[Statement] Huwag Magpalinlang sa Huwad na Rebolusyon -iDEFEND

Huwag Magpalinlang sa Huwad na Rebolusyon

“Rebolusyong Duterte” laban sa oligarkiya sa pulitika at “tanging si Duterte ang makakapamuno dito”.

Nangunguna sa pagbabando dito ang koalisyong Tapang at Malasakit ni Presidential Daughter at Davao Mayor Sara Duterte, kasama ang mga namamag-asang makapasok sa pulitika,pati dating rebeldeng sundalo at “rebolusyonaryo”, at ang mga Marcoses.

Sisikapin sa pangalawang pagtatangka mula Pebrero 25, 2017 (EDSA Anniversary), na may maipakitang “popular support” ang naturang hakbang. Katuwang ang ahensya ng gubyerno, tulad ng DSWD at DILG kasabay ang presyur sa mga barangay officials, tinutulak ang pagpapalahok/ paghahakot ng mga “supporters”.

“Hihilingin” kay Duterte na magdeklara ng “rebolusyunaryong gubyerno” o “REV GOV”. Sa totoo, si Duterte ang punong oligarko ngayon. Naka-back up sa kanya ang katulad nyang mga oligarko: Florendo, Alvarez, Gordon, Villar, Arroyo, Remulla, Cayetano, Farinas at ang pamilya ng Diktador, ang mga Marcos.

Malabong babangga sa oligarkiya ang tinuturing na “rev gov”, gayung produkto mismo si Duterte ng isang dinastiyang malaon nang naghahari sa Davao mula dekada 50s at dulong bahagi ng 60s at nakabalik sa kapangyarihan mula 1986 o mahigit apat na dekada.
Walang legal na batayan ang deklarasyon ng “REVGOV” ayon sa Integrated Bar of the Philippines (IBP). Extra-legal na hakbang at pagtapon sa 1986 Konstitusyon na nagluklok sa kanya, ang kahulugan ng naturang deklarasyon.

Mula’t sapul ay pinapalagan na ni Duterte ang lahat ng sagka sa kanyang kapangyarihan hal. binantaan ang co-equal branches tulad ng Kongreso at Korte Suprema na huwag itong imbestigahan; binabantaan maging ang Ombudsman at COA, kritikal sa mga limitasyon sa Martial Law at iba pang check and balance sa absolutong pagwawasiwas ng kapangyarihan.

Hirap din nitong iusad ang charter change para mawala na ang mga natitirang demokratiko at nasyunalistang mga probisyon. Walang tigil din ang pagtutulak ng Federalismo na syang papabor naman sa mga katoto nitong elitista.

IPAGLABAN ANG IYONG KARAPATAN PARA SA TUNAY NA DEMOKRASYA!
Hindi sinasalamin ng itinutulak na “rev gov” ang tunay na aspirasyon ng mamamayan para sa kanyang kagalingan. Hindi nga ba’t bumagsak ang popular ratings ni Duterte dahil sa sunod-sunod na pagpatay sa mga kabataan dulot ng kampanya kontra-droga, Martial Law sa Mindanao at pagkadawit ng mga kaanak nito sa kaso ng drug smuggling? Bagsak sa pamantayan ng good governance ang ganitong naisin ni Duterte.

Takot itong managot sa taumbayan, kung sakaling mawala sa kapangyarihan. Ang itinutulak nito ay kapangyarihang walang check and balance, walang pananagutan sa mamamayan kasabay ng higit pang pagpapapasok ng dayuhang pamumuhunan sa bansa.

Anumang pagtutol ay sasalubungin ng kamay na bakal. Tiyak na titindi ang pagsupil sa karapatan ng mamamayan, pagiibayuhin ang pagpapatupad ng Human Security Act at kundi “adik” ay tatatakan na lamang na “terorista”!

Huwag nating hayaan makalusot ang ganitong mga balakin. Maging mapagbantay tayo sa anumang hakbang tungo sa diktadurya at absolutong paghahari. Hindi isang gubyernong walang-batas-batas ang angkop para sa ating bayan, bagkus ay isang gubyernong makatao, makatuwiran, may pagpapahalaga at nagtataguyod sa dignidad at karapatang-pantao.

KARAPATAN MONG MAGPASYA, MAGPAHAYAG, AT KUMILOS LABAN SA DIKTADURA at IPAGTANGGOL ANG KARAPATANG PANTAO!

visit and follow iDEFEND
Website: www.idefend.ph
Facebook: @iDEFENDofficial
Twitter: @iDEFENDhr

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s