RH bill, hindi tungkol sa sex at relihiyon, ayon kay Rep. Lagman
GMANews
July 28, 2012

Sa harap ng mga prayer vigil na isasagawa ng Simbahang Katoliko laban sa pagpasa ng Reproductive Health (RH) bill, muling iginiit ng isang kongresista ang pangangailangan na maisabatas ang kontrobersiyal na panukala.

Sa isang pahayag nitong Sabado, binigyan-diin ni Albay Rep. Edcel Lagman, awtor ng RH bill, na hindi usapin tungkol sa relihiyon o pakikipagtalik ang isinusulong niyang panukalang batas.

“RH (bill) is not about sex and religion, it is about health, human rights and sustainable human development,” paliwanag niya.

Una rito, nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na magsagawa ng mga prayer vigil bago sumapit ang Agosto 7, ang araw na dedesisyunan ng Kamara de Representantes kung itutuloy o pagpapahingahin na ang pagtalakay sa kontrobersiyal na panukala.

Mariing tinututulan ng Simbahan ang naturang panukalang batas na nagsusulong paggamit ng artipisyal na paraan ng pagpaplano ng pamilya o paggamit ng mga contraceptive at iba pa.

Sa ipinalabas na pahayag ni Lagman, umaasa siyang didinggin din sa dasal ang umano’y daing ng kababaihan tungkol sa problema sa kanilang kalusugan, unwanted at teenage pregnancies at laganap na kahirapan na kasama umano sa nais matugunan sa RH bill.

God will listen to prayers which elevate human life and development, and not to supplications which denigrate people’s quality of life and children’s advancement,” ayon sa kongresista.

Read full article @ www.gmanetwork.com

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

  1. To our respectable lawmakers,
    please vote on the RH BILL with our RIGHT, TRUE, and MORAL CONSCIENCE grounded on ,man’s relationship to God.

    BAROT, Thyron Anthony D.
    2 POL 1
    University of Santo Tomas

    Like

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading