Winners of 7th Human Rights Pinduteros Choice Awards
The 7th Human Rights Pinduteros Awards
Sky Garden, 6th Floor Hive Hotel and Convention Place, Scout Tuason, Quezon City
December 01, 2017; 6pm
Wag matakot magpahayag…
Kung sino ka o ano ka…
Kung ano iyong pananaw o paniniwala
o ano mang damdamin o saloobin na gusto mong isambulat…
Wag matakot magpahayag,
Kung iba ka sa karamihan…
Kung ito ay para naman sa katotohanan…
At pagtatanggol sa ating mga karapatan…
Wag matakot magpahayag,
Patuloy na magmulat,
Magsalita o magsulat
Makiisa at mag-organisa..
Kumilos at magpakilos
dahil ikaw ay isang
HR Pindoteros..
I. Launching of the #HumanRights music-video PNKP (Pambili Ng Karapatang Pantao)
Sensing Neptune is the resident performing group of the League of Authors of Public Interest Songs (LAPIS). In cooperation with the Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) and iDEFEND (In Defense of Human Rights and Dignity Movement), the music-video PNKP (Pambili Ng Karapatang Pantao) was prepared to help heighten public awareness and concern over rights issues in the Philippines, on the occasion of the Human Rights Week of 2017.
Website: lapis.ph
Facebook: https://www.facebook.com/lapis.ph/
You can watch, like and share video at the following links
facebook https://www.facebook.com/lapis.ph/videos/427194207698452/
II. Awarding of winners of 7th #HumanRights Pinduteros Choice
7th HR Pinduteros Choice for HR Events
Ninanais kong wag ng matapos pa
Na ikaw ay makasama
ninais kong makita kang muli
Nananabik na makita ka kahit sandali
dahil sa mga pagkilos na kasama ka
naramdaman ko ang saya
sa iyong kampanya.
Iba’t ibang isyu man dala-dala
Social media man o kalsada
Tumugon tayo sa tawag ng panahon
Hanggat may pagkakataon
May nananawagan ng global days of action
Para sa human rights promotion at protection…
May tumutol sa paglibing sa isang diktador
Sigaw ay di bayani kundi impostor…
May kumilala kay Bonifacio
Na isang atapang a-tao
Di tulad ni Makoy
Na isang mamamatay tao.
May naghahanda ng konsyerto
Himig para sa karapatan pantao
May magdadasal para sa bayan
Para mga demonyo ay magsilisan…
Werpa na….
Join ka na…
buhay mo ang nakasalalay
Pati future mo malamang magfly…
Winner of 7th HR Pinduteros Choice for HR Events: #BlockMarcos (76.19% votes)
7th HR Pinduteros Choice for HR Videos
Ang alaala mo ay kaylangan ng ibaon
isama sa hukay ng malalim na balon
gawing basurang basta na lang itatapon
tulad sa paglimot ng kahapon
paano yun magagawa sa mga bidyong nakita
Ng kwentong may komedya at drama…
Di man ito tungkol kay Xander Ford
O paglalasing ni John Loyd..
Dapat ka lang maging concern,
Kung ayaw mong maunfriend..
Pweden Istorya ito ng kaibigan mo…
Kamag-anak or kapitbahay mo..
Tulad ng pag-aabuso sa mga DH sa UK.
O ng mga biktima ng tokhang sa kanta ni Dong Abay..
At sa kawalang katarungan
Umiiral sa ating bayan..
May napili ka na ba?
Nasa iyo ang pagpapasya…
Winner of 7th HR Pinduteros Choice for HR Videos: “End Impunity Now!” by Focus on the Global South (84.62% votes)
Here’s the link to watch “End Impunity Now!”
7th HR Pinduteros Choice for HR Right Up
Kahit na ilang tanong pa ang ihain mo sa akin Kahit paikot ikotin pa itong damdamin
Ikaw at ikaw lang ang sagot sa mga katanungan.
Ikaw at ikaw lang ang tumatakbo sa isipan
Sa mga artikulong iyong sinulat
Pumupukaw… nagmumulat
Sa mga isyung bayan
O indibidwal na karanasan
Isinambulat ang katotohanan
Tula, salaysay o report ang ginamit na paraan
Halina’t kilalanin natin
Ang mga di na takot magpahayag ng saloobin..
Winner of 7th HR Pinduteros Choice for HR Right-up: Vonn Adlawan (67.72% votes)

We requested Galo for the repeat of their Human Rights skit performed during the PAHRA Congress. File Photo from PhilRights
7th #HumanRights Pinduteros Choice for HR Network’s Post
May pag-asa pa bang maging masaya tayo.
Sa istorya ng buhay na parang ako nalang ang nakatayo.
Pangako moy sasamahan ako hanggang sa dulo,
Pinili mong humito at sumuko.
Tulad sa mga isyu n gating bayan
Sabi iilan lang ang lumalaban
Pero may humataw sa hits ng mga post na ito
Press Release, Statements o mga komentaryo…
ipinahayag ang damdamin ng mga naabuso
Sigaw ay Ipaglaban ang karapatang pantao…
May mga kampanyang sadyang umarangkada
Sa mainstream media man o social media
Muling paghahari ng tirano nilalabanan
O komundena ang mga batang biktima ng tokhang
Pagbaba ng Batas Militar, tinutulan
Limitado man ito sa Mindanao dahil sa kaguluhan
Andun ang pangamba na mangyari ito sa buong bayan
Syemopre di patatalo ang mga kababaihan
sa diktadura inalala ang kanilang ipinaglaban
mayroon ding nagpahayag ng pag-asa
kung ang bayan ay magkakaisa.
Winner of 7th HR Pinduteros Choice for HR Network’s Post: SENTRO (45.9% votes)
7th #HumanRights Pinduteros Choice for HR Website
Hindi sinisisi sa hirap na dinaranas ko para sayo,
Hndi rin nagagalit sa pagod na Ikaw ay ipagtanggol ko.
Wala ka mang ka-alam-alam sa mga pasakit na ito,
Dahil malamang may iba nang nagpapaikot ng mundo mo.
Pero nakita ko ang websites ninyo
Akoy natulala at humanga sa inyo.
Aktibong ibinandera ang kanilang mga adbokasiya,
Mayroon din tumutok sa mga proyekto at programa…
Upang mga karapatan pantao ay magarantiya.
Nabisita mo na ba sila?
Tiyak na matuto ka….
Ito po sila,
Lahat may ibubuga…
Winner for 7th #HumanRights Pinduteros Choice for HR Website: Balay (49.3% votes)
Watch https://web.facebook.com/balayrehab/videos/1573906035981700/
III. Launching and awarding of Kasa Ka! Kampihan sa Karapatan challenge winners
Di nila batid bakit magkasama tayo
Basta alam ko lang bagay tayo
Susunduin ko lahat ng iutos mo
Sabihin mo lang, gagawin ko
Kabataan at HR org nagsaling pwersa
Upang gumawa ng kampanya sa social media
Na di lang papatok sa panlasa
Ng mga millenials pati ng masa
Nagkampihan sa karapatan
Nagmumulat, nagpapakilos sa mamamayan
Di lang upang karapatan ay igalang
Kundi pati pang-aabuso ay mawakasan…
Winner Kasa Ka! Kampihan sa Karapatan social media campaign design challenge: “Bakwit” College of Saint Benilde -Center for Social Action volunteers – Balay kampihan
CSB-CSA Volunteers – Balay Kampihan winner of Kampihan sa Karapatan social media campaign Bakwit
Watch https://web.facebook.com/balayrehab/videos/1573902099315427/
Winner for 7th #HumanRights Pinduteros Choice for HR Featuted site: Paalam.org
Watch the whole event at
https://web.facebook.com/filipinowriter/videos/10156275745498968/
Mga ka-HR-pinduteros,
Isang walang takot na pagpapahayag ng PASASALAMAT ang ipinapaabot ng HRonlinePH sa lahat ng nakipagkampihan para sa karapatang pantao.
Sa mga suportang ibinigay ng aming mga kakampi upang mailunsad ang 7th #HumanRights Pinduteros Choice Awards Night. MARAMING MARAMING SALAMAT PO!
Salamat din kina Hubert Tibi, Malaya Lara, Peter and Marge Monis para sa mga karagdagang papremyo.
Sa Soulful Band, Village Idiots at Galo, salamat sa walang takot na pagtatanghal.