[Tula] Sr. Cresencia Lardizabal Lucero : “ halimbawa ng pananampalataya’t, pakikibaka -ni Vic Obina

May 20, 2019

Sr. Cresencia Lardizabal Lucero :
“ halimbawa ng pananampalataya’t, pakikibaka”
sa mga panahong ika’y naging kapatid sa lahat,
sa mga panahong kaibigan kang naging matapat,
sa mga araw na wala kang sinipat-sipat,
ang araw ay hindi lilipas, hindi hihinto..na walang pag-alay
ng panalangin, gabay sa mga gagawin, malasakit ilalaan..
sa kapwa at sa bayan..

sis. cres …
hindi mo kami niyakap ng paulit-paulit,
upang sa pagkalas ng braso mo’y isipin naming iniwan mo kami..
hindi tayo nagpalitan ng mga kwento upang sa pinakahuling tuldok ng pangungusap mo ay..tapos na…
maraming mga bungkos ng aral ang aming nalambat..
na sa simula’t sapul pa lamang, ikaw na ang sumisid at buong sikap mong isinalin, na ngayo’y aming dadalhin at iisipin..
hanggang buhay man diý nami’y magwakas..

sis. cres…
hindi man tayo nagsabay ng panahon..
hindi man tayo sabay na nalungkot at tumawa, at tumawa pa ng mas malakas..
upang sa paghupa ng halakhak ay may butil ng luha sa aming mga mata..
iyong tandaan..
aming kaibigan, kapatid, at kasama..
na ang pakikibaka mo at tagumpay..ay amin rin..
hindi kami masasabik sa iyo, sapagkat alam ng lahat,..ika’y mananatili sa amin..
hindi ka namin nakasalubong upang sa dulo ng kalsada..
kami’y liliko sa kanan at ikaw sa kaliwa..
sapagkat saanman kami dalhin ng aming mga paa..
ang pawis at hakbang mo sa kalsada..
ang aming gabay, patungo sa ating adhika..
hindi mo man hawak ang bukas ng paglaya, sis. cres..
nais naming ibaon mo ang aming pangako..
na ilang ulit naming pipiliting mabuhay at pumanaw
na sa pagdating mo doo’y iyong matanaw..
na kami’y patuloy na makikibaka at lalaban..
para sa bayan..
hindi kami lumuluha..
dahil wala ka..
hindi kami nagsama-sama
dahil nangungulila…
narito kami..
upang salubungin ka..
pasalamatan ka!
ipagbunyi ka!!
sapagkat ang huli’y..hindi isang paalam..
kundi isang simula..


Tula ni Vic Obina, TFDP HRE Staff, binasa sa luksang parangal ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao para kay Sr. Crescencia Lucero, sfic. May 20, 2019, St. Joseph College Quezon City.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s