[Statement] Deserve ng lahat ng guro ang makatarungang bonus -TDC

DESERVE NG LAHAT NG GURO ANG MAKATARUNGANG BONUS

PUBLIC STATEMENT
July 25, 2013

Below is the public statement of the TDC on the controversial performance-based bonus (PBB) of public school teachers and DepEd employees. PBB aims to reward the performers in the department with the monetary incentive ranging from P5,000 to P35,000 for their work in fiscal year 2012 (or school year 2012-2013). The bonus however, suffered many delays and only released this week. Upon release, teachers complain of unfair school rating which is also the basis of individual performance, a scheme used by the DepEd to expedite this year’s processing of PBB.

For details, please contact Benjo Basas, TDC National Chairperson at 0920-5740241.

Teachers’ Dignity Coalition (TDC)
Hulyo 25, 2013
Quezon City

DESERVE NG LAHAT NG GURO ANG MAKATARUNGANG BONUS
(Ilang punto hinggil sa pagtutol ng TDC sa PBB for FY 2012)

logo TDC

NOBYEMBRE 2012 pa lamang ay kinuwestiyon na natin ang iskema ng PBB na nakatakdang gamitin para sa taong 2012.

Kung kaya, isang serye ng dayalogo sa DBM at DepEd, kabilang na ang mga pagkilos gaya ng caroling noong Disyembre at piket nitong Hunyo sa harapan ng DBM office sa Maynila ang isinagawa natin upang ipaabot sa kinauukulan an gating hinaing at ipabatid na rin sa ating mga kapatid na guro at empleyado ang kalagayan ng PBB. At nito ngang buwan ng Hulyo ay masugid natin itong tinutukan hanggang mag-anunsiyo ang DepEd na ito ay maibibigay na sa linggong ito (Hulyo 22-26). Ito ay delayed ng anim na buwan sapagkat ito dapat ay maibibigay sa pagsasara ng taon (bagamat school year ang ginamit ng DepEd para sa taong ito o dapat ay matapos ang Marso). Ang pagka-delay nito ay isang manipestasyon lamang na may suliranin sa sistemang ito ng PBB ni P-Noy.

Nagpapasalamat po kami sa mga komentaryo, rekomendasyon at paglalahad ng sentimyento ng ating mga kapatid na guro mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng text, FB at twitter. Kinikilala po namin ang lahat ng ito at alam naming malaki ang maitutulong nito sa lalo pang pagsulong ng interes at adhikain ng ating mga guro.

Nagkakaisa po tayong lahat sa pagbasa sa sitwasyong ito at narito ang ilan:
1. Ang NAT ay hindi dapat gawing basehan ng bonus dahil madali itong imanipula;
2. Ang NAT, drop-out rate at maging MOOE report ng paaralan ay hindi direktang pananagutan ng mga guro, kung kaya hindi makatarungang ang mga guro ang maparusahan kung hindi man ito maging maayos;
3. Tila baga ‘one-size fits all’ ang PBB scheme na ito na wala man lang konsiderasyon sa mga partikular na kalagayan at pagkakaiba-iba ng mga paaralan. Halimbawa ay ang bilang ng mga mag-aaral, ang lokasyon nito o kung saang komunidad ito matatagpuan (katutubong komunidad, conflict areas, far flung barrios, demolition areas, depressed communities etc), na may direktang epekto sa performance ng mga bata at maging ng mga guro at sa drop-out incidents doon;
4. Nasa disbentahe kaagad ang mas malalaking mga paaralan na mahirap makakuha ng mataas na score sa NAT, hindi madaling i-manage ang drop-out rate at hindi madaling makapag-dirburse ng MOOE- dahil mas malalaki ito kumpara sa mga karaniwan o mas maliliit na paaralan at yaong mga ispesyal na paaralan (gaya ng science high schools);
5. Dahil sa ang NAT, drop-out rate at MOOE report ang ginamit na batayan ng PBB at kung ito’y mananatili, asahan nating sa susunod na taon ay magiging mahusay ang compliance ng lahat ng paaralan dito, kahit pa mag-suffer ang katotohan at katapatan (noon ngang walang PBB ay nagagawa ito, ngayon pa kaya);
6. Ang pagkakaroon ng magkakaibang amount ng PBB ay magdudulot ng pagkakahati-hati o pagkukumpara sa mga guro ng bawat paaralan, dibisyon o rehiyon;
7. Ang 10% cap ng best performing employees sa best performing agencies o delivery units ay nangangahulugang 1% lamang ng lahat ng empleyado sa ahensiya o delivery unit, sila lamang ang makakakuha ng best-best category (sa taong ito sa DepEd, tinatawag itong exceptional) na malinaw na nakapanlilito (kundi man nakapanlilinlang) sa mga empleyado dahil na rin sa pangako at press release ng pamahalaan na ang PBB ay mula P5,000 to P35,000 na tila baga ang sinumang empleyado ay maaaring makakuha ng mataas na amount o ng maximum na P35,000. Gayong ang katotohanan ay hindi ganito (halimbawa, 196 guro lamang sa buong NCR ang makakakuha ng P35, 000 ayon na rin sa ating source sa DBM).

