[Statement] Imbistigahan ang Davao Death Squad! -iDEFEND

Imbistigahan ang Davao Death Squad!

Photo by PhilRights

Photo by PhilRights

Muling nabuhay sa kamalayan ng mamamayan ang Davao Death Squad (DDS) dulot ng ginawang testimonya ni Edgar Matobato sa katatapos na pagdinig ng Senado hinggil sa isyu ng extra-judicial killings. Pinangunahan ng Senate Committee on Justice and Human rights, idinetalye sa pagdinig ang partisipasyon ng anya’y dating miyembro ng naturang grupo.

Habang sinisiyasat pa ang mga pahayag, ang hindi kayang ipagkaila ay naging kilala ang Davao Death Squad mula sa dokumentasyon ng mga pandaigdigang grupo sa karapatang pantao sa panahong Mayor ng naturang bayan si Presidente Rodrigo Duterte.

Ayon sa ulat ng Commission on Human Rights at Human Rights Watch (HRW) na nasa 1,424 ang pinatay mula 1998 hanggang 2008 kasama mga babae at bata.

Maaalala na nuong panahon ng kampanya ay buong pagmamalaking sinabi ni Duterte na ang pinatay ng DDS ay nasa 1,700 (at dalawa di umano sa mga biktima ay sya mismo ang bumaril at pumatay ng nakaluhod na suspek na kidnaper) o higit sa rekord na inilabas ng HRW.

Hindi kayang itatwa na may naganap na mga pagpapatay (killings), mula sa testimonya ng mga biktima sa naturang monitoring groups at media. Lalong hindi mapagkakaila na may isang antas ng suporta ang lokal na pamahalaan nuon sa Davao maging ang mga pulis sa naturang ‘vigilante killings.’ Ito mismo ang pahayag ng UN General Assembly of the Human Rights Council nuong 2009.

Maging ang Office of the Ombudsman noong 2012 ay nagsuspinde ng 21 na mga pulis (mula police chief inspector to police senior superintendent) dahil sa ‘kapabayaan sa kanilang tungkulin’ (neglect of duty) dahil sa nakababahalang bilang ng kaso ng pagpatay (‘unusually high number of unsolved killings’) mula nuong 2005 -2008.[i]

Ang multong ito ay hindi lubusang malilibing hangga’t hindi tuluyang iniimbistigahan at nabibigyan ng hustisya ang mga biktima.

Proseso at Hindi Abuso

Kasabay ng pagbuhay sa isyu ng DDS ay nanariwa ang pangmatagalang implikasyon ng tumataas na bilang ng mga biktima ng nagpapatuloy na kampanya ng kasalukuyang pamahalaan laban sa droga at krimen. Nasa 3,140 (karamihan ay sa hanay ng maliliit at mahihirap) na ang patay ayon sa tala ng PNP.

Ang due process ay nananatili lamang para sa may-kaya at may-kapangyarihan.

Nagpapatuloy ang mga paglabag sa demokratikong karapatan ng mga mamamayan dahil sa implementasyon ng OPLAN DOUBLE BARREL. Lalong nakapag-aalala ang walang basehang pagdeklara ng State of National Emergency gayong ayon mismo sa PNP ay “merong 49% crime reduction” at mas ligtas at matiwasay na ang lipunan dahil sa sinasabing “tagumpay ng kasalukuyang giyera sa droga” at mga nagpapatuloy na peace talks sa mga armadong grupo.

Nangangailangang maging mapagbantay tayo para panghawakan ang ating demokratikong karapatan, at pangalagaan ang natitirang demokratikong espasyo upang tunay na makamit ang pagbabago para sa isang buhay na may dignidad para sa lahat.

Nararapat ding tiyakin ang kaligtasan ng mga testigo laban sa malawakang patayan, mga tagapagtanggol ng karapatan at tagapamuno sa imbestigayon. Hindi maaaring pahintulutan ang kampanya ng pagkutya, pagganti at paninira sa mga kritiko ng kampanya sa droga na patuloy na dumarami ang napapatay.

Karapatan ng mamamayang malaman ang puno’t dulo ng patayan upang tuluyan itong mapahinto.

Follow and like iDEFEND at https://web.facebook.com/iDEFENDHumanRightsandDignityMovement/

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s