
Ang dignidad natin bilang tao ang pinagmumulan ng ating mga Karapatang Pantao. Ito ang pagkilala ng halaga ng pagkatao ng bawat isa sa atin. Samakatuwid, ang pagkakaroon ng mga Karapatang Pantao ang pamantayan ng isang buhay na may dignidad.
Isa ito sa pangunahing gawain ng Medical Action Group (MAG) ang itaguyod at ipagtanggol ang Karapatang Pantao lalo na’t ang karapatan sa kalusugan. At kasama sa gawain na ito ang pagbigay ng serbisyong medikal at sikolohikal sa mga biktima ng paglabag sa Karapatang Pantao at ang kanilang mga kaanak.
Katuwang ng aming gawain sa larangan ng pagtataguyod ng karapatan sa kalusugan, ang paglulunsad ng mga gawaing pang-edukasyon at pagsasanay para sa Karapatang Pantao.
Nilalayon ng babasahin na ito sa porma ng komiks na ipaalam ang tortyur ay isa sa pinakamatinding paglabag sa dignidad ng tao at ang obligasyon ng ating gobyerno na supilin at puksain ang tortyur matapos itong sumang-ayon dahil sa paglagda nito sa Kumbensyon Laban sa Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa (Convention Against Torture and Other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment or Punishment or CAT). Nakasaad din sa Artikulo III, Seksyon 12 (2) ng ating Saligang Batas na ipinagbabawal at mananagot sa batas ang gagamit laban sa sino mang tao “ng labis ng pagpapahirap, pwersa, dahas, pananakot, pagbabanta, o ano pa mang paraan na pipinsala sa kanyang malayang pagpapasya.”
Makakatulong ang ganitong babasahin na maipaalam sa publiko ang mga kaalaman at hakbang upang sugpuin ang tortyur sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Mga Rekomendasyon sa Gobyeno ng Pilipinas ng Komite Laban sa Tortyur (United Nations Committee Against Torture Concluding Observations) noong nag-ulat ang ating gobyerno sa ika-42 sesyon ng Komite Laban sa Tortyur noong 27 Abril-15 Mayo 2009 sa Geneva, Switzerland.
Lubos kami nagpapasalamat sa DKA–Austria upang mapalimbag at maibahagi ang babasahing ito.
Sa tulong nina Edgar Cabalitan ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) at Mercidita de Joya ng MAG, naisalin sa Filipino ang United Nations Committee Against Torture (CAT) Concluding Observations at nailathala ito sa pamamaraan ng komiks.
Kinikilala ng MAG ang mga non-government organizations at human rights groups na bumubuo ng United Against Torture Coalition (UATC)-Philippines na nagtataguyod ng kampanya para sa kalayaan sa tortyur, sa kanilang ibinahagi na kaalaman at mga karanasan upang mabuo ang komiks na ito.
Mabuhay kayo! At maraming salamat.
Petronilo Lenin Pascual, MD
President
Medical Action Group


![[Press Release] Envi group says PBBM order to inspect Manila Bay dredgers ‘long overdue’ | ATM](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/611266739_857788566880357_613411987971048784_n.jpg?w=1024)
![[Statement] Ninja Van riders’ reinstatement, a boost to platform workers’ rights | CTUHR](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/613613978_1305637741609830_7278802790473352916_n.jpg?w=1024)
![[Press Release] Teachers welcome bigger education budget but decry lack of pay increase | TDC](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2015/06/photo-by-arnel-tuazon.jpg?w=960)
![[Press Release] “Reduce Waste at Home, Make Zero Waste A Daily Habit” | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/zw1.png?w=1024)
Leave a comment