[Statement] Panawagan para sa Unang Isandaang Araw ni Presidente Duterte: Mamamayan, Manindigan Para sa Buhay, Karapatan at Kabuhayan -iDEFEND

Panawagan para sa Unang Isandaang Araw ni Presidente Duterte: Mamamayan, Manindigan Para sa Buhay, Karapatan at Kabuhayan
October 8, 2016Photo by PhilRights

Photo by PhilRights

1 copyBago pa man dumating ang unang isandaang araw ni Presidente Duterte, nagpahayag ito sa media na ang kanyang performace mula nang mag-umpisa ito sa pwesto ay “6”. Dagdag pa nito, ang momentum na inabot ng agresibo at madugong kampanya laban sa droga ay dapat umanong ituloy at i-extend ang deadline sa pagsugpo sa droga’t krimen ng anim pang buwan.

Una nang inamin na ni Presidente Duterte na ang kanyang kampanya kontra krimen at droga ay magiging ‘madugo. Mahigit na sa 3,500 na ang namamatay sa kampanya laban sa droga, pinakamalaki dito ang namamatay mula sa mga ng mga vigilante o di-kilalang mga salarin at susunod ay mula sa sinasabi ng mga kapulisan na ‘lehitimong police operations’ at may bilang din ang natatagpuan patay o mga tinuturing na ‘salvage’ victims. Samantalanoong Agosto, may nakatalang sampung pulis naman ang namatay sa encounter.

Kung susumahin, nasa 38 ang patay kada araw sa halos tatlong buwang implementasyon ng OPLAN DOUBLE BARREL. Hindi pa kasama dito ang mga 700 libong surrenderees (ilan sa mga namamatay ay mga sumurender na!) kabilang ang mahigit na 20 libong bata (edad 18 pababa).

Wala pang dalawang buwan sa pwesto si Pangulong Duterte, iwinawasiwas na nya ang pagdeklara ng Martial Law, gayong matagal na niyang iniisip ang pagdeklara ng state of national emergency, ayon mismo ng sa Presidential Legal Counsel, Atty. Panelo, ay nabigyan ng pagkakataon sa pagbobomba sa Davao Roxas Market noong ika 2 ng September 2, sa bisa ng Proclamation 55 noong ika-5 ng September 5.

Pinagtatangkaan ding ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang diktador na si Ferdinand Marcos Sr. bilang utang na loob ni Duterte sa suporta ng mga Marcos noong nakaraang eleksyon, Ang ,  ganitong hakbang ay pagbura sa buong record ni Marcos bilang mandarambong, diktador at pasista.

Nakakapagtaka ang deklarasyon ng national emergency gayong sinabi ng Hepe ng PNP na mababa ang krimen at naka- cease fire sa mga armadong grupo. Sa kabila ng kawalan ng batayan para sa lawless violence na iniuugnay sa droga at terorismo, inatas ni Pangulong Duterte ang AFP na sumama sa PNP sa pagsugpo ng droga at krimen.

Kasama sa inilabas na guidelines para sa State of National Emergency ang pagbibigay pahintulot sa warrantless arrests at searches. Inilatag agad ang checkpoints at sinasanay tayong mamamayan na makita ang mga unipormadong sundalo na naruon sa mga matataong lugar. Di nagtagal may mapapabalita na isang OFW na matatagpuan patay pagkatapos na ma-aresto sa isang checkpoint sa Cavite.

Kasabay ng umiiral na state of national emergency ay nagpapatuloy ang mga paglabag sa demokratikong karapatan ng mamamayan sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang/ Oplan Double Barrel tulad ng mga kaso ng mga inosente’t bata na nadamay, kaso ng mga mistaken identity, mga insidente ng panghihiya, panggigipit at ang walang habas na pagpatay – bala na ang humuhusga sa isang pinaghihinalaang ‘drug dependent’ o ‘drug peddler’.

Maging mga alagad ng karapatang pantao (human rights defenders) – lider manggagawa, magsasaka at mga kritikal sa coal energy/coal storage ay napabilang sa napapatay sa panahong ito, kahit na walang tuwirang koneksyon sa droga, nagagawang samantalahin ang klima ng animo’y pagpayag (tolerate/encourage) sa extra-judicial/ summary executions ng mga grupong may vested interests at nais na patahimikin ang mga grupong kritikal sa kanila.

Ang ganitong kondukta ay agad na umani ng batikos mula sa loob at labas ng bansa, sa pagtugon dito ni Presidente Duterte, ipinamalas nya sa publiko na wala itong galang sa opinyon ng iba. Kung hindi kukuyugin ng buong makinaryang pang social media, ay magsasagawa ng ‘demolition job’ sa mata ng publiko ma-nyutralisa ang mga bumabatikos.

