[Statement] Ipaglaban ang Kagalingan ng Kapaligiran, Para sa Buhay at Kabuhayan ng Lahat ng Mamamayan! -CCOS

Ipaglaban ang Kagalingan ng Kapaligiran, Para sa Buhay at Kabuhayan ng Lahat ng Mamamayan!

Apat na kumpaniya ang pinayagan ng DENR-MGB na magmina ng nickel ore sa mga bayan ng Sta. Cruz at Candelaria noong si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo pa ang pangulo. Ito ay pagkatapos siyang bumiyahe sa Tsina kasama ang ilang opisyales ng mga kumpaniya ng pagmimina.  

CCOSS copy

Ang apat na kumpaniya ay pwedeng magbaba ng 8.5 milyong tonelada ng nickel ore mula sa ating mga bundok kada taon: BNMI –3M; Eramen 0.6–1.5M; Filipinas Mining/LnL -1M; at ZDMC/DMCI -3M.  Sa presyo na US$100 (conservative estimate) kada tonelada, ang halaga ng likas na yaman ng Sta. Cruz na ibinibenta ng apat na kumpaniya kada taon sa Tsina ay US$850 million o 38.55 bilyong piso.  

Kung mayroong 3,000 manggagawa ang apat na miniro na ito na tumatanggap ng sahod na P350 kada araw, ang total na sahod nila kada araw ay P1.05 milyon lamang o P383.25M kada taon (buong taon na walang pahinga). Ito ay isang porsiyento lamang ng gross na kita ng mga miniro sa isang taon. Kung nasa construction business po tayo ang labor cost ay nasa 30% at kung nagpapatakbo ng programa o proyekto, ang overhead cost ay 10 to 15%. Sa pagmimina ang sahod ng mga manggagawa ay isang porsiyento lang po, ang iba ay wala pang benepisyo. Walang Philhealth at walang SSS.  Sobrang dehado ang bayan!.

Ang Social Development Management Program o SDMP ay obligasyon ng mga miniro na ibigay bilang proyekto sa mga host barangay. Mula sa gross sales ng 8.5M toneladang nickel, ang minimum na 1.5% ay hindi bababa sa P578.25M para sa bayan ng Sta. Cruz. Ang balita po natin ay hindi ito natatanggap. Napakaliit po ng ibinibigay ng mga miniro,  halimbawa po sa Bgy Guinabon na host barangay ng Filipinas Mining/LnL, sa isang milyong tonelada kada taon, ang halaga po nito ay US$100M o 4.3 bilyong piso. Ang SDMP na 1.5% po ay 64.5 milyong piso. Hindi po bababa sa halagang ito ang dapat na napupunta sa Bgy Guinabon.  Pero ang napupunta lamang po sa Bgy Guinabon kada taon ay wala pa daw limang milyong piso (P5M).

Ang bayad naman po kada toneladang karga ng truck ay mga P300.00 o P2.55B para maibaba ang 8.5 milyong tonelada.  Mga P60M lang sa bayan.

Kaya para mahukay ang 8.5 milyong tonelada ng nickel ore kada taon na may halagang P38.55B at madala ito sa Tsina ang gastos lamang ng mga miniro ay: (1) mga tatlo at kalahating bilyong piso (P3.5B – 9.1%) para sa manggagawa, SDMP, paghahakot kasama na ang gastusin sa mga makinarya, atbp (P1.5B lamang sa SDMP, sahod…) ; (2) US$127.5M o P5.5B (14.27%) para sa bayad ng barko na US$10 kada tonelada at sa pantalan na US$5 o kabuoang US$15; at (3) P771M (2%) na excise tax…  Ang kabuoang gastos ay P9.771B.  Ang napunta sa ating bayan ay P2.271B o 5.89% lamang.

Ang netong kita ng mga miniro ay P28.779B.  o 74.65 por siyento, ang sa ating bayan ay 5.89% lamang.  Makatwiran po ba na sa bawat P100 na kita sa pagmimina, tayong may-ari ng likas na yaman ay P6 at sa kanila P75?  Tapos sisirain pa nila ang ating mga kalsada at kapaligiran at peperwisyuhin pa ang buhay at hanap-buhay ng mamamayan?

Ngayon at nasuspendi ang kanilang mga operasyon dahil sa pagsira nila sa ating kapaligiran ang mga apektadong manggagawa ng pagmimina na kakapiranggot ang kinikita at pinagnanakawan pa ng likas na yaman ay ginagamit pa nila para kalabanin ang kanilang mga kababayan na nakikipaglaban para sa kagalingan ng kapaligiran at lahat ng mamamayan.

Pinagkaitan na nga sila ng sapat na kita at benepisyo, pinagnakawan ng likas na yaman, ngayon ay lalasunin pa ang mga kaisipan upang ipagtanggol ang mga minirong hindi lang tubong lugaw ang kita mula sa ating likas na yaman kundi sinira pa ang kapaligiran at batayang kabuhayan ng mamamayan upang kalabanin ang mga kababayan nilang nagmamalasakit para sa kagalingan ng lahat.   

Sana naman ay mag-isip ng mabuti ang lahat ng mamamayan ng Sta. Cruz, Candelaria at Infanta, manggagawa man ng pagmimina o hindi. Ipagpapalit ba natin ang kasiraan ng ating kapaligiran, kalusugan, batayang hanap-buhay at samahan sa kakarampot na kinikita mula sa pagmimina samantalang ang tubong lugaw ay nasa kamay ng mga miniro, politiko at mga dayuhang nagnenegosyo? Magkapit bisig po tayo!

CCOS

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s