[Tula] Walang matuluyan, mawalang tuluyan -ni Greg Bituin

(tula sa International Week of the Disappeared)

mas mabuti pang ako’y walang matuluyan
kaysa naman tulad ko’y mawalang tuluyan
kung walang matuluyan, mag-ingat sa daan
mahirap nang mawala’t madukot ng halang

Daigdigang Linggo ng Desaparesido
ay ating gunitain ngayong linggong ito
nawa mahal nila’y matagpuang totoo
at kanilang kamtin ang hustisya sa mundo

sa huling linggo ng Mayo ginugunita
itong linggo ng sapilitang pagkawala
paghanap sa kanila’y walang patumangga
ang sakit na nadarama’y tila ba sumpa

nawa’y matapos na ang pasakit at dusa
pagkat mahal sa buhay ay natagpuan na

– gregbituinjr./05/30/2019

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s