[Appeal] Bukas na Liham Pagkatapos ng Isang Taong Pamamahala ng Aquino Administration – Save Sierra Madre Network

SAVE SIERRA MADRE NETWORK
69 San Pedro Bautista St.,SFDM, Q.C.
Tel: 373-2973/ Mobile: 0919-8859941/ Email: savesierram@yahoo.com

Bukas na Liham Pagkatapos ng Isang  Taong Pamamahala  ng Aquino Administration
(Ika-15 ng Mayo 2011)

Mahal na Presidente Noynoy:

Tuwang tuwa po kami noong mahalal kayong Presidente ng Pilipinas sa kadahilanang kaming mga nagtataguyod ng Sierra Madre ay makakaasang mapapanumbalik nito  ang  patuloy ng pagbibigay  ng tubig, sariwang hangin at iba pa bilang isang bulubunduking  Nanay  nating lahat.

Napakaganda ng inyong mga salita: “Kayo ang boss”, “Pag walang corrupt – walang mahirap”. Mga salitang tumbok sa situasyon natin. Ngunit pagkatapos ng isang taon ang nakita namin sa Sierra Madre ay business as usual tulad ng nakaraang administrasyon.  Sinasabi namin ito hindi upang siraan kayo. Ang katotohanan ay  hindi  puwedeng takpan ng mga praise releases ng ilan sa iyong mga katuwang. Hindi kayo pinakikinggan ng maraming local na leaders at kawani ng pamahalaan.

Hindi naging priority ng inyong administration ang paglinis ng corruption sa DENR. Ang dami na nating magagandang batas pangkalikasan at napakaganda ng iyong EO 23 – moratorium sa pagpuputol ng kahoy  sa  natural forests  at ang EO 26 na magtatanim ng kahoy sa 1.5 milyong ektaryang lupa  habang nagbibigay ito ng trabaho sa 6 na milyong pamilya. Kaya nga lang  bukod sa wala namang parusa ang lumabag ng EO 23,  bulok ang departamentong nagpapatupad at  pagkakakitaan lamang ang mga proyektong ito tulad ng maraming reforestation projects  sa IPO dam na pinalawak lamang ang pagkakalbo ng bundok para mas maraming pondo ang makuha.

Maganda ang magtanim ng puno at dapat naman ngunit  sa  Sierra Madre tuloy tuloy ang   pagputol ng kahoy at  inilulusot ito  ngayon sa permit na ibinigay ng DENR na pwedeng  ilabas ang mga naputol  bago magmoratorium hanggang Mayo 21, 2011.  Alam namin sa Dinapigue, Isabela; sa Casiguran, Aurora; sa Brgy. Dinadyawan, Dipaculao, Aurora;  sa Dingalan, Aurora gamit na gamit ang permit na ito. Hindi matitigil ang pagputol dahil sa patuloy na sabwatan ng corrupt na DENR, local na pamahalaan at financiers ng logging. Kung makahuli man ang  pamahalaan  kahoy lang ang inaabutan; walang taong nakukulong; walang kawani  na natatanggal; nawawala din  ang mga nahuling kahoy tulad sa Umiray kamakailan.

Noong Mayo 4, 2011 hinuli ng local na pamahalaan ng Casiguran ang 2 trak na fresh cut  na kahoy ng

IDC. Naging tagapagtanggol pa ng IDC ang DENR-local at pinagsabihan pa nito ang mga pari na wala silang karapatang maki-alam. Nagkaisa ang local ng pamahalaan at taong bayan kung kayat kinumpiska ang trak ng pulis.  Inimbistigahan ito ng DENR- National ngunit noong ika-13 ng Mayo  pinarelease ng PENRO Miña ang trak na hindi alam ng DENR-National.  Mukhang di na saklaw ng Pilipinas ang Aurora.

Sa Dinapigue ininspeksyon lamang  ng DENR-National ang  compound ng LUZMATIN. Isang araw lamang ang layo ng inilulusot na  kahoy.  Matagal nang namamahala ang DENR sa kabundukan dapat kilala na nila ang mga  logging companies. Sa bagay kung naging tapat lamang ang DENR sa kanilang tungkulin  mas marami pa tayong gubat –  hindi 3% na lamang sa buong kapuluan.

Ito ang  aming mga karanasan sa DENR: 1) ang fresh cut  ay nagiging luma; 2) naihahabol pemit sa  wala; 3) sa isang text naitatago ang mga illegal; 4)  naipapatalo  ang kaso sa korte; 5) hindi agad inaaksyonan  ang mga  reklamo para di matigil ang pag-ilegal. Marami pang iba – 1001 pamamaraan ito.

Alam po namin, Mahal na Presidente, mahirap labanan ang corruption. Hindi kami umaatras  kahit na madalas kami ay bunot bulsa  lamang  habang inuupuan ng sinusuwelduhan ng  aming  pinaghirapang buwis  ang kanilang tungkulin.  Hindi naman lahat  sila  ganoon  sa DENR dahil may mga  mabubuting tao din dyan – yong iba nga ay nagbuwis na ng buhay . Ngunit malala ang sistema ng corruption sa buong burukrasya na kung isang kawani  ay nagmamatuwid, paralisado  din siya  maliban kung gusto niyang  pag-initan.

Failing Grade  ang aming ibinibigay sa DENR sa  pangangalaga sa Sierra Madre.  May ilang mabuting nagawa ngunit kung titimbangin ay  kulang na  kulang kumpara sa panganib na dulot  ng  climate change.

Alam naming matindi ang pressure sa inyo ng mga kumikita sa Kalikasan. Bukod sa may pera at goons  sila, mainpluensya sa mga local na pamahalaan at sa Kongreso.  May   highway  na pinaplano na kung saan kilometrong gubat magkabila ng highway ang  sisirain sa ngalan ng kaunlaran.  Paliliitan ang mga forest reservations para minahin ang Sierra Madre.

Ang mga sumusunod ay ang aming mga mungkahi sa inyo at sa lahat ng nagmamahal sa Sierra Madre:

1.Unahin ang paglinis ng bulok na burukrasya sa DENR;  ang isang citizens’  independent investigating team  ay makakatulong;

2.Panagutin ang mga local na pamahalaan sa kanilang  ang tungkulin sa Kalikasan  mula sa mga barangay hanggang sa mga lalawigan.  (Wala pang imbistagasyon sa  pagpuputol ng kahoy sa Brgy. Pagsangahan, General Nakar, Quezon na inilathala  Inquirer noong Abril 3, 2011; wala ding sagot sa sulat kahilingan ng mga  taga-Dingalan noong sila ay bahain last year; wala ding aksyon sa  “milagro” ng APECO na nabusisi sa Senado  tungkol sa libong ektaryang kagubatan sa Casiguran na binusisi na Senado).

3.Magkaroon ng kumprehensibong programang pangkabuhayan sa  mga nakatiwangwang na lupa   para sa mga magsasaka at mga katutubo sa Sierra Madre  para di na magalaw  ang natitirang kagubatan.

4.Palitan na ang RED ng Region III, ang PENRO ng Aurora, ang mga CENRO ng Casiguran at Dingalan.

5.Ipasok sa balangkas ng DENR ang mga CSO para magkaroon ng transparency ang DENR. Maging  bukas ang mga dokumento at pasamahin sila sa  mga operations  sagot ng pamahalaan ang kanilang pagkain at pamasahe.

6.Iparamdam  ninyong saklaw ng gobierno ang Sierra Madre. Sa Angat Watershed at sa Casiguran may mga kinakatakutang mga  goons.

7.I-certify ninyong kagyat ang pagpapasa ng Forest Management Bill para maisabatas ang EO 23.

Mahal na Presidente,  Nakasalalay sa gubat ang buhay ng milyong Pilipino at ng susunod na henerasyon.

Huwag kayong matakot sa mga may vested interests. Palalakasin kayo ng  Diyos at ng mga mahihirap.

1.Fr. Pete Montallana , OFM- Save Sierra Madre Network

2.Haribon Foundation

3.NASSA

4.Bro. Martin Francisco –SSMESI

5.Fr. Israel Gabriel -Social Action – Diocese of Infanta

6.Sr. Angie Villanueva, r.c. –JPICC-AMRSP

7.Sr. Elizabeth Carranza – Task Force Sierra Madre

8.SFIC –JPIC

9.Esther Pacheco – COCAP

10.Ramcy Astoveza – Tribal Center for Development

11.SAGIBIN-LN

12.Fr. Nilvon Villanueva – Parish Priest, Baler

13.Fr. Joefran Tabalan – Parish Priest, Bianoan, Casiguran, Aurora

14.Sulong CARHIHL

15.Task Force Sierra Madre – Dingalan Chapter

16.St. Patrick Parish Social Center – Environment Committee

17.OFM-JPIC

18.Fr. Mario Establecida – Prelature of Infanta

19.Konsehal Zosimo Danay, Jr – Bayan ng Casiguran, Aurora

20.Mr. Apolinar Derilo – Infanta

21.Social Action Center – Diocese of Antipolo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.