Ang karapatang pantao ay pagmamay-ari ng lahat ng tao.

Iyan ang diwa ng universality of human rights. Sa panahong ito kung saan sinasabing nagtapos na ang pang-aalipin, diktadura, at pagtatangi-tangi ng lahi, tila hindi pa rin naaabot ng Pilipinas ang universality ng karapatang pantao. Unang-una, kahit nasa ilalim na ng repormistang administrasyon ni Noynoy Aquino ang Pilipinas, patuloy pa rin ang mga kaso ng extrajudicial killings, pagpatay sa mga mamamahayag, warlordism, at marahas na demolisyon sa mga maralitang komunidad. Pangalawa, ang diskriminasyon ng lahi, ideolohiya, relihiyon, at oryentasyon ng kasarian. At pangatlo at higit na nakaaapekto sa marami ay ang pagkait sa karapatan sa edukasyon, pabahay, kalusugan, at trabaho.

Isang malaking hamon tuloy para sa mga grupong nagsusulong ng karapatang pantao ang pagtataguyod nito. Kaya marahil itinayo ang HRonlinePH.com, ang kauna-unahang news aggregator hinggil sa karapatang pantao sa Pilipinas.

Pormal na inilunsad nito lamang Disyembre 1, ang HRonlinePH.com ay nagsimula noong unang mga buwang ng 2011 bilang isang blog sa WordPress kung saan nangangalap ito ng mga press release at news items mula sa iba’t ibang publikasyon at organisasyon na may kaugnayan sa karapatang pantao. Kagaya ng konsepto ng news aggregator na Philippine Online Chronicles, ipinapakita nito ang iba’t ibang pananaw hinggil sa balita dahil sa pamamaraan nito ng aggregation.

Higit sa lahat, hindi pag-aari ng iisang tao, grupo ng tao, o organisasyon ang HRonlinePH.com. Kagaya ng WikiPilipinas, collaborative o pinagtutulung-tulungan ng mga komunidad ng mga netizens ang proyektong ito. Hindi rin sakop ng copyright ang website na ito kaya’t mas madaling ikalat ang impormasyon hinggil sa karapatang pantao na nilalaman nito. Dahil dito, ang HRonlinePH.com ay nakaaambag sa bukas at malayang pagdaloy ng impormasyon sa Pilipinas na siyang nararapat upang bigyang kapangyarihan ang mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng napapanahon at mahahalagang impormasyon.

Kung ang karapatang pantao ay pagmamay-ari ng lahat ng tao, gayundin dapat ang impormasyon. Ito ang isinusulong ng HronlinePH.com, isang website na pag-aari ng lahat ng Pinoy

Karapat-dapat bang maigawad sa HRonlinePH.com ang 2011 WikiPinoy of the Year? Kung oo, iboto siya rito (huwag kalimutang i-add ang WikiPilipinas Org sa Facebook).

Read more @ http://fil.wikipilipinas.org

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading