Tag Archives: Pero

[Event] RIDE TO ABOLISH ALL PORK – The Halloween Ride!

RIDE TO ABOLISH ALL PORK – The Halloween Ride!
RIDE TO ABOLISH ALL PORK The Halloween Ride

Ngayong Halloween, mag ride tayo upang hindi masayang ang mga buwis na ating ibinabayad sa mga GHOST PROJECTS..

Hangga’t nandiyan ang PORK BARREL SYSTEM, dadami pa ang mga ghost projects na ito at patuloy na ibubulsa lamang ng mga TRAPO ang pera ng bayan.

Magkita-kita tayo sa October 25, 2013, 6pm sa Eliptical road ng Quezon Memorial Circle malapit sa kanto ng Commonwealth. Magsuot ng holloween costume.

Did you know mga ka-riders?

According to Former National Treasurer and UP Prof Leonor Briones, ang MVUC na binabayad natin (kasama kotse atbp) sa LTO kada taon ay pinaghahati hatian ng mga tongresman (10million kada isa) para pondohan umano ang mga road repairs and construction sa mga distrito nila. Kung nasa 4 million na tayong mga registered motorcycles sa 240 pesos na MVUC na binabayad natin sa LTO kada taon, halos 1 bilyon ang ating tax na napupunta sa mga kongresista na ito…

Pero anu ba ang pakinabang natin? Substandard na mga kalsada, kapos na programa para safety at hindi magandang trato sa ating mga riders. Dyan napupunta ang ibinabayad natin, kapos na serbisyo!

Kaya pagkatapos ng LUNETA AT EDSA TAYO NAMAN MGA RIDERS ANG KIKILOS!

(This is a free initiative of concerned individual riders. BUT WE ARE CALLING ALL CLUBS, FEDERATIONS, ALLIANCES AND ORGANIZATION TO SUPPORT THE INITIATIVE)

Visit and register @https://www.facebook.com/events/406323156160085/?ref_newsfeed_story_type=regular

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Event/Campaign] Ride to abolish all pork – biyaheng EDSA tayo!

Ride to abolish all pork – biyaheng EDSA tayo!
by Don Pangan, Rodrigo Cruz and 5 others

Sunday, September 29, 2013
Time8:00am

RIDE TO ABOLISH ALL PORK

Did you know mga ka-riders?
According to Former National Treasurer and UP Prof Leonor Briones, ang MVUC na binabayad natin (kasama kotse atbp) sa LTO kada taon ay pinaghahati hatian ng mga tongresman (10million kada isa) para pondohan umano ang mga road repairs and construction sa mga distrito nila. Kung nasa 4 million na tayong mga registered motorcycles sa 240 pesos na MVUC na binabayad natin sa LTO kada taon, halos 1 bilyon ang ating tax na napupunta sa mga kongresista na ito…

Pero anu ba ang pakinabang natin? Substandard na mga kalsada, kapos na programa para safety at hindi magandang trato sa ating mga riders. Dyan napupunta ang ibinabayad natin, kapos na serbisyo!

Kaya pagkatapos ng LUNETA AT EDSA TAYO NAMAN MGA RIDERS ANG KIKILOS!

(This is a free initiative of concerned individual riders. BUT WE ARE CALLING ALL CLUBS, FEDERATIONS, ALLIANCES AND ORGANIZATION TO SUPPORT THE INITIATIVE)

https://www.facebook.com/events/167310080138951/?ref_newsfeed_story_type=regular

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Blog] Ang pagbabawal sa paggamit ng mga plastic bag ni Gregorio V. Bituin Jr.

Ang pagbabawal sa paggamit ng mga plastic bag
ni Gregorio V. Bituin Jr.

ang pagbabawal sa plastic bag ni Greg Bituin

Greg

Nang dumaan ang maraming bagyo sa bansa, tulad ng Roming, Milenyo, Ondoy, Pedring, Quiel, Sendong, Maring, at iba pa, naalarma ang marami sa malawakang pagbaha. Bata pa ako, ang kalsadang España sa Maynila ay binabaha na. Hanggang ngayon, binabaha pa rin. Kahit sa Lungsod ng Baguio, na naroon sa napakataas na bundok sa lalawigan ng Benguet, ay binaha noong Agosto 2012 ng bagyong Helen. Napakataas na lugar ngunit binaha. Bakit? Isa sa nakitang dahilan nito ang basurang plastik na siyang bumara sa mga kanal sa City Camp Lagoon sa Lungsod ng Baguio kaya hindi agad nawala ang tubig-baha.

Sa nangyaring pagkabara ng mga daan ng tubig sa iba’t ibang lugar na binaha dulot ng malakas na ulan, nag-atas ang maraming lungsod at bayan na ipinagbabawal na ang itinuturing na dahilan ng pagbabara ng mga daanang tubig. Ito ang pagbabawal ng paggamit ng plastik sa kanilang mga lugar na nasasakupan. Nariyan ang Lungsod ng Makati at Quezon, ang bayan ng Calamba sa Laguna, sa Lungsod ng Cebu, at sa marami pang bahagi ng bansa. Gayunman, sa ulat ng GMA 7, may anim na lungsod ang hindi sang-ayon sa pagbabawal ng mga plastic bag, at ito’y ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, San Juan, Parañaque at Valenzuela. Sa anim na iyon, mapapayag man ang lima na ipagbawal ang plastik, hindi ito magagawa ng Lungsod ng Valenzuela dahil karamihan ng mga industriya ng plastik ay nasa lupaing nasasakop nila. Ayon sa mga datos ng City Planning and Development Office (CPDO) ng Valenzuela noong 2012, may 224 na kumpanya ng plastik at pagawaan ng goma sa lungsod. At ang mga kumpangyang ito ang mga malalaking nagbabayad ng buwis sa pamahalaang lungsod.

