga pamamaraang ito, ang Pangulo pa rin ng Pilipinas ang may pinakamalaking awtoridad at kapangyarihang kumbinsihin ang mga mambabatas para paglaanan ito ng badyet.

Napakaliit na ang kahilingan naming sampung libong pisong (P10,000.00) umento sa aming sahod kaya inaasahan naming magagawan agad ito ng paraan ng gobyerno. Nais din naming ipahayag na hanggang sa ngayon, matapos ang tatlong taon sa puwesto ay wala pang inisyatiba ang Pamahalaang Duterte upang bigyan kami ng karagdagang sahod.

Nakahanda kami na humarap sa ating Panagulo kung sakaling iibigin niyang marinig nang direkta ang sentimyento ng mga guro anumang oras na kanyang naisin. Muli, hinihiling namin sa Pangulo na agad na niyang tuparin ang kanyang pangako.

Kung kinikilala ng pamahalaan ang mahalagang ambag ng mga pulis at militar sa ating lipunan, dapat rin niyang kilalain ang napakahalagang papel ng mga guro sa ating bayan.

Reference:
Benjo Basas, National Chairperson
0927-3356375

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s