Tag Archives: Kamara

[In the news] Pinuno ng DOH, nanawagan sa Kamara na ipatupad ang RH bill -GMANews

Pinuno ng DOH, nanawagan sa Kamara na ipatupad ang RH bill
August 13, 2012

Nanawagan si Department of Health (DOH) Secretary Enrique Ona nitong Lunes sa mga miyembro ng Kamara sa mabilisang pagpapasa sa panukalang reproductive health (RH) bill upang masolusyunan ang patuloy na pagdami ng mga ina na namamatay sa kanilang panganganak.

Sa naganap na 2013 budget hearing ng DOH, inamin ni Ona na sa huling 10 taon, “limitado” lamang ang progresong naisagawa ng gobyerno upang masolusyunan ang maternal mortality rate at sa pagpukaw sa kaalaman ng publiko sa iba’t ibang pamaraan ng family planning.

“Maternal deaths are highly preventable. Reducing maternal deaths will require this critical legislation… I think I do not have to belabor that anymore,” kanyang inihayag sa pagdinig nitong Lunes.

Ayon sa kanya, mula sa tala ng DOH, napag-alamang tumaas sa 221 ang maternal mortality rate ng bansa sa bawat 100,000 nanganak noong nakaraang taon, kumpara sa 162 noong 2009.

Nag-apela muli si Ona sa pagpapasa ng RH bill, na kilala rin bilang House Bill 4244, isang linggo matapos magdesisyon ang Kamara na tapusin ang pagdedebate tungkol sa isyu.

Read full article @ www.gmanetwork.com

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[In the news] RH bill, hindi tungkol sa sex at relihiyon, ayon kay Rep. Lagman -GMANews

RH bill, hindi tungkol sa sex at relihiyon, ayon kay Rep. Lagman
GMANews
July 28, 2012

Sa harap ng mga prayer vigil na isasagawa ng Simbahang Katoliko laban sa pagpasa ng Reproductive Health (RH) bill, muling iginiit ng isang kongresista ang pangangailangan na maisabatas ang kontrobersiyal na panukala.

Sa isang pahayag nitong Sabado, binigyan-diin ni Albay Rep. Edcel Lagman, awtor ng RH bill, na hindi usapin tungkol sa relihiyon o pakikipagtalik ang isinusulong niyang panukalang batas.

“RH (bill) is not about sex and religion, it is about health, human rights and sustainable human development,” paliwanag niya.

Una rito, nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na magsagawa ng mga prayer vigil bago sumapit ang Agosto 7, ang araw na dedesisyunan ng Kamara de Representantes kung itutuloy o pagpapahingahin na ang pagtalakay sa kontrobersiyal na panukala.

Mariing tinututulan ng Simbahan ang naturang panukalang batas na nagsusulong paggamit ng artipisyal na paraan ng pagpaplano ng pamilya o paggamit ng mga contraceptive at iba pa.

Sa ipinalabas na pahayag ni Lagman, umaasa siyang didinggin din sa dasal ang umano’y daing ng kababaihan tungkol sa problema sa kanilang kalusugan, unwanted at teenage pregnancies at laganap na kahirapan na kasama umano sa nais matugunan sa RH bill.

God will listen to prayers which elevate human life and development, and not to supplications which denigrate people’s quality of life and children’s advancement,” ayon sa kongresista.

Read full article @ www.gmanetwork.com

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.