Gayunman, mas nakapokus ang kampanya laban sa mga bag na plastik, at hindi sa iba pang uri ng plastik. Ibig sabihin, ipinagbabawal na ang paggamit ng mga bag na plastik sa pamamalengke. Dapat mayroon nang dalang bayong o mga telang bag, kapalit ng plastic bag, ang mga mamimili.

Ayon sa grupong EcoWaste Coalition (Philippine Daily Inquirer, Hulyo 4, 2013), umaabot na sa siyamnapung (90) lungsod at bayan ang nagpasa ng ordinansa na nagbabawal o kaya’y nagsagawa na ng patakaran sa wastong paggamit ng mga bag na plastik. Madaragdagan pa ang bilang na ito bago matapos ang taon, ayon pa sa Ecowaste. Noong Hulyo 3, 2013, pinangunahan ng EcoWaste ang mahigit limangdaang (500) katao, na kinabibilangan ng mga estudyante, opisyal ng paaralan, mga opisyal ng samahan ng magulang at guro, mga beauty queens at mga makakalikasan upang gunitain ang ikaapat na “International Plastic Bag-Free Day” o “Pandaigdigang Araw na Walang Bag na Plastik”. Nanawagan din sila sa pambansang pamahalaan na magsagawa ng mga batas at patakarang nagbabawal sa mga bag na plastik sa buong bansa.

Nang magsimula ako sa kilusang makakalikasan, nakadaupang palad ko ang ilang mga taong naging bahagi ng pag-unlad ko sa gawaing makakalikasan. Isa ako sa naimbitahan noon sa bahay ni Odette Alcantara, noong nabubuhay pa siya, sa kanyang bahay sa Blue Ridge, kasama ang ilang dumadalo rin sa Kamayan Forum sa Edsa, at nakita ko kung paano ba pinagbubukod ang nabubulok sa hindi nabubulok. Ang mga nabubulok, tulad ng dahon, papel, at pagkain, ay ibinabaon nila sa lupa. Merong maliit na lote sa malapit sa kanila ang pinagbabaunan ng mga nabubulok. Iyon namang hindi nabubulok, tulad ng bote, lata, at plastik, ay ibinubukod at ibinebenta, ang lata ay pinipipi bago ibenta, at inihihiwalay ang plastik. Doon ko rin nalaman ang tungkol sa Linis Ganda, kung saan may mga kariton itong nangunguha ng mga hindi nabubulok upang magamit pang muli, o yaong tinatawag na resiklo.

Ngunit bakit nga ba sinisisi at itinuturong dahilan ang mga bag na plastik sa mga nangyayaring kalamidad, lalo na ang baha? Gayunman, pag nagbaha sa mga lungsod at bayan, hindi kaagad ang mga pagkakabara ng plastik ang sinisisi ng pamahalaan, kundi ang mga maralitang nakatira sa may tabing ilog, estero at ilalim ng tulay. Imbes na pagtuunan ang dahilan ng pagkabara ng mga daanang tubig na ito, agad sinisisi ang mga dukha at pinagbibintangang siyang nagtatapon ng mga basura, lalo na ng plastik, sa tubig. Kailangan nilang umalis sa lugar, kung hindi’y sapilitan silang idedemolis. Patunay dito ang planong paglilikas sa mga maralitang nakatira sa tabing-ilog, mula sa apat na malalaking ilog at apat na estero, ito ay ang mga ilog ng San Juan, Pasig, Tullahan, Manggahan floodway at mga esterong Maricaban, Tripa de Galina, Maypajo at Sunog Apog. Kung hindi kaya nakakababara ang plastik, sisisihin kaya ang maralita sa pagbaha? Sa bandang huli, plastik na ang sinisisi ng marami dahil sa baradong mga daluyan ng tubig, at binabarahan ito ng mga basurang plastik.

Bakit plastik? Dahil hindi ito nabubulok. Kaya pag nagbara sa kanal, sasaluhin nito ang mga tubig at pipigilan. Hindi tulad ng mga nabubulok tulad ng papel, karton, at dahon, na sa pagdaan ng panahon ay mabubulok na pag humalo sa lupa, ang plastik ay hindi nagbabago. Maaaring ito’y masira ngunit hindi ito nabubulok. Ngunit hindi lang simpleng plastik ang napapag-initan dito, kundi ang bag na plastik. Ito’y dahil ito ang pang-araw-araw na gamit ng tao na madaling itapon pag nagamit na. Ayon nga sa pahayag ni Gng. Sonia Mendoza, na namumuno sa Task Force on Plastics ng EcoWaste Coalition: “Plastic bags are the embodiment of an antiquated, throw-away mentality that we need to urgently address.” (Ang mga bag na plastik ang pinakadiwa ng isang pag-iisip na makaluma at ugaling tapon ng taon na kinakailangan nating tugunan agad.)

Throw-away mentality. Ugaling tapon ng tapon kahit saan. Ito ang dapat unawain at solusyunan. Tulad na lang ng simpleng pagtatapon ng balat ng kendi. Kukunin ang kendi, tatanggalin ang nakabalot na plastik sa kendi, isusubo, at itatapon na ang balat ng kendi kung saan-saan. Dahil marumi na raw iyon at basura na. Ngunit basura lang iyon pag naitapon, gayong pwede naman itong ibulsa muna. Bakit ibulsa? May dalawang bahagi ang biniling kendi. Ang laman at ang balat o ang balot na plastik. Hindi ito basura at hindi ito marumi. Bakit nang pinaghiwalay ang dalawa, isinubo ang laman, ay itinuring nang marumi ang balat kaya itinatapon na agad gayong nang may laman pa itong kendi ay hindi naman itinuturing na marumi? Dahil sa throw-away mentality. Yung wala nang pakinabang o wala nang silbi ay dapat nang itapon. Ang balat ng kendi, imbes na ibulsa muna dahil walang basurahang mapagtapunan, ay tinatapon na lang kung saan-saan dahil pinandidirihan na itong ibulsa. Pero ito’y sa usapin ng balat ng kendi pa lamang, at hindi pa sa plastic bag.

Sa mga malalaking tapunan ng basura, halimbawa, sa Payatas, kitang-kita ang napakaraming tambak ng basurang plastik. Sakali mang itapon ng wasto ang mga plastik, napakaraming taon ang bibilangin bago ito mabulok, kung mabubulok ito. Kung hindi naman ito maitatapon ng wasto, babara ang mga plastik na ito sa imburnal, kanal, at magpaparumi sa ilog, dagat, at iba pang daanan ng tubig, at nakakaapekto rin ng malaki sa tahanan ng mga hayop. Maaari ding akalaing pagkain ito ng mga hayop at isda sa dagat, na siyang ikamamatay ng mga ito. Ang matindi pa rito ay kung nagtatapon ng basurang nakabalot sa plastik, lalo na ng itim na garbage bags, sa dagat mula sa mga barko. Tiyak na apektado rito ang mga nabubuhay na mga isda’t iba pang hayop sa karagatan.
May mga balitang namatay ang isang balyena nang makakain ito ng isang plastik bag na puno ng basura. Dagdag pa rito, ang mga plastic bag ay nagmumukhang dikya o jelly fish na maaaring makain ng mga gutom na pagong at iba pang nabubuhay sa karagatan.

Ang mismong pagkakadeklara sa Hulyo 3 bilang “International Plastic Bag-Free Day” ay nagpapakitang matindi talaga ang negatibong epekto ng mga plastic bag sa ating kapaligiran. Kinakailangan pa ng deklaradong araw para lang sa kampanyang ito. Bakit pinag-initan ang bag na plastik at hindi ang iba pang klase ng plastik?

Alamin muna natin ang iba’t ibang klase ng plastik. Batay sa pananaliksik, may pitong klase ng plastik. Noong 1988, nagsagawa ng sistema ng pagklasikipa ng plastik ang Society of Plastic Industries (SPI) upang malaman ng mga bibili at ng mga magreresiklo nito ang iba’t ibang klase ng plastik. Ang mga kumpanyang gumagawa ng produktong plastik ay naglalagay ng kodang SPI, o numero, sa bawat produktong plastik, na karaniwang nakaukit sa ilalim ng produkto. Ito’y ang mga sumusunod:

1. Polyethylene terephtalate, o PETE. Ito ang uri ng plastik na ginagamit sa mga inuming nakalalasing, lalagyan ng medisina, lubid, hibla ng karpet at pananamit. Karaniwang nareresiklo ang mga bagay na yari sa ganitong uri ng plastik.

2. High-density polyethylene, o HDPE. Ito naman ang uri ng plastik na ginagamit na lalagyan ng langis sa makina, shampoo at kondisyuner, bote ng sabon, detergent at bleach. Karaniwan ding nareresiklo ang mga bagay na yari sa plastik na ito. Gayunman, hindi ito ligtas na gamiting muli ang mga boteng yari sa HDPE na lalagyan ng pagkain o inuman kung sa orihinal ay hindi ito ang gamit noon.

3. Polyvinyl chloride, o PVC (V). Ito ang ginagamit sa plastik na tubo, plastik na credit cards, frame ng bintana at pinto, gutter, mga produktong synthetic leather. Paminsan-minsan ay nareresiklo ito, ngunit ang ganitong uri ng plastik ay hindi ginagamit sa pagkain, dahil maaaring makasama sa katawan.

4. Low-density polyethylene (LDPE). Ito ang ginagamit sa mga plastik bag na pang-groseri, o yaong pambalot ng mga karne, isda, at gulay sa palengke, at plastik na pambalot ng tinapay sa panaderya. Paminsan-minsan ay nareresiklo ang mga ganitong plastik.

5. Polypropylene (PP). Matibay ang ganitong uri ng plastik at kayang tumagal sa mas mataas na temperatura. Ginagamit ito sa paggawa ng baunan ng pagkain (lunch box), lalagyan ng margarina, bote ng medisina at syrup, boteng pandede ng bata, istro, at mga plastik na tansan. Kadalasang nreresiklo rin ito.

6. Polystyrene, o iyong styrofoam (PS). Ito naman yung ginagamit sa pagkain, tulad ng plato, kutsara’t tinidor, at baso, plastik na lagayan ng itlog, mga tray sa fast foods. Karaniwan din itong nareresiklo, bagamat napakahirap.

7. At iba pang plastik (Other). Sa kategoryang ito pumapasok ang mga uri ng plastik na hindi nakapaloob sa naunang anim, at ito ang mga bagay na napapalamnan ng plastik na naimbento makaraan ang 1987. Sa kategoryang ito nakapaloob ang polycarbonate at polylactide. Kasama sa mga produkto nito ang mga sports equipment, mga gamit pang-medikal at dental, CD, DVD, at kahit na yaong mga iPods.

Sa mga klaseng ito, bagamat lahat ay maaaring makabara sa kanal, ang karaniwang itinatapon bilang basurang nakakabara sa kanal ay yaong plastik bag at mga pambalot ng bigas, karne, isda’t gulay sa palengke. Ang plastik na ito ang pinakapopular sa halos lahat ng uri ng tao, bata’t matanda, dukha’y mayaman, babae’t lalaki. Nakita ko mismo ang dami ng plastik na ito na nagkalat mismo sa gitna ng dagat. Grabe.

Noong Agosto 16, 2006 ay nakasama ako sa isang aktibidad ng SALIKA (Saniblakas ng Inang Kalikasan) at EcoWaste Coalition sa Roxas Blvd. sa Maynila, kung saan nagtanggal kami ng mga plastik na basura sa dagat, at pinaghiwa-hiwalay ang mga ito batay sa uri ng plastik. Pawang nakuha namin dito ay mga plastik na kabilang sa ikaapat na klase, o iyung LDPE (Low-density polyethylene). Pawang mga gamit sa pang-araw-araw ng tao. Bandang hapon ng araw ding iyon, sumakay kami sa nakahimpil na barko ng Greenpeace, ang MV Esperanza, sa daungan ng Maynila. Mula sa barko, nakita namin ang napakaraming basurang plastik na naglulutangan sa dagat. Naisip ko tuloy, napakaliit na bagay lang ang ginawa namin, ngunit kung laging gagawin araw-araw ay malaki na ang mababawas. Ngunit ang problema, patuloy namang nagtatapon ng basura at dumarami pa sa dagat, kaya paano ito mauubos. Habang nagbabawas ka ng paunti-unti, malaki naman ang nadaragdag na basurang plastik sa dagat.

Ipinagbawal din ang pagsusunog ng basura, dahil masama sa katawan ng tao ang amoy ng nasusunog na plastik. Sa mga bakuran o tarangkahan ng mga bahay-bahay, lalo na sa mga lalawigan, ay mahilig magsunog ng basura. Iipunin ang mga dahon-dahon at sisigaan tabi ng isang puno upang maalis umano ang mga peste at gumanda, lumago at mamunga ang puno. Ang problema ay kung may nasasamang plastik sa nasusunog na basura. Karamihan ng basura sa mga bahay-bahay ngayon ay napakaraming plastik at may mga papel na dumaan sa kemikal. Pag sinunog ito, nagiging polusyon ito sa hangin at madaling masinghot. Ang mga abo naman nito ay maaaring hanginin o kaya’y mahalo sa tubig sa ilalim ng lupa. May ibinubugang lason ang pagsusunog ng basura, lalo na’t may plastik. Nariyan ang dioxin na nagdudulot ng kanser, at nagpapahina ng immune system, dahil na rin sa pagkasunog ng mga basurang may halong PVC. Nariyan din ang nitrogen oxides at sulfur oxides na nagdudulot ng sakit sa baga, sa respirasyon, at sa central nervous system. Nilalason din nito ang mga lupa at tubig na dulot ng asidong ulan. Imbes magsunog ng basura, paghiwalayin ang nabubulok sa hindi nabubulok. Ibaon sa lupa ang mga nabubulok, at iresiklo ang mga hindi nabubulok.

Matagal na nating kasama ang plastic bag, ngunit paano ba ang dapat nating gawin? Bukod sa pagbabawal sa paggamit ng mga bag na plastik sa iba’t ibang lungsod at bayan, ano pa ang ginagawang inisyatiba ng pamahalaan at ng ating mga kababayan?

Marami nang nangangampanya laban sa plastic bag sa iba’t ibang panig ng mundo. Nariyan din ang “Ban the Bag! – A campaign to end single use plastic bags in Portland” sa facebook. Nariyan din ang Ban the Bag Alliance sa Australia, http://www.banthebag.com.au. Ayon sa pahayagang Jordan Times, “UNESCO launches campaign against plastic bags”, ibig sabihin, kahit ang isang sangay ng United Nations, ay nangangampanya na rin laban sa paggamit ng mga plastik bag. Anupa’t sadyang pandaigdigan ang kampanyang ito. Sa Jakarta Post naman, ibinalita nitong may 150 boluntaryo sa Aceh ang nangangampanya sa mga Indones na bawasan na ang paggamit ng mga plastic bag upang mabawasan ang mga basurang plastik, at isa sa kanilang mga aksyon ay ang pagpapalit ng sampung plastic bag kapalit ng isang telang grocery bag. Sa ating bansa naman ay nariyan ang EcoWaste Coalition, Green Convergence, at iba pang grupo na ayaw sa plastik. Kailangan nating magpakatotoo sa kampanyang ito, dahil kung hindi, matuturing lang tayong plastik.

May iba’t ibang bansa na ang nagpasa ng batas sa kanilang bansa na nagbabawal sa mga plastic bag. Nariyan ang The Punjab Plastic Bags Control Act sa bansang India. Sa bansang Tasmania ay nariyan ang “Plastic Shopping Bags Ban Bill 2013. Sa ating bansa, nariyan ang panukalang batas sa Senado, ang Senate Bill 2759, na pinamagatang “Total Plastic Bag Ban Act of 2011” o AN ACT PROHIBITING THE USE OF PLASTIC BAGS IN GROCERIES, RESTAURANTS, AND OTHER ESTABLISHMENTS, AND PROVIDING PENALTIES FOR VIOLATIONS THEREOF.

Mabubuod sa Seksyon 3 ang pangunahing nilalaman ng panukalang batas na ito: “Sec. 3. Prohibition. – Groceries, supermarkets, public markets, restaurants, fast food chains, department stores, retail stores and other similar establishments are hereby prohibited from.using non-biodegradable plastic bags. All aforementioned establishments shall only provide recyclable paper bags and/ or biodegradable plastic bags to its customers.”

Sa Mababang Kapulungan naman ng Kongreso, inaprubahan ng mga mambabatas ang House Bill 4840 o The Plastic Bag Regulation Act of 2011. Pinapatakaran ng nasabing panukalang batas ang wastong paggamit ng mga plastic bag, at paglikha ng isang “plastic bag recovery system”. Ayon kay Rep. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro), isa sa may-akda ng panukalang batas, “The State must ensure that contaminants to the environment, such as plastic and plastic bags, be prevented from being introduced into the ecosystem.” Inirerekomenda sa HB 4840 ang pag-alis (phase out) sa mga di-nabubulok na plastic bag sa loob ng tatlong taon matapos itong maisabatas.

Sabi naman ni Rep. Aurelio Gonzales (3rd District, Pampanga), na isa rin sa may-akda ng panukala, “The phase-out of plastic bags is a practical contribution to the collective efforts of solving the country’s environmental problems.” (Ang pag-alis sa mga bag na plastik ay isang praktikal na ambag sa kolektibong pagsisikap na maresolba ang mga problemang pangkapaligiran ng bansa.) Ayon naman sa prinsipal na may-akda ng panukala na si Rep. Oscar Malapitan (1st District, Caloocan City), “the recovery system will lead citizens to exert effort and give their due share in protecting the environment by bringing used plastic bags to stores and commercial establishments which in turn shall provide the logistics for recovery of these plastic shopping bags.”

Hindi pa mga ganap na batas ang mga ito. Kaya bilang simpleng mamamayan, paano tayo tutulong sa kampanyang ito? Unang-una na, sa pamamagitan ng leadership by example, dapat makita mismo sa atin na hindi na tayo gumagamit ng plastic bag, sanayin natin ang ating sarili at pamilya na sa araw at gabi ay walang mga plastic bag sa ating tahanan at pinagtatrabahuhan, at pawang mga biodegradable bag na lang ang ating gagamitin. Ibig sabihin, may mga bag na tela na maaari nating dalhin. Hindi ito kagaya ng mga plastic bag na hindi naman natin nakasanayang iresiklo. Ikalawa, ikampanyang maisabatas ang mga batas na nagbabawal ng plastik. Ikatlo, libutin natin ang mga eskwelahan at mga pagawaan upang magbigay ng edukasyon laban sa paggamit ng mga plastic bags. Ikaapat, nasasa inyo ang desisyon, mga kaibigan, upang makapag-ambag sa pagresolba ng isang malawakang problema.

Marami pa tayong magagawa upang mabawasan ang paggamit ng mga plastic bag, at sa kalaunan ay tuluyan nang mawala ang mga ito. Mangyayari lang ito kung seryoso tayong kikilos upang maisakatuparan ang lahat ng mga adhikaing ito para sa kinabukasan natin at ng mga susunod pang henerasyon.

Mga pinaghalawan:

http://www.gmanetwork.com/news/story/318144/news/specialreports/as-ban-on-plastic-bags-spreads-valenzuela-stubbornly-says-no

’Plastic ban Saturday’ ordinance takes effect this week

Environmentalists seek nationwide plastic ban


http://plasticbagbanreport.com/phillipines-legarda-files-total-plastic-bag-ban-act/
http://plasticbagbanreport.com/philippines-house-of-representatives-vote-to-regulate-plastic-bags/
http://en.wikipedia.org/wiki/Plastic

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Statement] Solidarity Statement of Cardinal Luis “Chito” Tagle to the Casiguran Marchers

Solidarity Statement of Cardinal Luis “Chito” Tagle to the Casiguran Marchers
by Laban Para Sa Casiguran: NO to APECO

December 10, 2012

photo source filipinoscribbles

photo source filipinoscribbles

The following statement is the response Cardinal Tagle, the Archbishop of Manila, gave to the 120 Casiguran inidgenous peoples, fisher folk and farmers who braved the 340 kilometer trek from Casiguran to Metro Manila. At press time 3:00 PM, the recently-concluded dialogue has been covered by almost all major tri-media outfits, with the marchers relating the countless stories of defiance, frustration and hope in their struggle against the Aurora Pacific Economic Zone. The hope of Casiguranons were set aflame once more.)

Nagpapasalamat ako sa lahat ng naglakad, mula sa sector ng Casiguran. Wala na yatang salitang masasabi. Itong salita ko hindi sa akin, hindi ako ang pinakaimportante dito. Sila ang importante, sila ang may mensahe.

Kaming mga Obispo hindi kami ekonomista, hindi politico, hindi nagpapanggap na expert. Hindi namin alam ito. Pero bilang mga pastor, ako sa sarili ko. Ang nararamdaman ko ay lungkot. Nalulungkot ako dahil parang hating hati ang bansang Pilipino. Nakakalungkot na nagkakasakitan, nagkakahiwahiwalay, mga pamilya, kamag-anak, kababayan, lumaki sa iisang bayan. Ngayon parang nagkakahiwahiwalay. At para saan? Sulit ba? Sulit ba itong sakit ng paghihiwalay doon sa ipinapalit? Yan ang isang bagay na ikinalulungkot ko. Di ko alam kung gaano katagal bago mabuo muli ang samahan pagkatapos ng malalim na sugat.

Nagpapasalamat ako dahil sa lakad at pagkwento, nagbibigay kayo sa sambayanang Pilipino ng mahalagang tanong. Lahat tayo naghahangad ng matiwasay na buhay. Hindi lang para sa sarili, kundi para sa susunod na henerasyon. Hindi niya hangad masira ang buhay ng pamilya at susunod na henerasyon. Pero sa natutuwa ako sa inyong pagbabahagi. May napakagandang tnaong na harapin ng Pilipinas: okey, gusto nating progress. PERO ANONG URING PROGRESS? ANONG URING KATIWASAYAN? ANONG MODELO, ANONG MODELO NG KATIWASAYAN ANG GAMIT NATIN? ITO BA’Y TALAGANG SA BANDANG HULI, ITONG ATING NILULUNOK, SA BANDANG HULI, ITO BA AY KATIWASAYAN AT PAG-UNLAD? O BAKA KAPAHAMAKAN?

Sana maging mapanuri ang buong bansa sa pakikinig sa inyong taga-Casiguran. Mabuksan na sa atin. Hindi lang ito usapin ng APECO. Marami pang usaping kaharap ng bansa. Laging sinasabi para sa prorgeso, katiwasayan. Tanong natin lagi: ANO BA ANG KAUNLARAN NA NAGPAPAKILOS SA ITINATAGUYOD NA ITO? O BAKA MGA HIRAM NA LARAWAN NG KATIWASAYAN? BAKIT HALIMBAWA ANG DAMING TAO, PAGKA SABADO, LINGGO, LONG WEEKEND, AALIS SA SIYUDAD, PUNTA SA TAGAYTAY, PARA MAKALANGHAP NG SARIWANG HANGIN? E BAKIT SARIWANG HANGIN DUDUMIHAN PA? HINDI BA PAG-UNLAD NA MALINIS ANG HANGIN, MAY BERDE PA NA MAKIKITA? ANG HILING KO: TANGHALIAN SANA SARIWANG SAPSAP, HINDI YAN MAIPAGPAPALIT SA EAT-ALL-YOU-CAN! Saan ba ang progreso?!

Sana ang tinig ng mga taga-Casiguran, maging daan para sa examination of conscience. Kagat ng kagat, kapit ng kapit sa modelo ng pag-unlad, hindi naman bagay sa atin, at hindi naman pag-unlad ang ibibigay sa atin. Sa inyo pong mga pakiusap na makatulong ang simbahan: ibig ko ibalita sa inyo. Noong nakatapos lang na pulong ng Obispo ng Pilipinas, ipinakita sa amin ang DVD tungkol sa sitwasyon sa Casiguran. At talagang ang mga Obispo ay naantig. Nagsabi na… ang makakaya naming gawin ay aming pagsisikapang gawin para matulungan. Ang inyo pong concerns, mga alalahanin, maipaabot hindi lang sa president, kundi maski sa malawakang mamamayang Pilipino! Ako po sa sariling pamamaraan… magsisikap lalo sa ginamit na kataga, ito ay kilos ng pag-ibig, ito ay kilos na mapayapa, at hindi marahas. Ito ay kilos ng pagmamahal sa pamilya, sa lupa, sa dagat, sa yaman ng ating kalikasan. At sana… makinig ang buong bansa.

Pero aaminin ko sa inyo. Hindi laging pinakikinggan ang tinig ng pag-ibig. Ang simbahan din po malimit hindi pinakikinggan. Huwag kayo matamlay… sama-sama ho tayong maglakbay! At kung sakaling hindi tayo pakinggan, hindi kayo nag-iisa. Marami po tayo. At panahon po ng adviento. Tinig sa ilang si San Juan Bautista, walang nakinig. Halos nalamon ng kalawakan. Pero di nila alam maski sa nagpaputol kay San Juan, nakikinig ang Dios. At ang tinig ng Dios naging tao at hari ng sanlibutan. Ang tinig ng nagmamahal, magkakaroon ng katuparan sa ating panahon.

Kami ang nagpapasalamat sa inyo. Bigyan kayo ng lakas ng katawan, tibay sa kalooban sa ATING paglalakbay.

Prepared by Task Force Anti-APECO.

http://www.facebook.com/notes/laban-para-sa-casiguran-no-to-apeco/solidarity-statement-of-cardinal-luis-chito-tagle-to-the-casiguran-marchers/488583011186803

[Appeal] Panawagan para sa kalayaan ni RODELIO “DONDON” LANUZA, OFW on Deathrow, KSA -Barya Mo Buhay Ko

Panawagan para sa kalayaan ni RODELIO “DONDON” LANUZA, OFW on Deathrow, KSA -Barya Mo Buhay Ko

Pamilya ni Rodelio “Dondon” Lanuza, kasama ng kanyang mga tagasuporta, ay patuloy na nananawagan sa gobyernong Aquino at sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo na siya ay tulungan na mailigtas sa bingit ng kamatayan.

Magugunita na si Dondon Lanuza ay namasukan bilang Draftsman ng Aramco sa Saudi sa edead na 22 anyos. Noong Agosto 10, 2000, sa edad na 25, siya ay nakulong sa salang pagpatay sa isang arabong kasamahan sa trabaho na nagtangkang gawan siya ng masama. Siya ay nahatulan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagputgot sa kanyang ulo. Noong Febrero 11, 2011, sa tulong ng Saudi Reconciliation Committee, si Dondon Lanuza ay nagawaran ng kapatawaran ng pamilya ng kanyang napatay kapalit ang 3M saudi riyals o humigit kumulang 35M pesos na blood money.

Sa tulong ni Mrs. Loida Lewis, isang Fil-American Philantropist, ay nakalikom na ng halagang 10.4M pesos. Sa kasalukuyan, patuloy ang apela ni Dondon Lanuza at nang kanyang ina na mapunuan ang kakulangan sa nasabing blood money. Narito ang liham apela ng kanyang ina:

Sa aking mga Kababayan,

Ako po si Mrs. Letty Celestino Lanuza, nanay ni Rodelio “Dondon” Lanuza, na ang kalayaan ay malapit nang makamtan matapos ang labing dalawang taon sa bilangguan sa Saudi. Subalit ang kanyang kalayaan ay nanganganib kapag hindi nabuo ang blood money.

Ako po ay labis na nangangamba na ang lahat ng suporta, tulong pinansyal at panalangin ng mga tao ay mabalewala lamang kung siya ay tuluyang masentensiyahan. Nanawagan po ako sa Pangulong Noynoy Aquino at Pangalawang Pangulo Jejomar Binay na kami po ay tulungang maisalba ang buhay ng anak ko. Nananawagan din po ako sa aking kapwa Pilipino sa buong mundo. Bawat segundo po ay mahalaga para buhay ng aking anak. Nakikiusap po ako sainyo na patuloy ninyo siyang tulungan.

Maraming salamat at nawa’y pagpalain kayo ng Poong Maykapal.
Narito naman ang mensahe ni Dondon Lanuza:

Labing dalawang taon na ang nasayang sa aking buhay, labing dalawang taon na puno ng pagdurusa sa loob ng kulungan. Hindi ko inakalang ganito ang aking magiging kapalaran. Dinaranas ko ngayon ang bunga ng aking nagawa. Ipinagtanggol ko lamang ang aking sariling dignidad at buhay. Bawat segundo ng aking buhay ay taos puso akong nanalangin na ako ay mapatawad ng pamilya ng aking napatay. Labing dalawang taon na puno ng pag-asa na isang araw ako ay makakalaya at mapakapag simulang muli ng bagong buhay.

Dalawangpu’t limang taong gulang lamang ako nang makulong. Nasayang ang aking buhay, mga ambisyon at pangarap. Napunta ako sa maling lugar at pagkakataon. Kung alam ko lang na ganto ang aking sasapitin, sana hinayaan ko na lang na ako ay abusuhin. Pero kahit naman sinong taong nalagay sa alanganin ay talagang ipagtatanggol din ang kanyang sarili sa kapahamakan.

Dalangin ko sa Diyos na ako ay bigyan pa ng isang pagkakataon na mabuhay ng Malaya kapiling ang aking mga mahal sa buhay. Ako ay patuloy na nananalangin at kumakapit sa Diyos na isang araw makikita kong muli ang liwanag ng bagong pag-asa.

Muli po akong nagmamakaawa na ako ay tulungan mailigtas sa parusang kamatayan. Tulungan ninyo po akong mapunuan ang blood money. Maawa po kayo sa akin at sa aking pamilya. Sapat na ang labing dalawang taon para pagbayaran ko ang aking nagawang paglabag sa batas ng Saudi.

Ako at ang buong pamilya ko ay taos pusong nagpapasalat sa lahat ng sumuporta at patuloy na sumusuporta sa akin at sa lahat po na nagdadasal para sa aking kaligtasan. Nawa po ay huwag kayong magsasawa na ako ay tulungan. Diyos na po ang bahalang gumanti sa inyong kabutihang loob.

Maaari po lamang na ihulog ang inyong mga donasyon sa:

For more details see https://www.facebook.com/photo.php?fbid=368851999874283&set=a.102458226513663.3896.100002484577097&type=1

Iboto ang iyong #HRPinduterosChoice para sa HR CAMPAIGN.

Ang botohan ay magsisimula ngayon hanggang sa 11:59 ng Nov 15, 2013.

Ikaw para kanino ka pipindot? Simple lang bumoto:
• i-LIKE ang thumbnail/s ng iyong mga ibinoboto sa HRonlinePH facebook, i-share at ikampanya.
• Bisitahin ang post sa HRonlinePH.com (links sa bawat thumbnail) at pindutin ang button sa
poll sa ilalim ng bawat nominadong post.
• Most number of the combined likes sa FB at sa poll buttons ang magiging 3rd HR Pinduteros
Choice na kikilalanin sa 2013 HR week celebration.

Makiisa sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa karapatang pantao. Pindot na!

WHAT IS 3RD HR PINDUTEROS CHOICE AWARDS? https://hronlineph.com/2013/10/01/3rd-human-rights-
pinduteros-choice-awards/

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Statement] Martsa para sa Alternatibong Ekonomiya -FDC

Martsa para sa Alternatibong Ekonomiya

Sa Hulyo 23, 2012, sa ikatlong SONA ni Pangulong Benigno Aquino III, magmamartsa kami patungong Batasan. Dala namin ang panawagan para sa pagkakaroon ng alternatibong ekonomiya, kapalit ng pahirap na sistema ng neoliberalismo.

Ang alternatibong ekonomiya, para sa amin, ay ekonomiyang ang pag-unlad ay pakikinabangan ng lahat. Hindi gaya ng neoliberalismo ngayon na sadlak sa kahirapan ang marami sa kabila ng sinasabing “growth.”

Kaya anumang palamuti ang gawin ni P-Noy sa kanyang platapormang “inclusive growth,” hindi ito maramdaman ng mga Pinoy dahil hindi ang masa kundi may-ari ng mga korporasyon ang nakikinabang dito. Halimbawa, mula 2003 hanggang 2009 ay umunlad ang ekonomiya ng average na 4.8%. Pero ang bilang ng mahihirap ay nadagdagan pa, mula 19.8 milyon hanggang 23.1 milyon. Ayon sa pag-aaral, kalakhan ng paglago ng GDP na ito ay napunta sa mga korporasyon na umabot ng P3 trilyon kumpara sa PhP2.4 trilyon na napunta sa pamilyang Pilipino.

Sa katunayan, ang pinagsamang kita ng Top 40 Filipino billionaires ay umaabot ng US$47 bilyon o katumabas ng P2 trilyon. Halos kapareho na ito ng proposed National budget para sa 2013. Samantalang ang kita ng isang pamilya nasa bottom 30% ng ating populasyon ay umaabot lang sa P5,200 kada buwan, o P173 kada araw. Ni hindi ito kasya para makakain ng sapat ang isang pamilya.

Ang hindi pantay na hatian o distribusyon ng yaman ang totoong problema kung bakit nananatili ang kahirapan kahit na sagana ang istatistika ng “kaunlaran.” Ang kasalukuyang 6% na GDP, kung gayon, ay walang saysay kung hindi rin papatak o paunti-unti lang darating sa kamay ng masa. At ang sistema ng neoliberalismo – na kinakatawan ng mga patakarang pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon, ang nagtitiyak na anumang ang pag-unlad ng lipunan ay nasa kontrol ng pribadong sektor.

Pasan ng masang Pilipino ang bigat ng mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo dahil sa pribatisasyon at deregulasyon. Dama ng lahat ang kawalan ng trabaho dahil ang estratehiya ng pamahalaan ay “private-led growth” – sa pribadong sektor magmumula ang trabaho, foreign investors ang magdadala ng trabaho. Makikipartner na lang ang gubyerno sa kanilang intensyon sa pamamagitan ng PPP o public-private partnership ni P-Noy. Sa katunayan, nagpautang pa tayo sa International Monetary Fund (IMF) para sagipin ang mga bangko ng Europa sa halip na gamitin ang pondo sa sariling programa.

Dahil sa pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon, walang nabuong programa sa industriyalisasyon ang mga nagdaan at kasalukuyang administrasyon. Resulta: Kawalang trabaho. Kalahati ng labor force ay nabubuhay sa sariling sikap o para-paraan. Maging agrikultura ay ibinukas sa liberalisasyon. Ang land development sa mga syudad ay mas inilalaan sa pribadong ispekulasyon sa halip na gamitin sa socialized housing. Resulta: Kagutuman at kawalang tirahan sa milyon-milyong Pilipino.

Pero dahil sa tingin ng mga dayuhan at mga local partner nila dito ay hindi pa sapat ang liberalisasyon ng bansa, muli na naman nilang itinutulak ang cha-cha o Charter change ngayon. Muli tayong lulutuin sa sariling mantika na ginamit na sa atin mula pa noon.

Magsisimula at matatapos ni P-Noy ang kanyang SONA sa Lunes na walang aaminin at itutuwid sa mga pagkakamali ng neoliberal na sistemang ipinatutupad niya hanggang ngayon. Ipagmamalaki na naman niya ang “nakakagulat” na pag-unlad ng ekonomiya, ang tagumpay ng kanyang kampanya laban kay Gloria at Corona, at mangangakong palalawakin pa ang kanyang panawid-gutom na programa sa CCT.

Kung ito din lang ang paulit-ulit nating maririnig kada taon, tapos na ang anim na taon ni P-Noy ay wala tayong makikitang bagong landas ng pagsulong.

Kaya tuloy ang protesta. Ang alternatibong ekonomiya ay makakamit sa nagpapatuloy na paglaban sa neoliberalismo at sa mga pahirap na patakaran nito na pribatisasyon, deregulasyon, liberalisasyon, murang pasahod at kontraktwalisasyon. -30-

* Unity Statement of various groups that will hold a 7,000-strong protest, dubbed “Martsa para sa Alternatibong Ekonomiya,” on Monday, 23 July 2012, the day Pres. Benigno S. Aquino III will deliver his 3rd State of the Nation Address. Joining this protest are members of Freedom from Debt Coalition (FDC), Nagkaisa (a coalition of 45 national labor organizations including Trade Union Congress of the Philippines, Federation of Free Workers, Alliance of Progressive Labor, Partido ng Manggagawa, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, etc.), Kampanya para sa Makataong Pamumuhay (KAMP), Stop the War Coalition, Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA), Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), Sanlakas, Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KPD), Alab Katipunan (AK), Katarungan, Pandayan, BISIG, Youth Against Debt (YAD), and other people’s and non-government organizations.

http://www.fdc.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=603%3Amartsa-para-sa-alternatibong-ekonomiya&catid=38%3Aadvocacies&Itemid=88

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.