[Statement] Sa alok ng “kompromiso” sa isyu ng kontraktwalisasyon: Duterte, bistado ka na – BMP

Sa alok ng “kompromiso” sa isyu ng kontraktwalisasyon: Duterte, bistado ka na – BMP

”Nahuli sa bibig ang isda! Tila nabahag ang buntot ng sigang si Duterte”, ganito ang naging pahayag ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) matapos nitong itulak ang pakikipagkumpromiso sa pagresolba sa isyu ng kontraktuwalisasyon na kanyang pinangako nung siya’y nangangampanya.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rody Duterte noong Lunes, “Huwag natin silang pahirapan na patakbuhin ang kanilang mga negosyo kung paano nila ito nais paandarin dahil pera nila ito. Kaya’t dapat maabot ang isang kompromiso ay dapat o maaring, katanggap-tanggap sa lahat.”

Tanong ng lider ng BMP na si Luke Espiritu, “Nasaan na ang matapang na asta ng butangerong pangulo?” May dalawang linggo pa bago ang binigay niyang palugit sa kanyang sarili para magdesisyon sa matagal nang hinihingi ng mga manggagawa. Ngayo’y nagkukumahog siyang magpakita ng katapatan sa mga negosyante”.

“Ang alok ni Duterte ay hindi prinsipyadong kompromiso kundi isang tahasang katrayduran. Hindi ito paghahanap ng gitnang posisyon para mapagkasunduan at hindi ito kailanman katanggap-tanggap sa amin,” dagdag ni Espiritu.

Ang hinihiling ng militanteng BMP ay pirmahan ng pangulo sa isang Executive Order na ipinagbabawal ang lahat ng anyo ng kontraktwalisasyon para sa isang bigwas ay mapapatigil ang abusadong pag-e-empleyo ng mga kapitalista kaysa yung mabagal na pag-amyenda ng Labor Code na ddaan pa ng Kongreso.

Paliwanag ng nila, hino-hostage ng kontraktwalisasyon ang pamilya ng mga manggagawa. Tinatakot silang tanggapin na lamang ang pagiging kontraktwal kaysa magutom ang kanilang mga mahal sa buhay. Pinupwersa silang tanggapin ang mababang sweldo dahil anumang oras ay maari silang tanggalin. Nililikha nito ang isang populasyon ng mura at maamong manggagawa na bulnerable sa pinakamasahol na mga paglabag sa mga benepisyo’t istandard. Ang bantang mapalitan ang mga regular ng mga kontraktwal ang ginagamit para hindi sila makapagreklamo sa pang-aabuso ng kanilang mga employer.

”Si Duterte mismo ang naghubad ng kanyang pretensyon na kampeon ng masa, heto ngayon siya na tila naging maamong tupang sinusuyo ang mga manggagawa na makipagkompromiso,” ani ng lider manggagawa

Ang panawagan ng BMP sa iba’t ibang samahan na itakwil ang “kompromiso” at ipaglaban ang pagbabawal sa lahat ng anyo ng kontraktwalisasyon. ”Manalig tayo sa ating sariling pagkakaisa’t pakikibaka na siyang mag-oobliga sa kapitalistang gobyerno na proteksyunan ang karapatan at kagalingan ng mga manggagawa”.

”Iwaksi na natin ang ilusyong “Change is coming” sa maka-kapitalistang pangulong Duterte. Ang ating paglaya ay wala sa mga bulaang manunubos kundi nasa sarili nating kamay,” pagtatapos ni Espiritu.#

Contact person: Luke Espiritu, BMP President, 0995 9729969

Source: https://bit.ly/2IAnOFs

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s