Ang PAGBABALIK
ng saTANas na anino sa PAL
Rio Ejercito Monge
sa bwan ng pag gunita ng DIKTADURA
may gumuhit ding balitaang
lahat ay nabalisa
may bahid ng pangamba
bakit nga ba hindi?
Gayong hindi tao
Ang tingin sayo
Ng kapitalistang kaharap mo
Sa mangagawang kulang na lang ay duraan
Sagarin sa laman ang grabidad ng pakinabang
Kahit pa na sa DIGNIDAD at KARAPATAN hubaran
Ngunit kasaysayan na ng nagsalita
Sa NAGKAKAISANG hanay
Tiyak na tikas paninindigay hindi dadapa
Muling gigiit ang tapang na sinubok at pinanday
At boses na naghumiyaw ng pag papatotoo
KILUSANG PAGGAWA AY HINDI PA PATAY
At ang tagumpay ng PALEA
Kailanman ay hindi kailanman
Mawawaldas ng anumang banta sa kanilang uluhan
Bagamat itoy isang hamon na susuungin
At tiyak na susubukin ang kontra pwersang
Uunday sa kanya
Tiyak na ang MULING TAAS KAMAO
MATATAG NA KAPIT BISIG ng uring proletaryo
Ang sya mismong BABAYO sa pag durog sa
Sinumang hahablot sa kanyang labang napagtagumpayan
Kailanman ang hakbang ay walang ATRASAN
Sapagkat sa anumang oras at panahon …
SULONG PALEANS !
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.




![[People] No more safe spaces for journalists in Gaza | by Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/unnamed.jpg?w=800)
![[Statement] TDC Statement on the bill to repeal CPD LAW](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/tdc-on-cpd-law.png?w=1024)
![[From the web] CONSUMER SAFETY ALERT: Food-Like Plastic Toys May Pose Serious Health Risks to Children | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/2.png?w=1024)
![[From the web] EcoWaste Coalition Calls for Stronger Measures to Stop Lead Paint Imports](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/laboratory-tests-confirm-the-presence-of-lead-a-toxic-chemical-banned-in-paints-and-similar-surface-coatings-at-levels-exceeding-the-legal-limit-of-90-ppm.jpg?w=1024)
Leave a comment