Mokong at Mokang is here once again as the sun sets and rises the following day. Mokong ang Mokang will always haunt your Sundays. You know!

Mainit ang mga naging isyu ng nakaraang linggo. Sing-init ng panahon, nakaka-heat stroke. Baybayin natin ang top 5.

5. Kill the Gays Bill in Uganda
Mokang:  Shock ang mga Meki sa isyung ito.
Mokong:  Anong Meki?
Mokang:  Mokong na Beki.
Mokong:  Hindi ‘yan pupwede dito sa Pilipinas.
Mokang:  Tama, dahil haharangin ‘yan ng mga Meki sa kongreso.
Mokong:  At sinuman ang magtatangka ng ganitong panukala ay siguradong aani ng batikos. All Meki in all sections of our society will unite and defend their rights.
Mokang:  Eto naman kasing mga legislators sa Uganda, tyumempo pa sa anti-descrimination campaign ng U.N.
Mokong:  Isyu daw kasi ito ng moral
Mokang:  So immoral ang maging bading at pasado sa moral nila ang pumatay.

4. Killer Highway
Mokang:  May panukala daw na gawing killer highway na ang Commonwealth Ave.
Mokong:  E ganun naman ang tawag sa kanya a.
Mokang:  Pag naisabatas daw ang ispesyal law na ito, bawal na ang hindi pumatay sa highway na ito.  Wala nang mag-dadaan.  E di wala nang mamamatay.
Mokong: ang mga signs na “Bawal tumawid, may namatay na.” ay papalitan ng “Bawal tumawid ang ayaw mamamatay.”
Mokang: Hahaha pwede killer highway nga.
Mokong:  Isang proposal ng mokong na kakilala ko, para maiwasan na daw ang ober-speeding diyan sa killer highway, maglagay na lang ng mga humps.
Mokang:  Agree ako diyan.

3. Mga nominado sa pagka-ombudsman – laksa-laksa!
Mokong:  Balitang balita na 25 daw ang nominated sa pagka-ombudsman.
Mokang:  Ang dami naman.  Bakit kaya?
Mokong:  Itanong mo ‘yan kay Merci.  Hahaha.

2. VIP treatment kay Leviste
Mokang:  Bago pa ba ang isyung ‘yan?
Mokong:  Ang VIP treatment luma na.  Ang bago ay ang pag-aksiyon nila.
Mokang:  Masaya nga ako at nabunyag na ang kalokohang iyan.
Mokong:  Ako nalulungkot.  Kasi may idadahilan nanaman ang Board of Pardon and Parole para i-hold ang processing ng mga for parole. Katamaran.  Hindi daw maproseso ang application ni Mariano Umbrero kasi on-hold sila sa processing.  Ok lang sana kung pwede on-hold din muna ang cancer ng kawawang poltical prisoner.
Mokang:  Baka naman inuuna ang mga VIP.  Very Important kasi may Payment.  Hahaha. Sira ang deskarte nila.

1.Debate at Boksing sa RH Bill
Mokong: Talo daw si pacman sa debate nila ni Edcel Lagman.  Kasi ‘di daw siya nakapagdasal sa corner ng ring bago sumabak sa bakbakan.
Mokang:  Talo daw si pacman sa debate kasi un-fair walang weighing in. E di sana disqualified si Lagman at di na umabot pa sa ganun.
Mokong:  Talo daw si Pacman. Kasi di siya sanay sa debate. Sanay kasi siya sa bidyoke.
Mokang:  Talo daw si Pacman. Kasi hindi muna siya nagsimba bago sumabak sa laban.
Mokong:  Talo daw si Pacman. Kasi si Edcel alam ang boksing, siya hindi niya alam ang interpellation.
Mokang:  Masaya pa rin daw si Pacman. kasi sa totoo daw talo si Lagman.  Kasi kahit manalo siya hindi rin niya masusuot ang championship belt.  Hindi magkakasya. Hahahaha!

O biro lang ang lahat ng ito a.  Ang mapikon ay mapaparusahan sa ilalim ng batas ng Kill the Pikon bill.  Ang parusa death penalty sa pamamagitan ng pagpapalakad sa kahabaan ng killer highway, pag nabuhay ay ikukulong at hindi makaka-avail ng VIP treatment.  ‘Di bale wag mag-alala sa ombudsman ka naman makakasuhan kaya siguradong walang mapaparusahan. Hahahaha!

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading