Mga kaibigan at kasama sa pagtataguyod ng karapatan ng mga katutubo at kalikasan,

Pagbati ng kapayapaan mula sa ECIP National Secretariat!

Ang Episcopal Commission on Indigenous Peoples (ECIP) ay isang komisyon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na katuwang ng mga kapatid nating katutubo sa halos apat na dekada na.  Pangunahin na adhikain ng aming komisyon ay ang pagtataguyod sa mga karapatan ng mga katutubo, pangangalaga sa kanilang lupaing ninuno at para sa kanilang sariling-pagpapasya.

Sa darating na buwan ng Oktubre kung saan ipagdiriwang ng simbahan ang taunang Linggo ng Katutubong Mamamayan (Indigenous Peoples Sunday) sa ikalawang Linggo ng nasabing buwan, ay nagbabalak na magkaroon ng isang pagsasama-sama  ng mga sumusuporta sa mga katutubo at kalikasan sa pamamagitan ng pagbibisikleta.  Pansamantalang tinaguriang “Padyak Pakikiisa Para sa Karapatan ng mga Katutubo at Kalikasan (PPP-KKK)”, ito ay nakatakdang ganapin sa Oktubre 8-9, 2011. Binabalak din na magmumula ang mga kalahok  sa iba’t-ibang panig ng Luzon  at magsisimulang pumadyak  sa San Fernando City, Pampanga hanggang makarating sa Katedral ng Antipolo City, Rizal.

Sa ganitong kadahilanan, kami po ay nag-aanyaya para sa isang paunang pagpupulong ng mga lider/kinatawan ng mga grupo o organisasyon at indibidwal na nagbibisikleta na susuporta sa nasabing pagdiriwang upang pag-usapan ang magiging detalye ng gagawing pagpadyak.  Ang pagpupulong  ay nakatakda sa Huwebes, Hulyo 7, 2011, mula ika-5 ng hapon hanggang ika-8 ng gabi dito sa aming opisina – Ground Floor, CBCP Bldg.,  470 Gen. Luna St., Intramuros, Manila.  Pamumunuan ang pagpupulong ng tagapangulo ng ECIP na si Arsobispo Sergio L. Utleg, D.D.

Sa mga nais dumalo at sa iba pang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa ECIP National Secretariat sa telepono:  5274062/5274155, cp: 09163071469, o sa e-mail: ecipns@yahoo.com.ph.

Umaasa sa inyong pagdalo at aktibong pakikilahok,

Gumagalang,

TONY  ABUSO
Tagapag-ugnay

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading