[Statement] Karapatan Ipaglaban -Dr. Benito Molino

Karapatan Ipaglaban
International Human Rights Day
10 December 2015

Ang bawat tao pagkasilang ay may kakambal na karapatan. Kasama na dito ang karapatan sa balanse at malusog na kapaligiran na nakasaad sa ating Saligang Batas (The state shall protect and advance the right of the people to a balanced and healthful ecology in accord with the rhythm and harmony of nature, PC 1987 Art. II, Section 16)

Doc Ben

Karapatan natin ang malinis na hangin, tubig at lupa. Karapatan din ang maayos na kabuhayan tulad ng pagsasaka at pangingisda. Ang mga karapatang ito ay napakakailangan upang ang ating karapatang mabuhay at kalusugan ay naisusulong at napapangalagaan. Pero ang mga karapatang ito ay nilalabag ng pagmimina. Oo kailangang minahin ang mga mineralis para palakasin ang ating mga batayang hanapbuhay, hindi para sirain ang mga ito. Sinabi mismo ni PNoy, “kung ang pagmimina ay perwisyo sa kapaligiran ang pagmimina ay dapat wakasan.”

Nalabag na ang ating mga karapatan. Sira na ang ating kapaligiran. Sira na ang ating mga sakahan at pangisdaan. Apektado na ang ating kalusugan at damay na ang kinabukasan ng ating mamamayan pati na ng mga hindi pa isinisilang. Lalo itong pinalala ng bagyong Lando.

Dapat managot ang mga lumabag sa ating mga karapatan. Dapat na hustisya ay umiral. Subalit, wala pang malalimang imbestigasyon sa pagbaha ng pulang putik at troso noong bagyong Lando ay inabswelto na agad ng mga opisyales ng gobyerno ang mga kumpaniya ng pagmimina. Malinaw ang kanilang sabwatan. Sila ang dahilan sa pagkawasak ng ating kapaligiran. Nilabag nila ang ating karapatan. Kaya dapat lamang na managot ang mga kumpaniya ng pagmimina at mga opisyales ng gobyerno.

HUSTISYA SA KAPALIGIRAN at MAMAMAYAN, PAGMIMINA WAKASAN!
KARAPATANG PANTAO, ITAGUYOD, IPAGLABAN!
Benito E. Molino
https://www.facebook.com/benito.e.molino?fref=nf

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s