Samakatuwid, dapat repasuhin ang EO No. 80 ni Pangulong Aquino na siyang basis ng PBB dahil sa halip na magdulot ng mas mataas na produktibidad at mahusay na performance ay lalo pang magkaroon ng pagkakahati-hati, sipsipan, laglagan at unhealthy competition sa mga empleyado at ahensiya. Batid nating ito ang unang pagkakataon na ipatutupad ito at maging ang DepEd at DBM marahil ay may nakikitang kakulangan sa sistema. Kaya naman, bukas sila sa mga rekomendasyon at suhestiyon na maaaring isusog sa kautusang ito ng pangulo.

Ang ating rekomendasyon:

1. Pinakamahalagang alternatibo sa PBB ay ang pagbibigay ng makatarungang pasahod na dapat ay across-the-board upang ganap at direktang makinabang ang mga guro at kawani ng pamahalaan;
2. Isa ring paraan upang maibsan ang hirap ng ating mga guro ay ang paglalaan ng mga non-monetary o non-wage benefits gaya ng tax exemption, pabahay, benepisyong pangkalusugan, scholarship (pati sa mga anak) at iba pang insentiba;
3. Dapat ding gawing across-the-board ang PBB o ganitong uri ng benepisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas mataas na PEI (productivity enhancement incentive) na dapat ay tumaas sa P15,000 (dahil 4 taon na itong P10,000) at kung sakali mang mayroong merit-based incentive ay dapat na nakabatay sa isang clear-cut policy na hindi kaduda-duda;
4. Isang halimbawang iskema ay ang pagtatanggal ng limit sa maaaring makakuha ng P35,000. Kung talagang gusto ng gobyerno na magsipag nang husto ang kanayang mga empleyado at guro, dapat lang na bigyan ng certain rating na may corresponding amount, at kung sakaling 100% ng empleyado ang umabot sa rating na katumbas ng maximum halimbawa na P35,000 ay dapat bigyan lahat ng P35, 000 (katulad ng GWA o general weighted average sa mga unibersidad na ginagamit upang i-determina ang magiging cum laude atpb).

Mga kapatid na guro, ang PBB ay isa lamang munting usapin sa malawak na sektor ng edukasyon. Higit dito, nais nating ipabatid sa ating pamahalaan na hindi sapat ang tinatanggap nating sahod at hindi makatarungan ang pagtratong ibinibigay sa atin ng gobyerno.

Nais nating ipaalala sa ating mahal na pangulo na higit sa papuri sa ating paggising sa madaling-araw upang tugunan ang araw-araw na hamon upang labanan ang kamangmangan, karapat-dapat tayong gawaran ng sapat at makatarungang sahod, kilalanin ang ating mga karapatan at kagalingan at itaguyod ang ating dignidad. #

Teachers’ Dignity Coalition (TDC)
Hulyo 25, 2013
Quezon City

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

One thought on “[Statement] Deserve ng lahat ng guro ang makatarungang bonus -TDC

  1. Greetings of peace… Sa amin dito sa ARMM walang kasiguraduhan kong marerelis this week laging nasa huli. Sana matulungan ninyo kaming marelis ito agad. Kaya kami baun sa utang kasi hindi on time ang mga suweldo, bonuses at iba pa. God bless and more power.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s