[Right-Up] Ang ginto at ang aso -by Rod Galicha

Ang ginto at ang aso
By Rod Galicha
January 3, 2017
Isang repleksyon tungkol sa isyung pagkatay ng aso sa pelikulang ORO – MMFF 2016.
1. May punto ang PAWS.
2. May punto ang ORO.
3. Ngunit sa bawat isyu may mga konteksto.
4. Ang konteksto ng PAWS ay ang kanilang pananaw at ng umiiral na batas. Maaaring hindi “makatarungan” sa kanilang paningin ang “graphic scene”.
5. Ang konteksto ng ORO ay unang-una, ito ay pelikula; at kapantay nito ay ang kuwento at konteksto ng kuwento. Kasama nito ay ang konteksto ng teknikalidad sa loob ng pagsasapelikula. Ito ang mga kontekstong maaaring unawain rin ng mga manonood.
6. Pareho ang konteksto sa pangangalaga ng kalikasan at ang pagkakapantay-pantay na karapatang mamuhay ng mga nilalang lalung-lalo na ng mga tao at hayop.
7. Ngunit marapat na pag-isipan na ayon sa agham, ang tao ay hayop.
8. Sa magkaparehong konteksto ng PAWS at ng ORO, parehong buhay ng hayop ang pinag-uusapan, at parehong “pagkahalimaw”.
9. Sa pagkitil ng mga sa konteksto ng pelikula, ang pagkahalimaw ay tinatapatan ng paghanap ng katarungan.
10. Sa “pagpatay” sa aso, may lumulutang na paghahanap ng katarungan ng may-ari ngunit hindi ito ang pokus ng kuwento. Dahil ang pagkatay at pagkain sa aso ay isang “gawi” sa ibang lugar at kanayunan, ito ay isang hamon sa PAWS na palawakin ang kanilang kampanya at tingnang muli ang mga probisyon ng RA 8485.
Kung inamin na may katotohanang pinatay ang aso at naging bahagi ito ng pelikula, at may sapat na ebidensiya, maaari namang kasuhan ng PAWS ang mga gumawa ng ORO.
Read full article @rodgalicha.com
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally
published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or
change the original material.Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and
original source/s of information are retained including the URL contained within the
tagline and byline of the articles, news information, photos etc