[Statement] Huwag Palupig sa Pang-uusig ng Tirano, Kailangan ng Isang Demokratikong Bayan ang Malayang Pamamahayag -KILUSAN

Huwag Palupig sa Pang-uusig ng Tirano, Kailangan ng Isang Demokratikong Bayan ang Malayang Pamamahayag

Mariing kinokondena ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KILUSAN) ang pagsampa ng kaso laban sa mamamahayag na si Maria Ressa ng cyber libel at pagkaka-aresto dito. Si Ressa ang tumatayong CEO ng media outfit na Rappler. Atake ito sa malayang pamamahayag at ang isang malayang media ay isa sa mga haligi ng isang malaya at demokratikong lipunan.

Gayung pansamantalang pinalaya sapagkat nakapag-piyansa, walang duda na ito ay pagsupil sa mga kritiko, sa loob man sila ng gubyerno katulad ng sinapit ni Senator Leila De Lima at dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno o sa labas man tulad ng ginagawa sa Rappler at iba pang media outlets. Ayon na rin kay Ressa 6 na beses na syang nagpiyansa sa loob ng dalawang buwan—resulta ng sunod-sunod na pagsasampa ng kaso sa kanya.

Tulad ng isang hari, na hindi dapat kinokontra, ganoon na lamang ang gigil ng administrasyon sa mga kritiko sa polisiya at palakad nito.

Tingnan na lamang natin kung paano pagbawalang mangampanya ang mga empleyado ng gubyerno, habang di umano saklaw sa limitasyong ito si Presidente Duterte. Kailangan umano nya na ‘magpasalamat” kaya’t may minamanok ito at tuwirang ineendorso! Hindi ito nasasaklawan ng batas, sapagkat animo’y sya ang batas na syang dapat nasusunod.

Kritikal sa isang tirano na kontrolado ang impormasyong nakararating sa publiko. Hindi sapat na may mga troll armies na syang nagpapalaganap ng “fake news” sa internet. Kailangan ng gubyernong Duterte ang isang supil at masunuring media. At sapagkat hindi kabagang ng administrasyon, ehemplo ang sinasapit ng Rappler at ni Maria Ressa para sa ibang mga media –magdalawang-isip muna bago suwagin ang Malakanyang!

Kung may busal na sa bibig ang dapat malayang makakapagpahayag at hindi makairal na ang proseso ng batas, anung klaseng desisyon ang mabubuo sa hanay ng mamamayan?

Kritikal laluna ngayong eleksyon na magkaroon ng akses tayong mamamayan sa totoo at obhetibong impormasyon upang makapagbuo ng matalinong desisyon. Pinatunayan na ng nakaraang eleksyon 2016 na malaki ang naging papel ng mga media outfits tulad ng Rappler para dito, lalo sa larangan ng social media.Dito takot ang isang tirano – matalino at kritikal na mamamayan na syang nagtatanong at may paninindigan.

Demokrasya ang nakasalang sa tiranyang bumabalot sa ating bayan. Huwag pagapi sa pag-uusig ng tiranya. Huwag tayong manahimik sa gitna ng nagaganap sa ating bayan. Lalong kailangang magbuklod-buklod ang lahat ng demokrata upang itaguyod ang natitira pang demokratikong espasyo at nakatindig pang mga demokratikong institusyon.

Ipaglaban ang Karapatan ng Mamamayan sa Malayang Pamamahayag at isang Malayang Midya.

Ipagtanggol ang Demokrasya, Biguin ang Tiranya!

Kilusan para sa Pambansang Demokrasya [KILUSAN]
Tel: (632) 7173262
Email: natlsect@kpdpilipinas.org
Web: http://www.kpdpilipinas.org
Twitter: @kilusanph
FB Page: @kilusanph

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s