Gabay sa lokal na pagsubaybay at pagdodokumento sa mga lugar na apektado ng malakihang pagmimina.

Sa kasaysayan ng malakihang pagmimina sa bansa, makikitang tuwing papasok ito sa komunidad, kadalasan ay tumataas din ang bilang ng mga paglabag sa karapatang pantao.

Makikita ang mga paglabag na ito mula sa pagkumbinsi sa mga residenteng pumayag sa operasyon ng mina, sa reaksyon ng kumpanya at ng gobyerno sa mga pagtutol, at hanggang sa mga pagkasira at trahedyang dulot nito.

Sa ganitong sitwasyon, dapat ipagtanggol at ipaglaban ng mga residente at mga sumusuportang grupo ang kanilang mga karapatan sa iba’t ibang larangan at paraan.

Ngunit bago makapaglunsad ng mga kampanya o makapagsampa ng reklamo o kaso, kailangang makaipon ng mga impormasyon at ebidensya upang maging epektibo ang mga susunod na hakbang.

Kaya dapat bigyang importansya ng mga organisasyon ng mamamayan at sumusuportang grupo ang gawaing pagsubaybay at pagdodokumento. Nakasalalay dito ang pagkakaroon ng mga datos at mga ebidensya ng paglabag.

Read full article @ philrights.org

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading