Panawagan para sa kalayaan ni RODELIO “DONDON” LANUZA, OFW on Deathrow, KSA -Barya Mo Buhay Ko

Pamilya ni Rodelio “Dondon” Lanuza, kasama ng kanyang mga tagasuporta, ay patuloy na nananawagan sa gobyernong Aquino at sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo na siya ay tulungan na mailigtas sa bingit ng kamatayan.

Magugunita na si Dondon Lanuza ay namasukan bilang Draftsman ng Aramco sa Saudi sa edead na 22 anyos. Noong Agosto 10, 2000, sa edad na 25, siya ay nakulong sa salang pagpatay sa isang arabong kasamahan sa trabaho na nagtangkang gawan siya ng masama. Siya ay nahatulan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagputgot sa kanyang ulo. Noong Febrero 11, 2011, sa tulong ng Saudi Reconciliation Committee, si Dondon Lanuza ay nagawaran ng kapatawaran ng pamilya ng kanyang napatay kapalit ang 3M saudi riyals o humigit kumulang 35M pesos na blood money.

Sa tulong ni Mrs. Loida Lewis, isang Fil-American Philantropist, ay nakalikom na ng halagang 10.4M pesos. Sa kasalukuyan, patuloy ang apela ni Dondon Lanuza at nang kanyang ina na mapunuan ang kakulangan sa nasabing blood money. Narito ang liham apela ng kanyang ina:

Sa aking mga Kababayan,

Ako po si Mrs. Letty Celestino Lanuza, nanay ni Rodelio “Dondon” Lanuza, na ang kalayaan ay malapit nang makamtan matapos ang labing dalawang taon sa bilangguan sa Saudi. Subalit ang kanyang kalayaan ay nanganganib kapag hindi nabuo ang blood money.

Ako po ay labis na nangangamba na ang lahat ng suporta, tulong pinansyal at panalangin ng mga tao ay mabalewala lamang kung siya ay tuluyang masentensiyahan. Nanawagan po ako sa Pangulong Noynoy Aquino at Pangalawang Pangulo Jejomar Binay na kami po ay tulungang maisalba ang buhay ng anak ko. Nananawagan din po ako sa aking kapwa Pilipino sa buong mundo. Bawat segundo po ay mahalaga para buhay ng aking anak. Nakikiusap po ako sainyo na patuloy ninyo siyang tulungan.

Maraming salamat at nawa’y pagpalain kayo ng Poong Maykapal.
Narito naman ang mensahe ni Dondon Lanuza:

Labing dalawang taon na ang nasayang sa aking buhay, labing dalawang taon na puno ng pagdurusa sa loob ng kulungan. Hindi ko inakalang ganito ang aking magiging kapalaran. Dinaranas ko ngayon ang bunga ng aking nagawa. Ipinagtanggol ko lamang ang aking sariling dignidad at buhay. Bawat segundo ng aking buhay ay taos puso akong nanalangin na ako ay mapatawad ng pamilya ng aking napatay. Labing dalawang taon na puno ng pag-asa na isang araw ako ay makakalaya at mapakapag simulang muli ng bagong buhay.

Dalawangpu’t limang taong gulang lamang ako nang makulong. Nasayang ang aking buhay, mga ambisyon at pangarap. Napunta ako sa maling lugar at pagkakataon. Kung alam ko lang na ganto ang aking sasapitin, sana hinayaan ko na lang na ako ay abusuhin. Pero kahit naman sinong taong nalagay sa alanganin ay talagang ipagtatanggol din ang kanyang sarili sa kapahamakan.

Dalangin ko sa Diyos na ako ay bigyan pa ng isang pagkakataon na mabuhay ng Malaya kapiling ang aking mga mahal sa buhay. Ako ay patuloy na nananalangin at kumakapit sa Diyos na isang araw makikita kong muli ang liwanag ng bagong pag-asa.

Muli po akong nagmamakaawa na ako ay tulungan mailigtas sa parusang kamatayan. Tulungan ninyo po akong mapunuan ang blood money. Maawa po kayo sa akin at sa aking pamilya. Sapat na ang labing dalawang taon para pagbayaran ko ang aking nagawang paglabag sa batas ng Saudi.

Ako at ang buong pamilya ko ay taos pusong nagpapasalat sa lahat ng sumuporta at patuloy na sumusuporta sa akin at sa lahat po na nagdadasal para sa aking kaligtasan. Nawa po ay huwag kayong magsasawa na ako ay tulungan. Diyos na po ang bahalang gumanti sa inyong kabutihang loob.

Maaari po lamang na ihulog ang inyong mga donasyon sa:

For more details see https://www.facebook.com/photo.php?fbid=368851999874283&set=a.102458226513663.3896.100002484577097&type=1

Iboto ang iyong #HRPinduterosChoice para sa HR CAMPAIGN.

Ang botohan ay magsisimula ngayon hanggang sa 11:59 ng Nov 15, 2013.

Ikaw para kanino ka pipindot? Simple lang bumoto:
• i-LIKE ang thumbnail/s ng iyong mga ibinoboto sa HRonlinePH facebook, i-share at ikampanya.
• Bisitahin ang post sa HRonlinePH.com (links sa bawat thumbnail) at pindutin ang button sa
poll sa ilalim ng bawat nominadong post.
• Most number of the combined likes sa FB at sa poll buttons ang magiging 3rd HR Pinduteros
Choice na kikilalanin sa 2013 HR week celebration.

Makiisa sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa karapatang pantao. Pindot na!

WHAT IS 3RD HR PINDUTEROS CHOICE AWARDS? https://hronlineph.com/2013/10/01/3rd-human-rights-
pinduteros-choice-awards/

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading