[Statement] Pahayag ng Alternative Law Groups ukol sa brutal na pagpaslang kay Atty. Benjamin Ramos

Pahayag ng Alternative Law Groups ukol sa brutal na pagpaslang kay Atty. Benjamin Ramos

Mariing kinokondena ng Alternative Law Groups (ALG) ang pagpatay kay Atty. Benjamin Tarug Ramos, founding member ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) at Secretary General ng NUPL Negros Occidental Chapter.

Noong nakaraang Martes, ika-anim ng Nobyembre, pinagbabaril ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki si Ramos bandang 10:30 ng gabi sa tapat ng isang tindahan sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Si Ramos ay aktibong nanilbihan bilang abogado ng mga magsasaka, environmentalist, aktibista, at bilanggong pulitikal sa probinsiya.

Sa katunayan, naging partner lawyer siya ng ALG sa Paralegal Formation for Farmers sa Negros Occidental at sa kaso laban sa Insular Lumber Company Inc. (ILCO) sa Hinoba-an sa parehas na probinsya.

Nagsilbi siyang abogado para sa ‘Mabinay 6’, grupo ng kabataang progresibo na pinagbibintangang kasapi ng NPA na nahuli sa Mabinay, Negros Oriental.

Kamakailan, siya rin ay nagbigay ng libreng legal assistance para sa ‘Sagay 9’, siyam na magtutubong pinatay sa Sagay, Negros Occidental.

Sa ilalim ng administrasyong Duterte, ika-34 na si Ramos sa bilang ng mga abogadong pinatay, ayon sa NUPL.

Ang karumal-dumal na pamamaril kay Ramos ay isa na namang aksyon na naglalayong busalan ang mga manananggol sa pagtaguyod ng kanilang adbokasiya at pagkamit ng hustisya para sa maralita at inaapi.

Ang kawalan ng pagkilos ng gobyerno upang tuldukan ang pag-atake laban sa mga alagad ng hustisya na nagnanais pumanig sa tama ay nagpapalaganap ng takot at kultura kung saan walang nananagot.

Hinahayaan ng kulturang ito ang mga makapangyarihan na patuloy na angkinin ang hustisya para lamang sa kanila.

Ngunit sa kabila ng lahat, hindi magpapatinag at titindig pa rin ang mga abogado para sa mga dehadong sektor ng lipunan at sa iba pang sektor na kanilang ginagalawan.

Ang tunay na kapangyarihan ay nakapaloob sa taumbayan at sa mga taong pinipiling imulat ang mata at kumilos upang labanan ang karahasan at kabuktutan ng sistema.

Nakikiisa kami sa panawagan na itigil na ang pananakot at pamamaslang sa mga alagad ng hustisya!

#StopTheAttackOnLawyers
#StopTheKillings
#EndImpunity

ALTERNATIVE LAW GROUPS

Ateneo Human Rights Center
BALAOD Mindanaw
Environmental Legal Assistance Center, Inc. – ELAC
ERDA Foundation
Humanitarian Legal Assistance Foundation (HLAF)
KAISAHAN
Kanlungan Center Foundation, Inc.
Legal Rights and Natural Resources Center
PANLIPI (TANGGAPANG PANLIGAL NG KATUTUBONG PILIPINO)
Philippine Earth Justice Center, Inc.
Rainbow Rights Philippines
SALIGAN
Tanggol Kalikasan Inc.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s