[Tula/Blog] Lubog sa Putik – MatangApoy.blogspot.com

LUBOG SA PUTIK
ni Gregorio V. Bituin Jr.

ilang bahay pa ba ang dapat mabaon sa putik
upang matanto nating dapat kumilos ang masa?
ilang buhay pa ba ang maibabaon sa putik
kung wala tayong magawa sa nagbabagong klima?

lubog sa putik ang mga bayan dahil sa unos
na biglaang dumatal at sa buhay ay tumapos

ilang taon pa ba bago mapaghilom ang mundo
mula sa sakit nitong sa t’wina’y nararanasan?
ilang tao pa ba ang kailangan natin dito
upang mawatasang kapitalismo ang dahilan?

na sa bawat pagbuga ng usok sa himpapawid
butas ang ozone layer na sa mundo’y nagpainit

paano nga ba natin hahanapin sa putikan
ang mga inilubog ng mga bagyong dumatal?
paano ba natin hahalukayin sa isipan
ang matatamis na araw na kapiling ang mahal?

Rosing, Milenyo, Ondoy, Pepeng, Pedring, Quiel, Sendong
ilang pangalan itong sa atin nga’y dumaluyong

kailan magiging seryoso ang pamahalaan
upang paghandaan ang mga unos pang darating?
kailan magiging totoong seryoso ang bayan
upang harapin ang hamon ng daratal pang lagim?

ikaw, ‘igan, wala ka bang paki’t pahilik-hilik?
paano kung bahay mo na ang lumubog sa putik?

Ipinaskil ni matang apoy noong 12/19/2011
http://matangapoy.blogspot.com/2011/12/lubog-sa-putik.html

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.