Media malaki ang naitutulong sa pagsugpo ng krimen — CHR
by People’s Tonight

INAMIN ni Commission of Human Rights (CHR) Chairman Loretta Ann Rosales na malaki ang naitutulong ng media sa pagsugpo ng krimen at anomalya partikular na sa paglalantad ng mga ito ng mga katiwaliang nagaganap.

Sa ginanap na Communication and News Exchange (CNEX) Forum ng Philippine Information Agency (PIA), binigyang-diin ni Rosales na malaki ang bahaging ginagampanan ng media upang mabawasan ang anomalya sa bansa.

Ayon kay Rosales, sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng media sa mga maling gawain ng mga nanunungkulan sa gobyerno ay nababawasan din ang gumagawa ng anomalya sa kanilang trabaho.

Samantala, idinagdag pa nito na dapat na pursigihin ng Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang “internal reforms” upang matigil na ang mga maling gawain sa kanilang hanay.

Read full article @ www.journal.com.ph

One response to “[In the news] Media malaki ang naitutulong sa pagsugpo ng krimen — CHR – www.journal.com.ph”

  1. […] [In the news] Media malaki ang naitutulong sa pagsugpo ng krimen – CHR – http://www.journal.com... (hronlineph.wordpress.com) […]

    Like

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading