[In the news] Freedom of Information (FOI) bill, namimiligrong mamatay pagsapit ng Disyembre -GMANews

Freedom of Information (FOI) bill, namimiligrong mamatay pagsapit ng Disyembre
GMANews
October 9, 2012

Aminado ang pangunahing may-akda ng kontrobersiyal na Freedom of Information (FOI) bill, na hanggang sa Disyembre na lamang ang pag-asa niyang maipapasa ang naturang panukalang batas na pinaniniwalaang makatutulong para magkaroon ng transparency sa gobyerno.

“’Pag hindi papasa on third reading ang FOI before Christmas break in both chambers Senate and the House (of Representatives), wala na. Kasi kung pumasa ‘yan sa isang chamber, wala pa rin. Dapat pareho, both chambers,” paliwanag sa media ni Quezon Rep. Lorenzo Tañada III nitong Martes.

Sa legislative calendar ng Kamara, nakatakdang magbakasyon ang Kongreso para sa paggunita ng Undas simula Oktubre 20 hanggang Nobyembre 4, 2012.

Magpapatuloy ang sesyon ng Kongreso sa Nob. 5 hanggang Disyembre 21, 2012. Kasunod nito ay magbabakasyon muli ang mga mambabatas para sa Christmas break na magsisimula sa Dec. 22 na tatagal hanggang January 20, 2013.

Ngunit sa pagbabalik ng sesyon sa Enero 21, 2013, tatagal lamang ito ng tatlong linggo para muling magbakasyon simula February 9 hanggang June 2, 2013, dahil na rin sa idaraos na halalan sa Mayo 2013.

Read full article @ www.gmanetwork.com

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s