[Right-Up] Pagninilay sa Kasalukuyang Kalagayan -ni Jr

Pagninilay sa Kasalukuyang Kalagayan

By Jr

[This article is an official entry to “Write Up for Right-UP challenge” a special category for the 6th Human Rights Pindoteros Choice Awards.
We invited our partners and networks to write human right articles that can help in the awareness raising campaign for the public about human rights by sharing their opinions and views on a selected human rights issue.

The topic that HRonlinePH.com selected for this challenge is the spate of extra judicial killings (EJK) as a result of the government’s war on drugs campaign.

Scores of winning entries will be based on result of the combined judges’ scores
A special award will be given to the most clicked entry

SUPPORT THIS ARTICLE, PLEASE LIKE AND SHARE.]

I

“sundin mo ako, anak, huwag kang magpapagabi

pagkat ayokong humandusay ka riyan sa tabi

layuan mo ang mga adik, wala silang silbi

lumayo ka sa mga adik kung ayaw magsisi”

 

“adik kasi iyan, eh, period, walang karapatan

layuan mo sila’t baka madamay ka pa riyan

mag-ingat baka dugo nila tayo’y matalsikan

ang tulad nila’y nakaharap na kay Kamatayan”

 

II

kaylungkot ngang malaman ng katotohanang ito

tila walang paggalang sa karapatang pantao

ngunit dapat ingatan ng ama ang anak nito

lalo na’t adik ay di matino’t asal-demonyo

 

ngunit ang tamang proseso’y huwag kalilimutan

di porke adik ay mga pusakal agad iyan

i-rehab sila lalo na’t iyon ang kailangan

mga tao rin sila’t di ipis, may karapatan

 

III

iyang pag-aadik ba nila’y panlaban sa gutom

upang hapdi ng sikmura’y di maramdaman niyon

wala bang pangarap, pinili ang buhay na gayon

o nais ay mabilisang pera kaya nagumon

 

bakit may mga adik, dahil ba may kahirapan

o idinadahilan lang natin ang karukhaan

dahil di natin tarok bakit bulok ang lipunan

kung bakit may laksang dukha’t may mayamang iilan

 

IV

tunay namang dapat nang mawala ang mga adik

ngunit di sa paraang dibdib nila’y dinidikdik

ramdam na nilang hirap sa mundo’y kahindik-hindik

ang dugo pa nila’y sisirit, sa lupa tatalsik

 

wala na bang pagkakataong itama ang buhay

adik ba’y wala nang karapatang pantaong taglay

palipad-hangin na lang ba ang karapatang tunay

o sila’y tao ring may kwento’t may kwenta ang buhay

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s