[Press Release] Hauling Operations ng Benguet at Eramen Suspendido -Concerned Citizens of Sta. Cruz, Zambales

Hauling Operations ng Benguet at Eramen Suspendido

Sinuspende ni Director ng EMB Region 3, Normelyn Claudio ang hauling operations ng Benguet Nickel Mineral Inc. (BNMI) at Eramen MInerals Inc. (EMI), noong Lunes, ika-9 ng Hunyo dahil sa patuloy na pagsira ng mga ito sa kapaligiran at buhay at kabuhayan ng mamamayan.

CCOSS copy

Ang desisyon na ito ay bunga ng walang humpay na kampaniya ng Concerned Citizens of Sta. Cruz, Zambales (CCOS) na tatlong taon ng tumututol sa mapanirang operasyon ng mga minero sa mga bayan Sta. Cruz at Candelaria sa Zambales. Ang mga inirereklamo ng CCOS ay ang: (1) pagkasira ng mahigit na 300 ektarya ng sakahan; (2) 200 ektarya ng palisdaan; (3) pagbaba ng ani mga magsasaka sa 70 kaban kada ektarya mula sa dating 100; (4) pagbaba ng produksyon ng pinakamahusay na mangga sa buong mundo na matatagpuan lamang sa Hilagang Zambales; (5) pagaksira ng halos lahat sapa at ilog sa Sta. Cruz; (6) pagkasira ng baybay dagat; (7) pagbagsak ng huli ng mga mangingisda sa dagat; (8) pagakwala ng huling isda at iba pang yamang tubig sa mga sapa at ilog; (9) pagkasira ng mga kalsada; (10) pagkakasakit ng mga tao; at maram pang iba.

Ang suspension na ito ay malugod na tinatanggap ng CCOS dahil: (1) napatunayan natin sa mamamayan na mayroon silang magagawa laban sa mapanirang pagmimina; (2) napatunayan ng mamamayan na matagal na silang niloloko ng mga lokal na opisyales mula kagawad ng barangay hanggang mayor at ng mga minero sa pagpapaniwala sa kanila na wala silang magagawa laban sa pagmimina dahil ang permit ay galing sa pambansang gobyerno, wala silang magagawa kahit na sila ay maperwisyo; (3) nakita din ng mamamayan na sa sama-sama nilang pagkilos ay maipagtatanggol nila ang kanilang karapatan at mga kagalingan, kabuhayan, kaayusan ng kapaligiran, at ang tahanan ng kanilang salinlahi; (4) dahil sa tagumpay na ito, mula ngayon ay lalong lalakas ang tiwala ng mamamayan sa kanilang mga sarili na may magagawa sila laban sa mga dambuhalang umaapi sa kanila; (5) ito ay mensahe sa lahat ng mga minero na kahit sinusuhulan nila ang mga opisyales ng gobyerno mula barangay hanggang region kung hindi man national para makapag-operate sila na may impunidad, ang ilan sa mga ito ay tao din na may konsensiya at sa huli ay pipiliin din nilang ipagtanggol ang karapatan at kagalingan ng taong bayan at ng kapaligiran; at (6) ito ay babala sa iba pang minero na kung gusto nilang manatiling magmina sa Sta. Cruz, siguruhin nilang wala silang napeperwisyong kapaligiran, kabuhayan, mamamayan, at hindi nila sinisira ang mga kalsada, at hindi nagbibigay ng mga sakit sa mamamayan lalo na sa mga bata.

Ang suspension ay mananatili hanggat: (1) hindi naaayos ng mga minero ang kanilang mga perwisyo lalo na ang mga sakahan, palaisdaan, mga sapa at mga ilog, at baybay dagat; (2) walang klarong planong pag-ayos at rehabilitasyon sa iba pang mnaperwisyo; (3) walang maayos na pagtupad sa iba pang kundisyon na nailataga na noon pang ika-2 ng Mayo.

Marami pa ang kakulangan sa order na ito tulad ng pag-aayos ng mga kalsada, pagrerehab ng mga nasirang corals, pagsagot sa mga gastusin ng mga taong nagkakasakit atbp… HIndi pa din nasuspende ang iba pang mga minero na sumisira din sa kapaligiran, kabuhayan at buhay ng mamamayan.

Dahil sa mga ito ang CCOS ay patuloy na nananawagan sa mamamayan ng Sta. Cruz at Candelaria na ipagpatuloy ang laban sa lahat ng minero at iba pang mga grupo na sumisira sa ating kapaligiran at buhay.

Nananawagan din tayo sa mga kagawaran ng gobyerno partikular sa DENR at sa mga ahensiya nito tulad ng MGB, EMB, ERDB, at iba pa na gawin ang nararapat upang mapangalagaan ang yaman at mamamayan ng Sta. Cruz at Candelaria.

###

Para sa iba pang impormasyon, maaring ma-contact si:

Dr. Benito Molino, CCOS Director, (0916) 372.71.84 <ben696molino@yahoo.com>

Press Release
16 June 2014

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s