[Statement] Tumataas ang presyo ng bilihin at serbisyo, nganga ang gobyerno! PALAG NA! Laban sa pamahalaang manhid! -PALAG NA!

PALAG NA! Statement
February 9, 2018

Tumataas ang presyo ng bilihin at serbisyo, nganga ang gobyerno!
PALAG NA! Laban sa pamahalaang manhid!

Habang patuloy ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo patuloy ring minamaliit ng kasalukuyang pamahalaan ang epekto nito sa ordinaryong mamamayan. Patunay ito ng matinding kawalang malasakit at kawalang kahandaan ng gobyerno upang tugunan ang dagdag-pasanin ng taumbayan. Habang patuloy na lumulubog sa kumunoy ng kahirapan ang masang naghihirap, tila may pangungutya pang ipinagmamalaki ng administrasyon ang ipamumudmod na konswelo de bobong P200 kapalit ng mga kontra-mamamayang buwis.

Ayon na mismo sa National Economic and Development Authority o NEDA, pumalo na sa 4.5% ang inflation o pangkalahatang pagtaas ng mga presyo sa mga pangunahing bilihin at inumin (4% sa pangkalahatan) sa unang buwan pa lamang na 2018. Ang antas ng pag-akyat ng presyo na ito ay pinakamataas sa nagdaang tatlong taon at naganap bagamat iilang linggo pa lamang ipinatutupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion. Patunay ito na mapanlinlang ang
binitiwang pangako ng mga promotor ng TRAIN na minimal ang magiging epekto ng mga ipinasang buwis sa mga mamamayan.

Sa monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas na ng mula P1-P2 kada kilo ang presyo ng bigas sa pamilihan. Pinalala pa ito ng kasabay na pag-atras sa merkado ng mas murang bigas mula sa National Food Authority na siya sanang inaasahan ng mga mahihirap. Bukod sa bigas, tumaas na rin ang presyo ng karne ng baka at baboy ng P10 kada kilo habang aabot na sa P20 ang itinaas ng presyo ng manok sa ilang pamilihan.

Ang pasakit na dulot ng sumisipang halaga ng mga pangunahing bilihin ay dinagdagan pa ng pag-akyat ng singil sa mga mahahalagang serbisyo. Kahapon lamang ay inanunsyo ng Meralco na aabot sa mahigit P1/kwh ang itataas ng singil sa kuryente ngayong buwan. Bago dito ay nagtaas na rin ang singil sa tubig sa buong Kamaynilaan.

Nakapanggigigil isiping ang singil sa tubig at kuryente ng mga dambuhalanag korporasyong gaya ng Meralco, Maynilad at Manila Water, na kabilang na sa pinakamataas sa buong mundo ay lalo pang magtataas sa panahong nararamdaman na ang epekto ng mga bagong buwis na pilit isinabatas ng administrasyon noong nakaraang taon. Subalit sa ilalim ng kasalukuyang iskema ng pribatisadong serbisyo—na sa halip na iwaksi ay ipinagpatuloy pa ng administrasyong Duterte—ang tubo ng mamumuhunan at hindi interes ang taumbayan ang laging mananaig.

Ang mga sunod-sunod na dagok sa mamamayan sa pagpasok ng taong ito ay sapat nang patunay na walang tunay na pagbabago tayong darating hanggang gobyerno ng trapo’t elitista pa rin ang nakaluklok. Walang tulong na magmumula sa itaas at bagkus ang sama-samang pagkilos lamang natin mula sa ibaba ang mag-aahon sa atin mula sa patong-patong nating pasanin. Huwag nating palagpasin lamang ang pagpapataw ng sapin-saping pasakit ng manhid nating pamahalaan. Sama-sama nating ipaglaban ang ating karapat sa buhay na may dignidad.

Palag Na!

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s