[Statement] DUTERTE: Kaaway ng Manggagawa’t Kabataang Pilipino -SPARK

DUTERTE: Kaaway ng Manggagawa’t Kabataang Pilipino

Bubuhos ang libo-libong masa sa lansangan, isisigaw ang mga panawagang naghahangad ng pagbabago. Kasabay ng mga talumpati ng mga lider ng iba’t ibang grupo maririnig ang ingay ng mga sasakyang bumubusina. Ang mga kalsada na kadalasang larawan ng trapik ay magmimistulang naglalagablab na damdaming palaban ng masang patuloy na naghahanap ng kasagutan sa kanyang abang kalagayan. Ito ang matutunghayan sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa.

Mangingibabaw ang daing ng sambayanang naniniwalang ang lipunang may ganap na panlipunang hustisya, walang pagsasamantala at masagana, ay hindi imposible sa pinagsama-samang pwersa ng pagkakaisa ng mga aping uri.

Ngunit sa kabila ng mga ingay ng okasyon na ito ay may katahimikang mas madalas, mas malawak at mas maraming bilang kumpara sa dami, ng taunang paggunita ng Araw ng Paggawa.

Ito marahil ang mga buntong-hininga ng masang tila ba namanhid na sa hirap ng pang-araw-araw na buhay, mga Pilipinong tinanggap na lamang ang kalupitan ng sistemang umiiral.

Magta-tatlong taon na mula ng mapwesto ang administrasyong Duterte sa Palasyo subalit hindi maitatanggi na hindi kailanman naging para sa mahihirap ang kanyang pamamahala. Bagkus, puro pretensyon lamang ang laman ng kanyang mga pahayag. Noong panahon ng kampanya, todo yabang niyang sinabi na wawakasan niya ito sa araw na maupo sya sa pwesto. Ang mga pangako ng hambog na Duterte ay nauwi sa pagpapaasa at lantarang pagtra-traydor sa masang manggagawa.

Business as usual pa rin ang kaliwa’t kanang abuso’t kawalanghiyaan ng mga hayok sa tubo gaya ni Henry Sy at Lucio Tan. Nagpapatunay lamang na hindi talaga para sa mahihirap si Duterte kundi isang tuta ng mga kapitalistang nagpapasarap sa pawis at sakripisyo ng mayorya.

Dagdag pa sa mga atraso ni Duterte ay nang sinadlak niya ang milyong mala-manggagawa o yung mga walang pirmis na kita sa panibagong salot, ang TRAIN Law. Ito ang nagbunsod sa papatinding pagtaas ng presyo ng mga batayang pangangailangan ng pamilyang Pilipino.

Habang binaba nito ang buwis ng mga mayayaman, ipinasa naman nito sa pinakamahihirap na seksyon ang obligasyong tustusan ang kanyang programang Build, Build, Build gayung ‘di naman ito direktang papakinabangan ng mga maralita.

Sa hanay naman nating kabataan, patuloy pa rin ang paghabi ni Duterte sa kasinungalingang matatamasa na ng lahat ng kabataan ang kanilang karapatan sa edukasyon sa papasok na semestre.

Pawang panloloko ito dahil sa dami ng restriksyon ng RA 10931 at mga ‘di kwalipikadong lokal na kolehiyo ay mapagkakaitan pa lalo ang mga kabataang maralita na may katamtamang IQ ng kanilang karapatan umahon sa kahirapan.

Habang ang daan-libong bagong gradweyt nitong Marso ay nabibilang na sa estatistika ng walang hanapbuhay na susugal hanapin ang kanilang kapalaran sa ibayong-dagat.

Ganito pinapaikot ng kapitalistang gobyerno ni Duterte ang buhay ng pamilya ng manggagawa. Hindi tao ang turing, kundi mga instrumento lamang para lumikha ng kanilang tubo at tagatustos ng mga pribilehiyo ng mga pulitiko’t mga nasa burukrasya ng walang kwentang gobyerno .

Nananatiling nakalubog sa kumunoy ng kahirapan ang Pilipinas. Hindi umangat kahit isang pulgada ang buhay ng mga mahihirap. Ito ang lipunang mamanahin nating mga kabataan. Pinalalabas nilang wala tayong ibang mapagpipilian kundi magpa-alipin sa sistemang kapitalismo at manatiling mga maamong tupa na maari nilang lokohin, abusuhin at pagsamantalahan.

Bilang tagapagmana ng bagsik ng kapitalismo, ngayon pa lamang ay basagin na natin ang nakabibinging katahimikan ng pighati at kawalan ng paki-alam sa lipunang ating ginagalawan. Magsilbing boses, mitsa at simbolo ng pag-asa sa sambayanang nagnanais ng tunay na pagbabago. Kailangan nating paglagablabin ang ating ideyalismo para hawanin ang landas tungo sa radikal na pagbabago ng lipunan, tungo sa pagpapabagsak ng lipunang pinaghaharian ng iilan.

Sa makasaysayang Pandaigdigang Araw ng Paggawa, sama-sama nating itakwil at ideklara na si Duterte ay kaaway ng manggagawa’t kabataang Pilipino.

Laban ng Manggagawa, Laban ng Kabataan!

https://web.facebook.com/SparkKabataan/posts/1678671828939212

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s