[Right to love, Right now] Article 31: The Right to LOVE
Dear readers,
Madalas sabihin, madalas igiit, ang sinasabi ng marami. “Tao ako… karapatan kong magmahal at mahalin…”
Naitanong n’yo na na ba sa inyong sarili kung may sinasabi ang UDHR hinggil sa right to love?
Well, let’s see… kung ano ang masasabi natin sa ilan sa mga natatanggap nating mga liham hinggil sa komplikasyon ng puso. Nais naming kayong anyayahang bigyang linaw ang mga usapin ng puso bago pa man ito umabot sa United Nations at i-assert ang universality ng the right to love… at singilin ang mga estado hinggil sa respect, protection at fulfillment ng karapatang ito. Karapatan nga ba ito?
Kaya naman naisip natin na maglaan ng isang segment hinggil sa naglulumikot na isyung ito.
Dear readers, sadya ngang nakakalito, maging ako ay pinaisip nito… kaya pala may mga FB account na ang relationship status ay “complicated.” In a relationship ngayon, maya-maya ay single na. Ano ba talaga?
Inaanyayahan namin kayong bagtasin ang isyu ng puso, ang isyu ng abstraktong mundo ng pag-ibig.
Heto ang isa sa mga liham na ating natanggap…
Dear Ms Right,
Nahagip ko po ang inyong website habang nag-susurf sa internet, at nalaman ko po na kayo ay advocate ng Human Rights. Nais ko lang pong ibahagi ang aking kwento at humingi ng payo na base sa aral sa karapatang pantao.
Ito po ang aking maikiling kwento.
Ako po ay lalaki na may gulang na dalawangpu’t walo, limang taon ng may asawa at may dalawang anak, 1 year old at 5 years old. 2 years ago po may nakilala po akong isang babae na pitong taon ng may kasintahan, kami po ay nagkamabutihan at umibig sa isa’t isa. Dalawang taon po kaming nagkaroon ng lihim na relasyon. Dalawang taon po kaming naging masaya at sa sobrang saya ay para kaming nakalutang sa ulap kapag kami ay magkasama. Siya na po ang gusto kong makasama habang buhay.
Hangang pumasok ang bagong taon 2012, ako po ay nakatanggap ng SMS galing sa kanya na ang aming relasyon ay aksidenteng nalaman ng kanyang kasintahan. Tinangap po sya at ang kanyang nagawang kasalanan ng kanyang kasintahan, at sya din naman po ay nakapagdesisyon na itigil na ang aming relasyon. Sabi nya po ay ayusin ko na lang daw po ang aking pamilya.
Kasalanan po ba ang umibig at maging masaya? Bakit po hindi na pwedeng umibig ang taong may pamilya na? Hindi ko po ba karapatang umibig at ibigin at hanapin ang kaligayahan?
Itago natin ang nagpadala ng liham sa pangalang “Loverboy palaboy.”
Well readers… inaanyayahan ko kayong tulungan si Loverboy palaboy na mapayuhan. Well what can you say?
humihingi ng inyong mga comments, right love-right now! Libre ang magpayo.
Lovingly your’s,
Miss Right



![[Press Release] Envi group says PBBM order to inspect Manila Bay dredgers ‘long overdue’ | ATM](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/611266739_857788566880357_613411987971048784_n.jpg?w=1024)
![[Statement] Ninja Van riders’ reinstatement, a boost to platform workers’ rights | CTUHR](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/613613978_1305637741609830_7278802790473352916_n.jpg?w=1024)
![[Press Release] Teachers welcome bigger education budget but decry lack of pay increase | TDC](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2015/06/photo-by-arnel-tuazon.jpg?w=960)
![[Press Release] “Reduce Waste at Home, Make Zero Waste A Daily Habit” | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/zw1.png?w=1024)
Leave a comment