[Event] Bakit ang isyu sa Calumpit bridge ay isyu ng karapatan ng mga riders at karapatang pantao? By Lyndon Pangan

Bakit ang isyu sa Calumpit bridge ay isyu ng karapatan ng mga riders at karapatang pantao?
By Lyndon Pangan

isyu sa Calumpit Bridge

Una , ang kawalan ng kongkretong aksyon ng pamahalaan (partikular ang local na pamahalaan) sa daing ng mga riders na masolusyonan ang mahirap na kalagayan nila sa paglalakbay ay labag sa karapatan.
(Obligasyon ng gubyerno to “Respect, Protect, and Fulfill the Human Rights of the people)

Ang halos 150 pesos na bayad sa mapanganib na Bangka sa pagtawid sa ilog ay masakit sa bulsa ng mga manggagawang mananakay na sumasahod ng P336.00 kada araw (source: National Wages and Productivity Commission –Minimum Wage in Region 3) Halos kalahati ang nababawas na sa kanyang arawang sahod.

Ang alternate route na may layong humigit kumulang sa 24 kilometers ay dagdag gastos din sa gasolina at pagod sa araw araw na biyahe.

Halos isang taong (o higit pa yata) ganito ang kalagayan ng mga kapatid nating riders sa Bulacan at Pampanga habang ginagawa ang nasabing tulay sa bayan ng Calumpit. Hindi ko lubos maisip kung bakit natitiis ng pamahalaan na magdanas ang mga mananakay ng ganitong kalunus lunos na sitwasyon.

Ikalawa, opo ang konstruksyon ng tulay ay para sa karapatan ng mas nakararami ito ay “Right to Development” Ngunit ayon sa United Nations human rights principle, ang karapatan ay dapat INTERRELATED AT INTERDEPENDENT, ito rin ay dapat NON-DISCRIMINATORY. Tama lang na ayusin ang mga tulay sapagkat ito ay daan para sa kaunlaran, ngunit ang mali ay habang inaayos ito, may isang bahagi ng populasyon na nakakaranas ng kagipitan. Ito ay nagiging sagka sa karapatan ng mga riders na makapaglakbay ng maayos, at tulad nga ng nabanggit sa itaas, obligasyon ng gubyerno na siguruhin na hindi nalalabag ang karapatan na ito.

Ang panawagan at solusyon: Umaksyon ang pamahalaan upang maibsan ang kahirapang nararamdaman ng mga riders, pinatunayan na natin na delikado at hindi mainam ang kasalukuyang alternatiba. Lumikha ng paraan para magkaroon ng solusyon o alternatiba na abot-kaya, ligtas at aksesible para sa lahat. Nang sa gayon ay walang nalalabag na karapatan.

TANDAAN PO NATIN NA KAPAG SINISINGIL ANG GUBYERNO SA PAGLABAG SA KARAPATAN NG MGA TAO, ITINUTURING NA PAGLABAG SA KARAPATAN ANG KAWALAN NITO NG AKSYON SAPAGKAT HINAHAYAAN NITO ANG ANG ISANG SITWASYON NA KUNG SAAN ANG MGA KARAPATAN NATIN AY NALALABAG (NON-COMPLIANCE).

Sa Ika-30 ng Disyembre ako po bilang isang indibidwal na mananakay ng motorsiklo ay lalahok sa panawagan ng Bulacan Motorcycle Riders Federation (BMRF), ARANGKADA Riders Alliance at iba pang grupo na magsasagawa ng isang symbolic ride sa Bulacan. Maari po tayong magkita-kita (mga manggagaling ng NCR)sa Total Valenzuela Branch (Tapat ng SM) ganap na 11 ng umaga. Tutulak tayo patungo sa CALTEX-BSU sa Malolos (1pm call time dun). Upang sumama sa makasaysayang lakbay para sa KARAPATAN.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.