[Isyung HR] Bawal mag-WALA! Hindi nakakatawa!

By Mokong and the gang

May isang mokong na nagtanong, “walang isyung HR nung nakaraang linggo?

Opo, nawala po ang inyong mokong na lingkod dahil nakiisa sa mga biktima ng sapilitang pagkawala. Hahaha!

Bawal Magwala! Tatak ito ng T-Shirt na ipinamigay ng FIND ilang taon na ang nakakaraan. Double meaning, tumutukoy sa pagiging bawal ng sapilitang pangwawala o pandurukot sa anumang dahilan at sa pagwawala o panggugulo.

Sa mga nakaraang Linggo, napuna kong usong-uso ang pag-WAWALA. Tingnan niyo…

Dahil sa nakaWALA si Leviste – WALA na sa BuCOR si Diokno

File photo source philippinenewsdaily.com

Dahil sa nakawala si Leviste sa kulungan ng NBP, sapilitang wala na sa pusisyon si Diokno.  At nanganganib pa ang malawakang mawawala sa pusisyon sa BuCor.

Para sa kanila wala lang ang mga pangyayaring ito dahil WALA naman bago rito.

Matagal na ang kalokohang iyan! Hahahaha!

Bishop parang WALA lang, Pacman NAG-WALA dahil sa RH Bill
NAWALA sa sarili ang isang bishop sa isang RH debate sa isang Network.  High pitch at wala sa hulog.  NakakaWALA ng respeto. Oops baka naman maexcommunicate kami niyan a.

Matapos magWALANG wenta ni Pacman sa debate sa kongreso, nagsaWALAng paki naman siya nang mabukong gumagamit pala ng pills si Jinky. Parang WALA lang. Pero ang matindi, nagWALA ang mga beki laban kay Mommy Dionisia. Ano ba ‘wag na kasing makihalo. nakakaWALAng gana naman e.

P-Noy sa Enforced Disappearance
WALA pa ring deklarasyon. E parang WALA lang. E WALA naman talaga. Eto ang ‘di sapilitang pang-WAWALA. WALANG adyenda at polisiya. WALAng say. WALA ang Anti-enforced disappearance law sa priority bills.

WALA! WALA! WALA! Kala mo lang meron pero WALA! WALA!WALA!

WALA pa ring hustisya mga biktima ng Ampatuan Massacre
WALA pa ring nangyayari.  WALA pa ring hustisya. NaKAKAWALA sa selda si manong Ampatuan. Ano ba? WALA na bang pag-asa?!

Babala, ang pikon ‘wag MAGWAWALA! Hahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.