[Tula] Tingga sa ulo ng dalawang bata. Ni Gregorio V. Bituin Jr.

TINGGA SA ULO NG DALAWANG BATA
ni Gregorio V. Bituin Jr.

tatlong buwan pa lamang si Vhon Alexander Llagas
isang sanggol na ang buhay ay kay-agang nagwakas
Bagong Taon iyon, sa ulo’y may dugong tumagas
isang ligaw na bala ang sa sanggol ay umutas

Rhanz Angelo Corpuz, batang idad dalawang taon
kritikal din ang kalagayan nitong Bagong Taon
ligaw na bala rin sa kanyang sentido’y bumaon
ah, bakit ba nangyari sa dalawang bata yaon

noong nakaraang taon, ganito’y nangyari na
sina Rangelo Nimer, Stephanie Nicole Ella
patay sa sumpak, salari’y sumuko, ang sa una
sa ikalawa, salarin ay di na nakilala

may mali ba sa patakaran ng pamahalaan
o ang mismong kultura’y dapat baguhing tuluyan
bakit pag Bagong Taon, kailangang may putukan
gayong sa pagsalubong dapat ay mag-ingay lamang

dahil ba di sapat ang mga tunog ng torotot
nagkikislapang liwanag, ilaw na umiikot
kailangan ba ng labintador, pikolong bansot
lalo’y putok ng baril, upang saya’y maidulot

masakit sa magulang ang kanilang pagkawala
ngunit di sapat ang mga luha’t pangungulila
dapat managot at makulong ang mga maysala
tunay na hustisya’y dapat kamtin ng mga bata

Greg

———————–

3 buwan na baby patay sa ligaw na bala, 1 pa kritikal
by Gina Roluna Jan 1, 2014 8:32am HKT

PATAY ang tatlong buwan pa lamang na sanggol nang tamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Anonang, Caoayan, Ilocos Sur habang patuloy namang nilalapatan ng lunas ang 2-anyos na bata sa katulad din na insidente sa Laoag City.

Kinilala ang namatay na biktima na si Vhon Alexander Llagas.

Read full article @www.remate.ph

———
3-buwang sanggol patay, 2-taong bata kritikal sa tama ng ligaw na bala sa Ilocos
By dzmm.com.ph | 12:48 PM 01/01/2014

Patay ang isang tatlong-buwang sanggol habang kritikal ang dalawang taong gulang na bata sa magkahiwalay na insidente ng tama ng ligaw na bala sa Ilocos Region.

Sa Caoayan, Ilocos Sur, patay ang tatlong-buwang si Alexander Yaga matapos tamaan ng ligaw na bala sa mismong pagpapalit ng taon.

Natutulog ang sanggol sa kanilang bahay nang bigla itong umiyak.

Nagulat na lamang ang kanyang mga magulang nang makitang duguan ang baby.

Read full article @dzmm.abs-cbnnews.com

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.