SAVE SIERRA MADRE NETWORK
69 San Pedro Bautista St.,SFDM, Q.C.
Tel: 373-2973/ Mobile: 0919-8859941/ Email: savesierram@yahoo.com
Bukas na Liham Pagkatapos ng Isang Taong Pamamahala ng Aquino Administration
(Ika-15 ng Mayo 2011)
Mahal na Presidente Noynoy:
Tuwang tuwa po kami noong mahalal kayong Presidente ng Pilipinas sa kadahilanang kaming mga nagtataguyod ng Sierra Madre ay makakaasang mapapanumbalik nito ang patuloy ng pagbibigay ng tubig, sariwang hangin at iba pa bilang isang bulubunduking Nanay nating lahat.
Napakaganda ng inyong mga salita: “Kayo ang boss”, “Pag walang corrupt – walang mahirap”. Mga salitang tumbok sa situasyon natin. Ngunit pagkatapos ng isang taon ang nakita namin sa Sierra Madre ay business as usual tulad ng nakaraang administrasyon. Sinasabi namin ito hindi upang siraan kayo. Ang katotohanan ay hindi puwedeng takpan ng mga praise releases ng ilan sa iyong mga katuwang. Hindi kayo pinakikinggan ng maraming local na leaders at kawani ng pamahalaan.
Hindi naging priority ng inyong administration ang paglinis ng corruption sa DENR. Ang dami na nating magagandang batas pangkalikasan at napakaganda ng iyong EO 23 – moratorium sa pagpuputol ng kahoy sa natural forests at ang EO 26 na magtatanim ng kahoy sa 1.5 milyong ektaryang lupa habang nagbibigay ito ng trabaho sa 6 na milyong pamilya. Kaya nga lang bukod sa wala namang parusa ang lumabag ng EO 23, bulok ang departamentong nagpapatupad at pagkakakitaan lamang ang mga proyektong ito tulad ng maraming reforestation projects sa IPO dam na pinalawak lamang ang pagkakalbo ng bundok para mas maraming pondo ang makuha.
Maganda ang magtanim ng puno at dapat naman ngunit sa Sierra Madre tuloy tuloy ang pagputol ng kahoy at inilulusot ito ngayon sa permit na ibinigay ng DENR na pwedeng ilabas ang mga naputol bago magmoratorium hanggang Mayo 21, 2011. Alam namin sa Dinapigue, Isabela; sa Casiguran, Aurora; sa Brgy. Dinadyawan, Dipaculao, Aurora; sa Dingalan, Aurora gamit na gamit ang permit na ito. Hindi matitigil ang pagputol dahil sa patuloy na sabwatan ng corrupt na DENR, local na pamahalaan at financiers ng logging. Kung makahuli man ang pamahalaan kahoy lang ang inaabutan; walang taong nakukulong; walang kawani na natatanggal; nawawala din ang mga nahuling kahoy tulad sa Umiray kamakailan.
Noong Mayo 4, 2011 hinuli ng local na pamahalaan ng Casiguran ang 2 trak na fresh cut na kahoy ng
IDC. Naging tagapagtanggol pa ng IDC ang DENR-local at pinagsabihan pa nito ang mga pari na wala silang karapatang maki-alam. Nagkaisa ang local ng pamahalaan at taong bayan kung kayat kinumpiska ang trak ng pulis. Inimbistigahan ito ng DENR- National ngunit noong ika-13 ng Mayo pinarelease ng PENRO Miña ang trak na hindi alam ng DENR-National. Mukhang di na saklaw ng Pilipinas ang Aurora.
Sa Dinapigue ininspeksyon lamang ng DENR-National ang compound ng LUZMATIN. Isang araw lamang ang layo ng inilulusot na kahoy. Matagal nang namamahala ang DENR sa kabundukan dapat kilala na nila ang mga logging companies. Sa bagay kung naging tapat lamang ang DENR sa kanilang tungkulin mas marami pa tayong gubat – hindi 3% na lamang sa buong kapuluan.
Ito ang aming mga karanasan sa DENR: 1) ang fresh cut ay nagiging luma; 2) naihahabol pemit sa wala; 3) sa isang text naitatago ang mga illegal; 4) naipapatalo ang kaso sa korte; 5) hindi agad inaaksyonan ang mga reklamo para di matigil ang pag-ilegal. Marami pang iba – 1001 pamamaraan ito.
Alam po namin, Mahal na Presidente, mahirap labanan ang corruption. Hindi kami umaatras kahit na madalas kami ay bunot bulsa lamang habang inuupuan ng sinusuwelduhan ng aming pinaghirapang buwis ang kanilang tungkulin. Hindi naman lahat sila ganoon sa DENR dahil may mga mabubuting tao din dyan – yong iba nga ay nagbuwis na ng buhay . Ngunit malala ang sistema ng corruption sa buong burukrasya na kung isang kawani ay nagmamatuwid, paralisado din siya maliban kung gusto niyang pag-initan.
Failing Grade ang aming ibinibigay sa DENR sa pangangalaga sa Sierra Madre. May ilang mabuting nagawa ngunit kung titimbangin ay kulang na kulang kumpara sa panganib na dulot ng climate change.
Alam naming matindi ang pressure sa inyo ng mga kumikita sa Kalikasan. Bukod sa may pera at goons sila, mainpluensya sa mga local na pamahalaan at sa Kongreso. May highway na pinaplano na kung saan kilometrong gubat magkabila ng highway ang sisirain sa ngalan ng kaunlaran. Paliliitan ang mga forest reservations para minahin ang Sierra Madre.
Ang mga sumusunod ay ang aming mga mungkahi sa inyo at sa lahat ng nagmamahal sa Sierra Madre:
1.Unahin ang paglinis ng bulok na burukrasya sa DENR; ang isang citizens’ independent investigating team ay makakatulong;
2.Panagutin ang mga local na pamahalaan sa kanilang ang tungkulin sa Kalikasan mula sa mga barangay hanggang sa mga lalawigan. (Wala pang imbistagasyon sa pagpuputol ng kahoy sa Brgy. Pagsangahan, General Nakar, Quezon na inilathala Inquirer noong Abril 3, 2011; wala ding sagot sa sulat kahilingan ng mga taga-Dingalan noong sila ay bahain last year; wala ding aksyon sa “milagro” ng APECO na nabusisi sa Senado tungkol sa libong ektaryang kagubatan sa Casiguran na binusisi na Senado).
3.Magkaroon ng kumprehensibong programang pangkabuhayan sa mga nakatiwangwang na lupa para sa mga magsasaka at mga katutubo sa Sierra Madre para di na magalaw ang natitirang kagubatan.
4.Palitan na ang RED ng Region III, ang PENRO ng Aurora, ang mga CENRO ng Casiguran at Dingalan.
5.Ipasok sa balangkas ng DENR ang mga CSO para magkaroon ng transparency ang DENR. Maging bukas ang mga dokumento at pasamahin sila sa mga operations sagot ng pamahalaan ang kanilang pagkain at pamasahe.
6.Iparamdam ninyong saklaw ng gobierno ang Sierra Madre. Sa Angat Watershed at sa Casiguran may mga kinakatakutang mga goons.
7.I-certify ninyong kagyat ang pagpapasa ng Forest Management Bill para maisabatas ang EO 23.
Mahal na Presidente, Nakasalalay sa gubat ang buhay ng milyong Pilipino at ng susunod na henerasyon.
Huwag kayong matakot sa mga may vested interests. Palalakasin kayo ng Diyos at ng mga mahihirap.
1.Fr. Pete Montallana , OFM- Save Sierra Madre Network
2.Haribon Foundation
3.NASSA
4.Bro. Martin Francisco –SSMESI
5.Fr. Israel Gabriel -Social Action – Diocese of Infanta
6.Sr. Angie Villanueva, r.c. –JPICC-AMRSP
7.Sr. Elizabeth Carranza – Task Force Sierra Madre
8.SFIC –JPIC
9.Esther Pacheco – COCAP
10.Ramcy Astoveza – Tribal Center for Development
11.SAGIBIN-LN
12.Fr. Nilvon Villanueva – Parish Priest, Baler
13.Fr. Joefran Tabalan – Parish Priest, Bianoan, Casiguran, Aurora
14.Sulong CARHIHL
15.Task Force Sierra Madre – Dingalan Chapter
16.St. Patrick Parish Social Center – Environment Committee
17.OFM-JPIC
18.Fr. Mario Establecida – Prelature of Infanta
19.Konsehal Zosimo Danay, Jr – Bayan ng Casiguran, Aurora
20.Mr. Apolinar Derilo – Infanta
21.Social Action Center – Diocese of Antipolo
Related articles
- [In the news] Listen to forest dwellers, rights groups urge DENR – Special Reports – GMA News Online – Latest Philippine News (hronlineph.wordpress.com)
- [In the news] Robed defender of the Sierra Madre – INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos (hronlineph.wordpress.com)
- [In the news] DENR won’t impose mining moratorium – INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos (hronlineph.wordpress.com)
- Mountain News: Palanan – Sierra Madre Expedition Honoring Leonard Co to commence tomorrow (origparanan.wordpress.com)


![[People] No more safe spaces for journalists in Gaza | by Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/unnamed.jpg?w=800)
![[Statement] TDC Statement on the bill to repeal CPD LAW](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/tdc-on-cpd-law.png?w=1024)
![[From the web] CONSUMER SAFETY ALERT: Food-Like Plastic Toys May Pose Serious Health Risks to Children | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/2.png?w=1024)
![[From the web] EcoWaste Coalition Calls for Stronger Measures to Stop Lead Paint Imports](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/laboratory-tests-confirm-the-presence-of-lead-a-toxic-chemical-banned-in-paints-and-similar-surface-coatings-at-levels-exceeding-the-legal-limit-of-90-ppm.jpg?w=1024)
Leave a comment