[In the news] OFW na napinsala ang katawan dahil sa aksidente, humihingi ng tulong para makauwi sa Pinas -GMA News
OFW na napinsala ang katawan dahil sa aksidente, humihingi ng tulong para makauwi sa Pinas
February 7, 2012
Nanawagan ng tulong sa pamahalaang Aquino para makauwi na sa Pilipinas ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Jeddah, Saudi Arabia na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan matapos makuryente.
Sa panayam ng GMA News, sinabi ni Alfredo Salmos, 53-anyos, tubong Nueva Ecija, na mahigit isang taon na siyang naghihirap sa kanyang kalagayan mula nang makuryente sa kanyang part-time job.
Ayon kay Salmos, nahihiya na siya sa mga taong naabala niya na tumutulong at nag-aalaga sa kanya. Dahil sa aksidente ay nagdikit ang ilang bahagi ng balat sa kanyang katawan kaya hindi na siya makakilos ng maayos.
Read full article @ www.gmanetwork.com