[Press Release] Iligal na pag-aresto kay Ruby Lacadman, kinundena ng CTUHR

Iligal na pag-aresto kay Ruby Lacadman, kinundena ng CTUHR

Kinukundena ng Center for Trade Union and Human Rights ang iligal na pag-aresto kay Ruby Lacadman, organisador at miyembro ng grupong Kadamay, noong Marso 29 sa kaniyang tahanan sa Barangay Cacutud, Mabalacat City, Pampanga. Sapilitang hinuli ng mga pulis at militar si Lacadman sa bisa ng kahina-hinalang warrant of arrest para sa kasong murder na ipinalabas ng RTC 6th Judicial Regional Branch 60, Cadiz City sa Negros Occidental. Ang nasabing warrant ay nakapangalan sa isang nagngangalang “Ruby Palabrica y Quitason’ na kabilang sa mga pangalang nakalista sa pekeng terror list ni Duterte.

“Patunay ang iligal na pag-aresto kay Ruby Lacadman kung gaano kapanganib ang pekeng terror list ng gobyerno kung saan maaari na lamang arestuhin ang sinuman, kasuhan ng gawa-gawang kaso at bansagan na terorista lalo na’t kritiko ng administrasyon. Nakababahala na ang kaso ni Lacadman ay patikim pa lamang ng mas marami pang kaso ng pag-aresto, pagdukot o pamamaslang sa mga aktibista at tagapagtaguyod ng karapatan,” sabi ni Daisy Arago, Executive Director ng CTUHR.

Sinabi ng CTUHR na ang ginawang paghuli kay Lacadman ay bahagi ng orkestrado at pinatinding atake ng gobyerno ni Duterte sa mga tumutuligsa sa kaniyang mala-diktador na pamamalakad sa bansa at mga mamamayang nag-oorganisa. Hindi nalalayo ang kasong ito sa ginagawa ng militar at kapulisan na red-tagging, pagtawag namga rebeldeng komunista at panghaharass sa mga manggagawa at unyonista lalo na iyong miyembro ng Kilusang Mayo Uno na binansagan mismo ni Duterte na “communist front”. Inihalimbawa ng CTUHR ang dinaranas na red-tagging ng mga miyembro ng unyon sa isang plantasyon ng saging sa Compostela Valley at ang pagdakip sa labor organizer na si Maoja Maga noong Pebrero 22.

“Makikita natin na wala na talagang puwang kay Pangulong Duterte ang pangmatagalang kapayapaan at hustisya. Mula sa hindi pagtupad sa kaniyang pangako gaya ng pagwawakas sa kontraktwalisasyon, pagpataw ng dagdag pasanin sa mamamayan sa pamamagitan ng TRAIN law at pagkrikriminalisa sa mga tagapagtaguyod ng karapatang-pantao at mga aktibista, lalong inilantad ni Pangulong Duterte ang kaniyang mapanupil at anti-mamamayang pamamahala,” sabi pa ni Arago.

Nanawagan ang grupo sa agarang paglaya ni Lacadman at iba pang bilanggong pulitikal, at pagbabasura sa gawa-gawang kaso laban sa kaniya. Kaisa rin ang CTUHR sa mga lokal at internasyunal na organisasyon na nanawagan na ibasura ang pekeng terror list ng gobyerno.

Follow CTUHR @
Website: ctuhr.org
Facebook: @ctuhrph

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s