Ngunit para sa karaniwang mamamayan, lalong walang kapanatagan ang dulot ng patuloy na pagpapatupad ng kampanya laban sa droga ng hindi napapanagot ang mga pulis na lumalabag sa due process at rule of law at mga vigilate groups. May malalim na usapin kung bakit sumusulpot at laganap sa ating lipunan ang droga at krimen. Bunga ito ng kawalan ng pagkakataon na magkaroon ng isang buhay na sapat at buhay na may dignidad—pagkain sa mesa, damit at bahay, pagkakataong makapag-aral at mag-trabaho at kakayahang ipagamot ang mga kaanak kung sakali ma’y magkasakit.

Dahil sa hindi naman binago ang batayang estratehiya sa ekonomiya ng Pamahalaang Duterte, lalong nagiging delikado ang ekonomya ng Pilipinas sa bawat kombulsyon ng pandaigdigang ekonomiya na nasa gitna ng matinding pandaigdigang resesyon.

Pumalo ng 2.3 % ang implasyon inflation noong Setyembre, ibig sabihin, mas kaunti na ang kayang bilhin ng piso kumpara sa dati. Lalong kawawa ang mga karaniwang mga manggagawa na ayon sa pag-aaral na isinagawa ng World Bank ay kalakhan ay nagtratrabaho sa mga panadalian/ casual/kontraktwal na trabaho na mababa ang sahod at kulang sa benepisyo ( 17 June 2016).
Sa ngayon, tinapos ang ENDO sa hanay ng contractors/contracting agencies lamang at hindi sa mga kumpanya mismo habang sa kabilang banda , hindi pa rin mahusay na naipapatupad ang karampatang sahod at mga benepisyo ng mga manggagawa.

Sa naunang sarbey ng Social Weather Station (SWS) noong Abril 2016 ay 46% ang nagsasabing sila ay mahirap (‘self-rated poor families’). Kung titingnan ang mga panukalang dagdag buwis ng bagong pamahalaan tulad ng patataas ng Value Added Tax ( 12 to 15%) , dagdag na excise tax sa gasolina, kerosene, LPG at diesel, maging pagbubuwis sa mga senior citizens, ang mga maliliit ang masasaktan.

Sa kabilang banda, naka-abang ang mga negosyante’t mamumuhunan sa pangakong pagtatanggal ng mga makabayan at makabansang probisyon sa Konstitusyon o ‘Economic Charter Change’. Alam nating walang mabuting idudulot ang lalo pang pagbubukas ng ating ekonomya sa walang habas na pasok ng dayuhang produkto at puhunan.

Kahit ang pagiging kritikal ni Presidente Duterte sa presensya military ng US sa Pilipinas ay hindi indikasyon na ito ay isang makabayan. Nagsisikap na mag-ipon ng political leverage ang pakikipag-alyado nito sa Russia at China laban sa relasyon sa US. Hangga’t hindi nito pinapawalang bisa ang lahat ng mga di-pantay na kasundua’t tratado ng US at Pilipinas o kaya ay paalisin ang US Special Forces sa Mindanao, mananatiling ‘porma’ lamang ito.

Kahit sa usapin ng trapik na pahirap din sa ekonomiya at kalusugan ng mga tao, ang nais ng gubyerno ay ang magkamit ng ‘emergency powers’, hindi pa malinaw kung ano ang sakop at itatagal ng naturang mga kapangyarihan bukod sa hindi ito solusyon sa congestion sa Metro Manila. Habang patuloy ang kawalan ng ekonomikong oportunidad sa kanayunan hindi epektibong matutugunan ang pagsisikip sa kalunsuran.

Ngayon ay matatapos na ang unang isandaang araw ng Panguluhang Duterte, may inumpisahan ito sa kanyang mga pangako tulad ng pagbibigay ng Executive Order sa Freedom of Information, gayung marami namang mga exemptions, o kaya ang pagsususpinde ng mga minahan gayung nananatili ang mga ito sa bansa, sa pagdeklara ng dalawang taong moratorium sa land conversion habang, itinutuloy din nito ang mga dirty energy projects tulad ng coal, kasabay ng panukalang muling buksan ang nuclear power plant sa Bataan!

Lubhang marahas ang pagtugon ng Pangulong Duterte sa sa loob ng 100 araw niya sa pwesto habang kapos sa pagtutok sa pag angat ng ating kabuhayan. Malaking hamon sa atin iniaalok na “pagbabago” ng Pangulo. Sa ngayon ang pagbabago ay nakalapat lamang sa pagyurak ng demokratikong karapatan ng mamamayan habang delikado pa ang usaping pangkapayapaan at lalong nahuhuli ang usaping pang ekonomiya. Ang tunay na pagbabago ay dapat resulta ng demokratikong prosesong kinabibilangan ng malayang mamamayan at may paggalang sa alituntunin ng batas.

ANG TUNAY AT TULOY-TULOY NA PAGBABAGO AY MAKAKAMIT LAMANG MULA SA PAMAHALAANG KUMIKILALA AT NAGTATAGUYOD NG LAHAT NG KARAPATAN PARA SA LAHAT. TAMA NA ANG PATAYAN! KABUHAYAN AT KARAPATAN NAMAN!

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally
published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or
change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and
original source/s of information are retained including the URL contained within the
tagline and byline of the articles, news information, photos etc

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s